This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

SALAMIN


Walang kakurap-kurap si Sheena
habang nakatitig sa
MAGANDA at KAAKIT-AKIT na repleksyon,
sa harap ng isang antigong salamin.

Minana pa niya ang salamin na iyon mula sa kanyang pumanaw na Lola.
Mahal na mahal siya ng lola Criselda niya
kaya't sa kanya pinamana 'yun
kaysa sa kanyang masasakitin
na ate Marrietta.

Malimit nitong sabihin na kung dumating ang panahon
na pumanaw na ito'y sa kanya na ang salamin.

Lumaki sila sa kalinga ng kanilang lola matapos na iwan sila ng inang OFW na hindi na bumalik pagkalipas ng tatlong taon.

Ni wala man lang pasabi, tawag o simpleng text silang nareceive mula rito.

Nagulat na lang silang lahat nang malaman nilang nag-asawa na ito ng isang
foreigner at tuluyan na silang inabandona.

Ang kanilang tatay na si Mang Cardio ay MABIGAT ang KAMAY at LOOB sa kanilang magkapatid.
Naalala niya pa noon kung paano siya hagupitin
ng sinturon sa tuwing nagkakamali siya.
Marahil dahil ang ibig nito ay anak na lalaki.

Masasabi niyang MASAMA ang kanyang ama.

OO.

MASAMA.

MASAMANG MASAMA.

Masama dahil makailang ulit na silang pagsamantalahan nito. Makailang ulit na niyang makita kung paano nito BOSOHAN ang mahina niyang ate na mag
lalabing-anim na taon pa lang noon.

Makailang ulit na siyang napapasigaw sa gulat sa tuwing mabubungaran itong Lasing at paminsan-minsa'y hinihiklat ang kulot niyang buhok.

Sa tuwing may ginagawang kabulastugan ang kanilang ama,
wala silang ibang pinagsusumbungan kundi ang kanilang Lola.

Ngunit sa labis na pagmamahal ng matanda sa kanyang nag-iisang anak,

Nilulunok na lang nito ang kasalbahihan ng lalaki.

Tanda pa niya, nang sumapit siya sa pagkadalaga,
Pumasok sa silid nila ang kanyang ama na lango
sa alak at droga.

Ang kanyang ate ay
tulog na tulog sa tabi niya.

Narinig na lang niya ang impit na pag-iyak nito.

Wala siyang magawa kundi ang

Manghilakbot. 
Mapaluha.
Magdasal.
Magmura.
Magsumpa.
Manggigil.
Mainis.
Manumbat at
Manakwil.

Lahat ng iyon ay pikit-mata niyang nagagawa.

Kung kumibot siya'y suntok sa sikmura ang
aabutin niya sa kanyang ama o kung mamalasin pa'y
tutusukin nito ng dulo ng patalim ang leeg niya.

Sa tuwing gagawin iyon ng ama niya'y
sa salamin na lamang siya napapatitig.

Sa salamin na nakaharap sa kanyang kinahihigaan.
Doon kitang kita niya ang pagkubkob ng
MALADEMONYO niyang AMA
sa kaawa-awang ate niya.

Doon sa salamin kung saan naging saksi ng
pagyurak ng pagkatao nila ng taong dapat
na magsisilbing tagapagtanggol nila.

Isang beses sa ganoong sitwasyon sila napasukan
ng kanilang lola.

Hindi natinag ang kanyang bangag na ama
kahit nangisay na sa sahig ang matanda.

Nagsusumigaw na siya nang makita
niyang inatake ito sa puso at mawalan ng hininga.

Ang kanyang demonyong ama ay
hindi tumigil sa pagyurak nito sa kanyang ate.

Hindi niya alam ang gagawin.

Puno ng GALIT at HINAGPIS ang PUSO niya.

Galit
sa kanyang INA.
sa kanyang AMA
sa kanyang LOLA at
sa kanyang SARILI dahil wala siyang magawa.

Dapat noon pa'y may nagawa na siyang paraan
para napigilan ito.

Dapat noon pa'y natabas na
ang sungay nito at hindi na sila
naging biktima.

Nakita niya ang kanyang kawawang ate
na humihingi ng tulong sa kanya.

