This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Biyernes, Pebrero 7, 2014


The Harbinger Diary is a web page that contains a collection of original write-ups from the UNLIMAGINATION of its writer.

No part of ANY story may be reproduced,COPY-PASTE or used in any form and method without permission from the author and/or from the administrator.

All the characters in ANY STORY in this blog have no existence whatsoever outside the imagination of the authors, and has relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known to the authors and all incidents are merely invention.

                                                                             ***
Ikaw ba ay may
KATANUNGAN?
SUHESTYON?

o KOMENTO ?na gustong iparating
sa ADMIN o sa AUTHOR ng personal?

Makipag-ugnayan sa numerong ito: 09262547669
Ikinalulugod ng The Harbinger
ang iyong pagbabasa.

You are FREE to
LIBERATE your mind
and BE with Me.

Enjoy Reading!
 

Sabado, Enero 5, 2013

kung hindi kita mahal
bakit nga ba ganito?
kung hindi ito pag-ibig
bakit tila magulo?

kung ang tunay na ligaya
sa pag-ibig makikita
bakit bawat araw ay mapait?
bakit tuwing ngingiti ay masakit?

kung ang puso nga ay di nakadarama
bakit bawat pagpintig ay siya ring pagluha?
kung ang utak kayang diktahan ang puso
bakit ang pag-ibig ko alay pa din sayo?

bakit nga ba sa tamang oras
ngunit sa maling pagkakataon?
bakit nga ba sa tamang tao
ngunit sa maling panahon?

kung hindi kita iniibig
bakit kay sakit ng nadarama?
kung hindi kita mahal
bakit ako nasasaktan?

kung kaya kitang kalimutan
paano nga ba gagawin?
kung kaya kang talikuran
tanggap na rin ba ang kamatayan?
(Contributor/Writer: Balong Marquez @https://www.facebook.com/mfegi)
 

sa dami ng mapagdadaanan mo. . hindi mo iisipin na kakayanin mo yun lahat. . nanjan yung tipong di ka makakain kasi wala kang pera. . oh di ka makapasok kasi walang pamasahe. . oh di ka makatingin sa teacher mo kasi di ka gumawa ng assignment na 3 weeks ng pinagawa sayo. . aba kung gano ka na katanda ngayon ganung katagal ka ng nagsusurvive! biruin mo sa dami ng bagyo at lindol at hightide at redtide nabuhay ka pa. . astig db?. .kaya lang. . sabi nga nila. . di naman yung sa pisikal ang mahirap makalimutan. . minsan yung di nakikita ng mata oh yung di naririnig ng tenga yun yung masakit.
kunyari. . nakita mo yung crush mo. . may kaholding hands. . kahit wala naman talaga kayong commitment isusumpa mo xa ng buong puso. . at kung marunong ka lan g mang kulam malamang kinulam mo na yung kasama ng crush mo! imagine . . crush lang yun. . eh pano yung mahal mo?. . yung mga telesrye effect na eksena kagaya ng. . pumunta ka sa haus ng karelasyon mo pero may kasama xang iba. . oh yung biglang nanlamig yung karelasyon mo kasi nagka-inlovan na pla sila ng besppren mo. . pwedeng nasira ang relasyon mo sa 6 yrs mong jowa dahil sa taong mas panget sayo. .mmmm. . at madami pang iba! kesyo di magkaintindihan. . di na masaya. . walang tym. . walang gold. . walang utak. . wala na kasing love. at ang ending mo?? AYAN! AYAN MISMO! nakatulala ka at bigla na lang luluha. . yung tipong kakanta ka sa videoke pro tumutulo na yung sipon mo kakaiyak. . dahil nga may pinagdadaanan ka. .
naku. . may mga taong nasunugan. .naholdapp. . nabankrup. .nadulas,nabungi at nabosohan. .pro chill lang. .ikaw na namatayan. . namatayan ng puso. . chill lang din. . madami pang dadating. . mas magiging masakit pa. . kaya dapat kayanin mo yan. .
kung ngayon di k makasabay sa agos ng puso. . baka bukas malunod ka na lang bigla. . hindi ko sinabing magiging madali ang pagtanggap. . mahirap . pero isipin mo na laging may susunod pa. . may mas ok pa. . at para sayo. . san mo gusto? SHOT TAYO! :)
(Contributor/Writer: Balong Marquez @https://www.facebook.com/mfegi)

Nipper


Are you a kind of person who used to go to a salon to have a pedicure or manicure service? If yes, we gonna be a good mate! For almost a decade now, this event, has been my "TREAT" to  myself especially after a very tedious and stressful days.

My friends would always say,

"Ano ba yan, kakapalinis mo lang ng kuko last saturday magpapalinis ka na naman.
Baka naman bukas makalawa wala ka ng kukong palilinisan!" 