Nandilim ang kanyang paningin at
mabilis na lumabas ng kwarto.

Hindi na maririnig ang pagtangis mula sa kanya.

Pagbalik niya'y ibinuhos niya
ang isang timbang tubig mula sa
kanilang banyo.

Hinila niya ang kanyang ate paalis ng kama.

Galit na galit ang ama niya
ngunit wala na itong nagawa pa
nang isaksak niya ang sirang kurdon
ng kuryente at nasisiyahang pinanood
ang pangingisay nito.

Tatlong taon na mula noon.

Tatlong taon na mula nang itago nila
ang krimen na kanyang nagawa.

Tatlong taon na nang ilibing nila ng
kanyang ate ang kanyang lola at tatay
sa kanilang bakuran.

Tatlong taon nang nagbubunyi ang kanilang
kalapit-bahay dahil wala na ang kaniyang
amang halang ang kaluluwa.

Pinalabas nilang umuwi ito ng probinsya
kasama ang matanda at doon na muling
nag-asawa at pumirmi.

Mula noon, nakailang ulit
na silang tumanggap ng boarders.

Boarders na pawang mga lalaki lamang.

Boarders na makailang ulit nang papalit-palit
at MISTERYOSONG nawawala.
Ngayon nga'y nakatitig siya sa
magandang pigura ng kanyang katawan.

Nasisiyahan siyang sipatin ang
sariling repleksyon.

Mula sa salamin ay kitang kita niya
ang pag-aasam sa mata ng bagong boarder
nilang si Mike na nakatayo sa harapan ng
kanilang kwarto.

Mag-iisang linggo pa lang si mike
sa kanilang puder.
Giliw na giliw ang kanyang ate
sa gwapong binata.
Pero nakapag-usap na sila
at sa kanya ngayon ito.

Kunwari ay hindi niya nakikita
na binobosohan siya ng lalaki
mula sa kanyang salamin.

Isa-isa niyang hinubad ang kanyang
saplot hanggang sa wala ng matira.

Hindi na nakapigil pa ang
lalaki at sinunggaban na
siya nito.

Hindi siya nagpakita ng galit
o ng kahit na katiting na pagtanggi
nito.

Sinibasib siya ng halik at inihiga
sa kanyang malambot na kama.

Kama na dati'y pinagsasaluhan nila ng kanyang ate.

Habang nagpapasasa ang lalaki sa kanyang
karikitan. Kitang kita niya ang repleksyon
nito sa kanyang salamin.

Salamin na saksi sa lahat
ng malademonyong gawain ng kanyang ama.

Salamin na saksi sa pagpapalaya
niya sa kanyang ate at kanyang sarili
mula rito.

Nasa mainit na silang tagpo
Nang ipalit niya ang sarili
sa pwesto ng lalaki at siya
ang umibabaw rito.

Pikit matang naliligayahan si Mike at
mula sa kung saan ay binuhusan niya
ito ng tubig at mabilis na isinaksak ang
kurdon ng kuryente.

Pumasok ang kanyang ate at
Masayang pinanonood nila
ni Marietta ang lalaking
tulad ng kanilang ama.

Lalaking hayok sa laman.

Nangingiti niyang tinignan ang
sariling repleksyon sa salamin.

At may pagngising nasambit niya,
"Ate, maglagay ka na ulit
ng karatula sa Gate."


Martes, Disyembre 20, 2011

CONCHITA


Ako si Conchita.

Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.
PERO may BESTFRIEND AKO: si Conchita!

Siya ay
Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.

Kung tatanungin mo ako kung ano ang buhay,

May pagmamalaki kong sasabihin
sa'yo na ang buhay ay MASAYA.

MASAYA!

MASAYA PARA SA MGA TAONG BINIGYAN NG:
  • Tuwid na Buhok
  • Maputing Balat
  • Matangos na Ilong
  • Singkit na Mata
  • Mapulang Labi
  • KALARO
  • KAIBIGAN
  • PAMILYA
Kung lahat ng iyon,

Lahat na Mayroon ka,

Ay Mayroon din ako,
Siguro MASASABI ko rin na TOTOONG MASAYA ang BUHAY KO.

Pero hindi kailanman magiging PANTAY ang Buhay para sa
LAHAT! 'yan ang natutunan ko sa halos dalawang pares na
Mag-asawang Nag ampon sa akin.

Lahat sila BIGO.

BIGO sila na MAGING MASAYA AKO.

Simple lang naman ako na bata e'

ANG GUSTO ko LANG:

MAHALIN
MAHALIN at 
MAHALIN

'yun lang!
Pero LAHAT sila
Mas MAHAL nila ang una nilang anak!

Hindi ko kailanman maisip ang logic kung BAKIT pa nila
ako kailangang AMPUNIN!

Gayung may ANAK na sila.

'yung unang mag-asawa na sina Mommy Clare at Daddy Jun
Walang naging ANAK pero hindi nila ako napasaya.

Si Daddy Jun kapag inihahatid ako sa school iniiwan lang
niya ako ng walang KISS!

Pero si Mommy laging may kiss!

Nakakainis!

Isang beses dumating si Daddy Jun galing sa opis.
May dala siyang Cake dahil anibersaryo nila ni Mommy.
Pero wala pa si mommy.
Umupo siya sa sofa.

Pagod.

Dahil gusto kong makapuntos kay Daddy.
Kinuha ko ang tsinelas niya sa ilalim ng
hagdan at inilapag sa tapat niya.

Hindi siya ngumiti.
Ako na ang nagkusang nagtanggal ng
sapatos niyang balat at medyas.

Imbes na matuwa si Daddy,
GALIT na GALIT siya.

Niyakap ko siya pero itinaboy niya ako.

TAMA AKO!

KUNWARI lang na gusto niya ako noong
una naming pagkikita sa AMPUNAN!

Napilitan lang siya kay Mommy dahil
Gustong gusto niya ako.

Napaisip tuloy ako,
Bakit lagi nalang na ang mga DADDY
ko ang ayaw sa akin.

Dahil ba:
  • Kulot
  • Maitim
  • Makapal ang Labi
  • Malaki ang Mata at
  • Malaki ang Noo ko?
Dahil ba hindi ako MAGANDA?
Pero bakit sina MOMMY, LAHAT sila GUSTO ako?

Pero GUSTO ko ang mga DADDY ko!

MAHAL na MAHAL ko sila!

Si Daddy Ben,

SIMPLE.
MABAIT.
MAPAGBIGAY.
MAALALAHANIN.
PALANGITI.

Pero hindi niya rin ako MAHAL.

Biyernes noon, umuwi si Daddy Ben na lasing.
Si Mommy ay tulog na tulog sa kwarto nila.

Nakita ko si Daddy Ben na pasuray-suray na pumapanhik ng hagdan.
Nasa ikalawang baitang palang siya nang bumagsak siya.

Dahil mahal ko si Daddy Ben kaya mabilis ko siyang inalalayan.
Tinulungan ko siyang mapa-upo ng maayos at kumuha ng basang bimpo.

Simula noon, natuto na ako sa mga gawain ng matatanda
'yan ang natutunan ko sa bahay-ampunan. Kailangang maging
independent kami para magustuhan kami ng mga mag-aampon.

Kaya alam ko kung ano ang dapat kong gawin.

Pero Nagulat ako nang nanlaki ang mga mata ni Daddy Ben at
Galit na Galit sa akin!

Hindi ko siya maintindihan!

Lahat sila hindi ko maintindihan.

Naisip ko maaaring natakot si Daddy Ben dahil
lasing siya at nagulat na ako ang kaharap niya.

AKO na:

PANGIT at
MAITIM!

Pero
MABAIT ako!
MASUNURIN!
MAGALANG! at
MAPAGMAHAL!

Pero AYAW nila sa akin.

DAHIL ayaw nila sa akin kaya TAMA bang
ibinalik ako ng mga MOMMY ko dito sa ampunan?

Tama ba na paasahin ako ulit?

E' diba mas kailangan nila ako gayung
Mag-isa na lang sila sa buhay nila?

Gayung iniwan na sila ng mga DADDY ko?

Mas kailangan nila ako pero pinili nilang iwan ako.

NAKAKATAWA!

NAKAKAAWA sila!

Tama lang na iniwan sila ng mga Daddy ko!

Tama lang na hindi na sila nagsasama!