I would usually smile back to them because no matter what they say,
I would still go on.
Probably because this has been my way of "somehow" expressing my other self, too.

At home my family doesn't know who really I am.
I am afraid to talk about my "wants", "likes", and "dreams".
It is simply because my brothers, cousins, and dad would hate me.

I am just a simple boy who has this simple dream.

I just dream to have a life of my own. I mean a life that I could say  "MY OWN".
A life wherein no one can dictate what are the things that I should do, the feelings that I should feel,
the things that I should like and dislike, and most importantly a life wherein I can freely choose the person I should love.

Upon reading this, it seems easy for you to say that the problem is in me.

That I should have the "bones" to stand for myself.

Yes.
It seems easy.
But the problem is, I can't.

It simply because I am afraid to be alone. I am afraid to be secluded from other people. 
My family is the only group of people that I have.

Is it bit confusing?
If you would ask me, "How about your friends?"

I'll just smile and say "I really don't have."

My friends are all imaginary people.
In real life I don't have friends to run to, and  to talk with.

I am alone.

Alone in this purely white room.
Painted with white and with a bed covered with pure white satin.
My pillows are all white, too.

This color symbolizes purity, innocence and emptiness.
Yes, emptiness of life like what I have.

Many people afraid of us. They say that we are very dangerous in the community.
I don't usually argue with that assumption because even my own relatives believe with such idea.

The idea that I can kill people. Ow, come on. 

I am not shocked when my father decided to put me inside this institution.

The doctors say I am diagnosed with schizophrenia, wherein I am making another person in me.
Yes. That's true. that's the reason why you where able to read this story. 

The reason why my mother hates me because I put her favorite dress inside the microwave oven.
The reason why my brother kicked me when he learned that I used his cellphone to text his friends with weird things.
The reason why my cousins dislike me because I usually make story for them to fight each other.
The reason why you are probably confused about this story.

They can't blame me.
You can't blame.
No one can.

Because no one has experienced what I have been experiencing.

The pain.

Not the physical pain but the emotional pain that you all caused me. :X


Sabado, Abril 14, 2012

PiN


Sumakay ako ng dyip.
Hindi ko inaasahang nandoon ang lalaking minahal ko ng lubos.
OO. nandoon siya at pilit na iniiwasan ang mga sulyap ko.
Habang tinitignan ko siya'y naalala ko ang mga araw na naging masaya kami.
Mga araw na dati'y sinabi ko na sana maging "FOREVER" na.

Nakaupo ako sa tapat niya.
habang ako'y sulyap nang sulyap sa kanya, siya ay halos mabalian ng leeg para
lang 'wag akong masulyapan.Hindi ko siya masisisi.
Maaring nahihiya siya sa ginawa niya sa akin o maaaring takot siyang mapahiya na kung sakaling batiin niya ako ay hindi ko siya pansinin. 

Nang magsalita ako ng "BAYAD PO." napansin kong sumagi ang paningin niya sa akin.
Pero saglit lang dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa unahan.
Napangiti ako at nasabi sa sariling, "kahit anong gawin mo, hindi mo ako maiiwasan."
Siguro tama 'yung sabi ng friends ko na mapang-asar akong tao dahil imbes na sa katabi ko i-abot ang baryang bayad ko ay sa kanya ko inabot.

Kinuha niya ang bayad ko pero hindi siya nagsalita o ngumiti man lang.
Inaasahan kong babatiin niya ako ng "Hi.", "Oh, kumusta ka?", "Ikaw pala 'yan!"
Ngunit kahit isa roon ay 'di niya nabanggit
.
Hindi ako naiinis. Hinayaan ko lang siya maging tameme sa presensya ko.

Nang bumaba ang katabi niya, mabilis akong lumipat ng upuan at tumabi sa kanya.
patago kong idinikit ang siko ko sa braso niya.
Alam kong naramdaman niya iyon.

Ang init.
Ang pananabik.
Ang pagmamahal.

Ngunit nanatili siyang manhid.

Maya-maya pa'y may nagsabing, "Sa Tabi Lang Po!"
Tila hindi narinig ng drayber ang pumapara.
Inis na ang babae nang muling magsalita,

"Manong sa Tabi Lang! Kung hindi mo ipapara 'to magkakagulo dito sa dyip mo!"

Napapreno ang manong drayber at mabilis na bumaba ang pumara kasama ang lalaking dati ay nangakong magsasama kami sa isang bahay na ang pundasyon ay tunay at wagas na pagmamahalan.

Walang anu-ano'y tumulo ang luha ko.
Mabilis kong pinahid 'yon.
Tumunog ang cellphone ko.
Binasa ko ang text na nagsasabing,

"Honey, sorry. magpapaliwanag ako sa'yo sa sabado. Promise sa sabado sa'yo ako matutulog."

dream


Gusto Kong Tumayo.
          Tumayo At Maglakad.
                     Maglakad At Tumakbo.
                                    Tumakbo At Tumalon.
                                                    Tumalon At Sumayaw...