Dahil ang mga MOMMY ko ay

MAPUPUTI!
MATATANGOS ang ILONG!
MAGAGANDA!

at dahil HINDI FAIR ang MUNDO kaya TAMA lang na IWAN din sila.

Naalala ko tuloy kung paano ko pinatulog sina Daddy!

HAHAHAHA!

TAMA!

HAHAHAHA!

NAKATULOG sila sa aking maliit na KARAYOM.

Hindi naman kasi magkakaganun kung MINAHAL nila ako!!!

Si Daddy JUN, nang matanggal ko ang sapatos niya
at subukang tanggalin ang pantalon niya galit na galit kaagad!

Si Daddy Ben, nang pinupunasan ko siya at hinubad ang kanyang
uniporme galit na galit din siya!

GALIT na GALIT sila nang
pagHAHALIKAN ko sila!

DAPAT nga MATUWA sila sa akin!
DAHIL mahal na mahal ko sila!
DAPAT ako ang piliin nila kaysa sa mga MOMMY ko!

DAHIL AKO si CONCHITA.

AKO na magdadalawang Oras nang
Naghihintay na maiuwi ng
bagong aampon
sa akin.

Bagong Mag-asawa
Bagong Daddy!
Bagong Mahal ko!


Sana THIS TIME hindi na ako ibabalik sa AMPUNAN!

Lunes, Disyembre 19, 2011

Bilao


Nagtataka ako kung bakit napakaraming sasakyan
ng mga sundalo malapit sa aming lugar.
Ang bawat isa ay putikan at nagmamadali na magsibabaan.

Pangarap ko noon ang magsundalo.
Pangarap na hanggang ngayon ay minimithi ko.

Dinaanan lang ako ng mga sundalo,
natakot tuloy ako bigla para kina nanay at
kuya na nasa bahay. Naisip ko baka may inkwentro na naman.

Inkwentro na malimit mangyari dito sa amin sa Iligan.

Inalala ko kung ano ang nangyari kanina at bakit nandito ako ngayon sa tabi ng kalsada...

Mabilis kong nilapitan si Nanay nang makita ko siyang may bitbit na mga gulay at nakaipit sa kilikili niya ang bilaong ginagamit niya sa pagsala ng ginto sa batis.
Matagal na si nanay sa ganung uri ng trabaho.
Ilang beses na rin siyang niyakad ng mga
kapit-bahay namin na sumama na lang sa kanila na magtrabaho sa isang malaking kumpanya ng
mga minero (mining company) pero tumanggi siya.
Katwiran niya, nakakasurvive naman kami sa araw-araw
at hindi niya kailangang mangamuhan pa.

Tatlo na lang kami nina kuya at mama sa bahay
ng tiyahin ko. Si tiya ay may tindahan ng gulay sa kabihasnan at duon na siya nagpipirmi.
Si tatay ay maaga kaming iniwan.

Maaga siyang lumisan dahil sa isang aksidente.
Ang trabaho ni tatay ay kahalintulad ng kay nanay.
Ang pinagkaiba lang ay, kailangan ni tatay sumisid sa isang balon gamit lang ang isang maliit na hose at compressor para hingahan niya. Hindi alam ng mga kasamahan ni tatay na natanggal ang hose na nakakabit sa makinang nagsu-supply ng hangin. Sabi ng mga kasamahan ni tatay nagtaka na lang sila na hindi na umahon ang aking ama kaya napagdesisyunan nilang sisirin na ito.

Parang gumuho ang mundo ni Nanay nang malaman niya ang nangyari kay tatay. Hindi alam ni nanay kung papaano niya kami bubuhayin. Ako'y grade 6 pa lang at si kuya naman ay may sakit sa puso kaya kalimitan lagi lang siya nasa bahay dahil bawal na bawal sa kanya ang mapagod.

Buti na lang at kahit papaano'y nakabawi kami sa trahedya.
Walang ibang alam na pagkakitaan si nanay kundi ang paggiginto. Ayaw naman niyang mamasukan pa sa tiyahin ko dahil hindi na 'yun papayag. Manunumbat na naman iyun na libre na nga kami ng bahay pakain pa kaming lahat.

"Nasaan ang kuya mo bunso?" tanong ni nanay nang iabot niya sa akin ang bilao. "Nasa likod-bahay po at nagdo-drawing." 

Walang ibang pinaglilibangan si kuya kundi ang pagguguhit. Kahit uling at lumang karton lang ang gamit ni kuya'y napakahusay niya sa pagguhit. Ang sabi nga niya noon kay tatay at nanay gusto niyang mag-aral ng pagguguhit sa kolehiyo, binigyan ni tatay ng ngalan ang kurso iyun na "Payn Harts".

Nagpunta kami ni nanay sa likod-bahay at nakita namin si kuya na nasa kosentrasyon ng pagguhit. Napakaganda ng mga halaman na binigyan niya ng buhay at kulay sa karton.
Makulimlim na nang mga oras na iyun. Maya-maya pa'y pumatak na ang ulan. Mabilis kaming nagtakbuhan papasok sa bahay. Ang bigat ng bawat patak. Ramdam ko ang pressure ng ulan na para bang excited ang bawat isa na halikan ang lupa.

"May bagyo ngayon. At kailangan natin maghanda."
Tanging nasabi ni nanay habang inaayos niya ang mga gulay para sa pagluluto. Inutusan ako ni nanay na bumili ng kandila sa tindahan para kung sakali na magbrown-out ay mayroon kaming magagamit.

Binigyan ako ni nanay ng dos at gamit ang kanyang bilao ay rumagasa ako sa ulan. Nadaanan ko ang ilanmg kapit-bahay na abala sa pagsusugal sa isang binubungan na bakuran. Pagtapat ko sa tindahan, sinalubong ako kaagad ng nakasimangot na mukha ni Aling Berta.

"Walang utang ngayon! sabihin mo sa nanay mo 'yung bigas na kinuha nia, kailangan na niyang bayaran pambalik puhunan." 

Ngumiti na lang ako at sinabing sasabihin ko sabay abot sa pera at kinuha ang kandila. Habang naglalakad, napa-isip ako at naawa sa kalagayaan namin. Napakanegatibo naman lagi ng isip ni aling Berta akala niya lagi kaming mangungutang.

Mag-aalas otso na ng gabi, nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog, nang maulinigan kong umuungol si kuya sa tabi ko. Napabalikwas ako ng gising nang makita kong  sinusumpong siya ng sakit niya. Dali-dali kong ginising si nanay at natatarantang hinanap ang gamot ni kuya.

Napakalakas ng ulan ng oras na iyun.
Halos isayaw ng hangin ang bahay ni tiya.
Hindi namin marinig ang bawat isa dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

Napaiyak na ako nang makita kong hirap na hirap na si kuya na sapo-sapo ang kanyang dibdib.
Si nanay ay tumakbo palabas ng bahay.
Narinig ko si nanay na sumisigaw ng "Tulong."
Kinakatok niya ang bawat bahay at wala ni isa man lang ang nagbukas.

Hindi ko alam ang aking gagawin.
Napayakap na lang ako kay kuya.

Naramdaman kong hindi na siya nanginginig.
Naramdaman kong kumalma na siya habang yakap ko.

Maya-maya pa'y humahangos na dumating si nanay.
Luhaan at sinabing wala siyang mahingian ng tulong.
Ngumiti ako kay nanay at sinabing "Nay,Okay na si kuya!"

Nakita ko ang paglamlam ng mukha ni nanay
at nakita ko rin kung paano siya pumalahaw ng iyak nang
lapitan niya kami ni kuya.

Namatay si kuya habang yakap ko.
Napaiyak akong muli dahil hindi ko alam na wala na pala siyag buhay nang oras na iyun.

Yakap-yakap ni nanay si kuya, nang marinig ko ang
malakas na ingay mula sa kung saan. sumilip ako sa uwang ng aming bintana at nagilalas ako sa nakita ko.

Nakita ko kung paano lamunin ng putik ang ilang bahay mula sa amin. Nataranta ako na sumisigaw na sinabing "Bumabaha, 'Nay!"

Hindi gumagalaw si nanay at parang wala sa sarili na yakap-yakap parin si kuya. Nilapitan ko siya at niyug-yog.
Ngunit walang reaksyon.

Napakabilis ng mga pangyayari.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin ko si Nanay at si kuya.