                                                                  Sumayaw At Mapagod.
                                                                                      Mapagod Na Mangarap.
                                                                                                           Mangarap Na Ako'y...




                                                                                                                                  May Paa. :(

Lunes, Abril 9, 2012

An Open Letter to the One I Dearly Loved

Dearest The Harbinger Diary,


                       Hi there! :) Probably you are thinking now why the hell I send you this letter. Of all blog sites that claiming they are the right people who can solve or somehow give a remedy to someone's heart problem bakit sa'yo pa ako nagsulat? Kahit ako di ko rin alam. :) Siguro dahil I just felt na someone from your group can understand and genuinely sympathize with me . Nakakatawa. When I first saw your blog and being asked by a common friend to like its FB Fan Page I could not help myself to visit it and read some morbid stories. Yes. Morbid. Funny right?! A morbid someone like me chooses to be advised by a morbid someone/s like you. :) But kidding aside, I believe you can help me with this sort of dilemma  that I have. Here's the story.

Last three weeks my auntie from Quezon asked me to go with her kasi graduation sa college ng isa sa mga pinsan ko.   Hindi ako tumanggi kasi bakasyon ko na rin naman (I was on leave that time from work. Btw, I am a call center agent.) Matagal na panahon ko na ring huling nakita ang mga pinsan ko sa Quezon. Nasabi ko nga sa auntie ko na baka hindi ko na sila mamukhaan or equally hindi rin nila ako makilala dahil sa tagal namin hindi nagkakasama. Would you believe na ang mga pinsan ko ay hindi ko friends sa Facebook?! At wala ni isa man sa amin na magattempt na i-add ang isa't isa. Siguro dahil hindi naman talaga kami close kahit noon pa. Naalala ko noong mga bata pa lang kami, kaya lang ako nakakasama sa laro nila dahil  wala kaming choice! It was either pinilit sila ng auntie ko na kalaruin ako or pinilit ako ng tatay ko na makihalubilo sa kanila. Mayroon akong limang pinsan at lahat sila ay close sa isa't isa. AKO LANG ANG WALANG KA-CLOSE dahil tingin ko sa kanila ay mga maldita at suplado. Naiisip ko nga bakit kaya ayaw nila sa akin eh hindi naman masama ang ugali ko. 
                         
Noong magpasya ang parents ko na sa Manila na kami titira sobrang naging masaya ako dahil naisip ko sa wakas magkakaroon na ako ng masasabi kong circle of friends. Pero hindi ganun ang nangyari. Lumaki akong mag-isa at mas pinipiling maging-isa sa lahat ng bagay. Nang makatapos ako ng College sa kursong Medical Representative sa kilalang unibersidad mas pinili kong maging call center agent dahil mataas ang sweldo. Sa linya ng trabaho ko, kami yung mas kilala bilang bat-workers. Kasi nga naman gising na gising kami sa gabi at tulog kami sa umaga. Hindi ko mabilang kung ilang lalaki ang dumaan sa buhay ko PERO wala pa akong naging OFFICIAL BOY FRIEND. Dahil marahil sa kakahanap ko ng Mr. Right Man para sa akin 'ayun naging BIGO ako. Ang hinahanap ko kasi 'yung tipong boyfriend mo na, bestfriend mo pa. Sa totoo lang, hindi rin ako nagkaroon ng bestfriend kahit nung college. Kaya siguro sabik ako sa matino at seryosong kaibigan. 'Yung tipong hindi ako iiwan. Kaya 'yun ang pamantayan ko sa magiging bf ko. 

Pero nag-iba mula nang makilala ko si Archie. Isa rin siyang call center agent. Lasing na lasing ako isang gabi mula sa birthday ng ka-officemate ko (Napilitan lang akong sumama kasi katrabaho ko.) Nang pumasok ako sa C.R para sumuka. Nagulat ako nang may lalaking nagbukas ng cubicle kung saan ako naroon. Walang kaabog-abog ay sinampal ko siya ng malakas. Nabigla na lang ako nang siilin niya ako kaagad ng halik. Hindi na ako nakapumiglas dahil hilong hilo ako dala ng kalasingan at marahil nagustuhan ko rin naman. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako kinabukasan na nakahiga sa kamang hindi pamilyar sa akin at wala na akong saplot. 