Niyakap ko sila ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit at puno ng pagmamahal habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Ngayon nga'y nasa kalsada ako at hawak
ang bilao ni nanay. Nagtataka kung bakit maraming sundalo. Nakita ko ang isang nakauniporme na akay-akay
si Nanay. Nilapitan ko siya at naiiyak akong nagsalita "Kuya, Nanay ko siya." Niyakap ko si nanay na wala ng buhay at putikan ang buong katawan.

Hindi ko siya mayakap.
Hindi rin ako narinig ng sundalo.

Nagilalas ako ng makita ko ang sarili kong katawan
na buhat-buhat ng isa pang sundalo.

Inihiga niya ang aking katawan sa kalsada kasama ang aking Nanay at si Kuya. Kabilang rin ang aming mga kapit-bahay.

Kaming lahat ay wala ng buhay.

Nagsusumigaw ako ng "Hindi." at patuloy sa pag-iyak.
Nakita ko sa kabilang kalsada si Nanay at Kuya na kumakaway sa akin. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa kanila at muling niyakap sila ng mahigpit.


(Iniaalay ng The Harbinger ang kwentong ito sa mga nasawi sa pagragasa ng bagyong Sendong. Nawa'y tulad ng mga tauhan dito'y makamit nila ang katiwasayan sa piling ng maykapal.)


Sabado, Disyembre 17, 2011

Schizo


Puno ang dyip na aming sinakyan.
Onsehan ang pasaherong kasiya
sa magkabilang upuan.

Naiinis ako sa manong drayber dahil pilit parin siyang
nagpapasakay ng mga pasahero kahit na para kaming sardinas sa loob ng kanyang luma at karag-karag na dyipni.
 
Sa sobrang pagod ng aming ibiniyahe,
nakaidlip ako kasama ang aking bunsong anak.
Hindi biro ang mag-ikot sa buong syudad para lang hanapin ang nawawala kong tatay. Magsisitentay singko na si tatay 
at may sakit pa siyang Schizophrenia.

Madalas ko siyang sigawan noon lalo na kapag pinapakain ko siya at paglalaruan lang niya ang pagkain na pinagpaguran ko sa maghapong pagtatrabaho sa opisina.

Huli na nang malaman ko ang sakit ni tatay.
Palala na ito at napakabilis ng kanyang pagbabago.

Isang beses, nakita ko siyang kumakain ng almusal.
Inaya niya akong kumain pero tumanggi ako kasi
ang balak ko ay sa opisina na lang mag almusal.
Nakahanda na ang lahat ng gagamitin kong working papers
at presentation na iprepresent ko sa aking boss.
Lahat ng iyun ay maayos na nakasalansan sa aking bag.

Handa na akong umalis ng bahay nang maalala kong naiwan ko ang aking i.d sa kwarto. Tinawag ko ang aking kasambahay ngunit hindi siya sumagot
kaya nagmamadali akong umakyat.

Nasa bungaran na ako ng aming hagdan pababa
nang maulinigan ko si tatay na nagsasalita.
Mabilis akong pumanaog para alamin kung sino ang bisita.
Nagulat ako nang makita ko si tatay na nakadapa sa sala at
ginuguhitan ang mga presentation papers ko para sa aking boss.

Natakot ako.
Takot hindi para kay tatay kundi para sa akin. Sa aking anak.

Ang una kong naisip kaagad ay lumuwag ang tornilyo ni tatay.
Galit ako nang mga oras na 'yun. Hindi kami kahit kailan naging close kaya madali para sa akin
ang sigaw-sigawan siya.

Ang katwiran ko noon,

"HINDI naman SIYA ang NAGPALAKI at
NAGPAARAL sa akin."

Maraming mga pangyayari ang hindi ko malilimutan.
Mga nakakahiyang pangyayari kung paano ko sigawan at minsan ay saktan si tatay. Kahit isinet ko na sa aking sarili na dapat intindihin siya ay may mga pagkakataon paring HINDI ko siya MAINTINDIHAN.

Sabi nga ng aking matalik na kaibigan na SAKSI kung paano
kami pinabayaan at inabandona noon ni tatay, nang ibahay niya ang kanyang kalaguyo, "MASWERTE pa ang tatay mo dahil kinupkop mo siya."

MAHAL na MAHAL ko si tatay. SABIK ako sa kanya.
Lagi akong naghihimanhinasyon na kapiling namin siya at masaya ang buong pamilya.

Napatawad ko na si tatay noon pa. Pero aaminin ko,
may kirot parin sa pagkatao ko kapag naaalala ko ang
mga maling nagawa niya noo.

Ang huli kong "galit" kay tatay bago siya mawala ay nang
iniwan ko siyang nanonood ng T.V kasama ang aking anak na babae.

Matino si tatay nang mga oras na 'yun. Kilala niya ako.
Kilala niya ang apo niya. Kinausap ko si inday na bantayan sina tatay at ang bata dahil kasalukuyan kong tinatapos ang report ko.

Nasa konsentrasyon ako sa paggawa nang marinig ko
ang pagpalahaw ng aking anak. Nagmamadali akong nagtungo sa sala at nagilalas ako nang makita ko si
tatay na pinapalo ng remote control ng TV ang aking anak.
Sumisigaw siya na inagaw raw ng anak ko ang dede na para sa kanya. Mabilis kong kinuha ang aking anak. 
Galit na galit ako na pati ang kasambahay ko ay pinalayas ko.

Sa galit at bigla ko sa nakita,
pinalo ko si tatay sa ulo ng walis tambo
at nagsisigaw ako ng "LUMAYAS KA! LAYAS!"
Nagmamadaling lumabas ng bahay si tatay at bakas sa mukha niya ang takot.

Napasinghap ako sa GULAT nang may isang matandang lalaki ang nagpunas sa sapatos ko. Mahaba-haba rin pala ang idlip ko at may luha sa gilid ng aking mga mata.

Nakaluhod ang matanda sa paanan ko at nakatungo sa akin.
Naalala ko si tatay at nahiling ko na sana makita ko na siya.
At mapatawad niya ako.

Binigyan ko ang matanda ng 50.00 pesos.
Bumakas sa mukha niya ang sobrang tuwa.

Nakababa na kami ng aking anak sa Quiapo,
nagbabakasakaling makita roon si tatay na palaboy-laboy.

Nasa gilid kami ng simbahan nang may isang katandaang lalaki ang humila ng aking bag. Mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko magawang habulin ang snatcher dahil baka mawala
ko naman ang aking anak.

Namukhaan ko ang matanda.
Siya ang matandang nagpunas ng sapatos ko sa dyip
at binigyan ng pera.

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari.

LALO na nang mahilo ako at magsisigaw na
inagaw ng lalaki ang aking LARUAN.

Naglulupasay ako sa Quiapo at isinisigaw ang

Pangalan ng aking TATAY.
Pangalan ng aking ANAK at
Pangalan ng aking Matalik na KAIBIGAN.

Lahat ng tao ay sa akin
NAKATINGIN.

Bakas ang AWA at TAKOT
sa kanilang mukha.

AWA at TAKOT sa AKIN.

EH kasi BAKTA


"Bilis!"
Habol ko ang aking hininga habang patuloy sa pagtakbo.
"Teka naman. Parang hinahabol naman tayo ng kidnaper!" Bulaslas KO pagkahinto na tila lawit na ang dila sa pagod.
"Sus! sige ka kung nakita tayo ni Mang Elmo paniguradong
dadapa ka na naman at may latay 'yang p'wet mo ng sinturon." wika NIYA.

Napangiti AKO.
Tama nga naman SIYA.
Minsan talaga nakakatuwa na kasama SIYA kasi kahit
mali-mali 'tong kaibigan KO na 'to, maaasahan din.

"Paano na ngayon? Saan tayo pupuwesto?"
"Hmmm. Di na tayo pede run. Kasi panigurado nandun na si tatay MO."
"Kaya nga..." Nag-isip muna AKO bago nagpatuloy. "ah! dun sa silong! Tama! Doon tayo sa silong ni Ka Berting!"

Napasimangot na naman Siya bago sumagot sa kaibigan.
"Doon na naman! Ang init-init doon! 'tsaka hindi naman ako makarampa ng maayos doon eh."
"Eh saan mo gusto? Hindi naman pwede na dun tayo sa balkonahe ni nene."
"Sabagay. kasi noong last time NATIN doon. Inaway lang NIYA tayo."
"Kaya nga eh. Kaya 'wag kang choosy. Doon na. okay?"