Doon nagsimula ang relasyon namin ni Archie. Noong una hindi ko masabing relasyon talaga na  purong pagmamahal ang umiikot sa amin dahil nagiging magkasama lang kami kapag kailangan namin ang  init ng isa't isa. Hanggang sa maramdaman ko na lang na MAHAL ko na ang MOKONG! Pero nakakalungkot dahil wala akong alam na kahit na katiting na detalya tungkol sa PRIVATE LIFE niya. Ganoon din siya sa akin. Hindi ko nga alam tlaga kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Dahil natatakot akong magtanong. Lalo pa't nalaman ko na 3 weeks na akong nagdadalang-tao. OPO. NABUNTIS ako.

Sinabi ko sa sarili ko na ipagtatapat ko kay Archie pagkabalik na pagkabalik ko galing Quezon. Sinubukan kong sabihin sa kanya dalawang araw bago ang byahe ko pero naramdaman ko kaagad na parang wala siyang interest na makinig kaya hindi ko na lang ipinagtapat hanggang ang gabi na nilaan ko ng pagtatapat sa kanya ay nauwi na naman sa sex. 


Bago kami bumiyahe ng auntie ko pa- Quezon nakarecieved  ako ng text kay Archie at halos gusto kong lumundag sa sobrang tuwa! Nang mabasa ko na MAHAL niya raw AKO! at aayusin daw namin ang aming relasyon pag-uwi niya galing probinsya. Nagtextback ako sa kanya agad-agad. Sinabi ko na MAHAL na MAHAL ko rin siya! at sinabing pauwi rin ako ng probinsya ko. Hindi siya nagreply kaagad kaya tinawagan ko siya. Hindi na nagriring ang cellphone niya. Naisaloob ko baka Lowbat.

Nang mmakarating kami ng Quezon hindi ako nakaramdam ng excitement na makita ang mg pinsan ko. Bitter nga siguro ako dahil sa tuwing iisipin ko sila'y naaalala ko ang mga pagmamaramot nila sa akin noong mga bata pa kami. Alam kong mali pero masisisi mo ba ako? 

Tuwang-tuwa ang isa kong auntie (Ang auntie na kasama ko ay panganay na kapatid ng tatay ko, ang aunting  sumalubong sa amin ay ang kanilang bunsong kapatid.) nang makita ako. Matagal narin kaming hindi nagkita. Huling pagkikita namin ay sa libing pa ng tatay ko mga tatlong taon na ang nakaraan.

Marami ang handa nang araw na 'yun dahil inaasahang marami ang magiging bisita nila. Tama ako. Hindi nga kami nagkakilalanan ng mga pinsan ko. Nang ipakilala kami tango lang ang naging tugon namin sa isa't isa. Ni wala ngang bumeso sa akin. Nagtaka ako kung bakit apat pa lang ang nakita at na-meet ko. Iniisip ko siguro'y nagasawa na si Estoy. Hindi ako tinantanan ng curiosity ko kaya tinanong ko ang auntie ko.

"Wala nasa Manila narin nagpirmi! Nako, maloko yaong batang 'yon! Maraming naging girlfriend pero walang tinagalan."

 Tinanong ko pa siya kung hindi ba uuwi dahil graduation ng kapatid niya. Sinabi ni auntie na uuwi nga raw pero hindi niya alam kung anong oras makakarating. Natuwa ako kay auntie lalo na nang ipakita niya sa akin ang photo album ng pamilya nila. Wala sa loob ko na nabitawan ko ang baso at nabasag sa sahig. 'Ni hindi ko rin naramdaman ang bubog na tumalsik sa paanan ko. Nagulat ang lahat nang nasa sala pero ako parang wala parin sa sarili na tinitigan ang mga litrato.

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko lalo na nang kumpirmahin ni auntie na si Estoy ay si Archie Mendoza. Oo. Si Archie na ama ng dinadala ko ngayon. Si Archie na Kaunaunahang lalaking lubos kong minahal ay si Estoy na pinsan ko.

Dali-Dali akong lumabas sa bahay ng auntie ko at nagsabi sa kanila na may emergency kong tawag sa trabaho. Bumalik ako kaagad ng Manila nang oras na 'yun. Ngayon nga'y magiisang linggo na akong kinokontak ni Archie. Hinahanap sa mga katrabaho ko. Sa lahat ng mga common acquaintances namin. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang totoo. 

Ano po ang dapat kong gawin? Sana po mabigyan niyo ako ng advice na makakatulong sa akin. Paki-publish niyo rin po ang letter ko na ito sa inyong blog para SANA dito na lang malaman ni Archie ang katotohanan. Dahil takot akong magsabi sa pamilya ko. Takot akong itakwil. Takot akong ipagtabuyan. At takong akong personal na  na talikuran ni Archie. Ang kaisa-isa  lalaking minahal ko.

Pakikontak po ako sa number na ito 0926@$#$%#& o sa email address na ginamit ko. Maraming salamat The Harbinger Diary. Godbless and More power!




                                                                                           Sincerely,
                                                                                            Ria Cruz