Nagkasundo KAMI.

Mainit.
Madilim.
Maalingasan.
Malupa.
Marumi.

Sumalampak AKO ng upo sa lupa. Mabuti na lang at hindi
umulan kagabi. Dahil kung nagkataon, paniguradong maputik ngayon.

"AY nako. Hindi ka na naman nag-iisip." maarte NIYANG sabi.
"Oh, bakit na naman?" Takang tanong ko.
"Tingnan mo nga 'yang inupuan mo, MARUMI. MALUPA.
Hindi mo man lang ginamit 'yang magasin sa BAG!" may inis niyang tugon.
Mabilis kong binuksan ang lumang Bayong ni nanay.
Inilabas ang lumang magasin na napulot ko sa basurahan.

"Sayang naman kasi kung ipangsasapin lang ito." May panghihinayang kong sabi.

Lumabi lang SIYA at hindi na nagsalita.

Umupo siya sa tapat ko.
Sa LUPA na kanina'y sinasabi niyang MARUMI.

Tumitig siya sa akin.
Hinawakan ang aking kamay.
Ramdam ko ang GASPANG ng kanyang palad.

"Oh, bakit?" Takang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin.
Gumawi ang tingin niya sa grupo ng ilang kabataan na tanaw mula sa silong.
Sa GRUPONG iyon, walang nakakaalam na DITO KAMI kalimitan naglalaro.

Ang silong ay karaniwang tambakan ng lumang kahon
at kahoy na panggatong ni Ka Berting.

"Ang saya nila no." Tila may inggit sa boses niya nang sabihin niya iyon.
Ngumiti na lang ako para kahit paano'y gumaan ang lungkot niya.
 "MASAYA rin naman TAYO diba?!" Tanging naisagot ko.
Sinadya kong hindi UMOO dahil para sa AKIN 
hindi naman sila TOTOOng MASAYA.
Dahil para sa AKIN, kailanman HINDI sila NAGING MASAYA.

"Oo naman! Masaya Tayo. MASAYA ako na ikaw ang KALARO at KASAMA ko,"
Napangiti ako. Dahil akala ko'y hindi na SIYA masaya na KASAMA AKO

"O' sige na iaayos mo na 'yang gagamitin natin." pag-iiba ko ng topic.
Siya na mismo ang nagbukas ng bayong at isinaayos ang AMING mga laruan.
Inilagay niya sa gilid ang sapatos na mayroong 3pulgadang taas na takong.

"O' bakit itinabi mo 'yan?"
"Hindi naman natin ito magagamit. Paniguradong MAUUNTOG tayo."

Napatingin ako sa SAHIG na nagsisilbing KISAMI ng silong.
Silong na Nagsisilbing LUGAR na MALAYA para sa AMIN.
Pero HINDI pala TALAGA MALAYA.

Dahil kahit dito sa SILONG na PINANINIWALAAN
naming MALAYANG LUGAR ay HINDI rin PALA.
LUGAR na kailanman
HINDI magiging MALAYA...

para sa AKIN.
para sa KANYA.
para sa AMIN.

Wala sa intensyon kong pumatak ang aking LUHA.
Naramdaman ko na lang ang KAMAY NIYA na pinunasan ang aking pisngi.
Pisngi na naging SAKSI sa hindi pagkakapantay ng MUNDO.

Mundo KO.
Mundo NIYA.
Mundo NAMIN.
Mundo NATIN.


"Oh. Umiyak ka na naman. Tahan na. Ganito talaga ang BUHAY NATIN."
Muli akong tumingin sa kanya.
Maya-maya ay NGUMITI.
"SALAMAT ha. SALAMAT at NANDITO KA.
SALAMAT dahil KAIBIGAN KITA."


Niyakap niya ako.
MAINIT.
MAHIGPIT.
mayroong PAGMAMAHAL.
mayroong LAYA.

Nasa ganoon kaming SITWASYON
nang biglang SUMILIP si Ka Berting...

"YAKAP mo na naman ang SARILI mo. BATANG BAKLA!"