This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Lunes, Disyembre 19, 2011

Bilao


Nagtataka ako kung bakit napakaraming sasakyan
ng mga sundalo malapit sa aming lugar.
Ang bawat isa ay putikan at nagmamadali na magsibabaan.

Pangarap ko noon ang magsundalo.
Pangarap na hanggang ngayon ay minimithi ko.

Dinaanan lang ako ng mga sundalo,
natakot tuloy ako bigla para kina nanay at
kuya na nasa bahay. Naisip ko baka may inkwentro na naman.

Inkwentro na malimit mangyari dito sa amin sa Iligan.

Inalala ko kung ano ang nangyari kanina at bakit nandito ako ngayon sa tabi ng kalsada...

Mabilis kong nilapitan si Nanay nang makita ko siyang may bitbit na mga gulay at nakaipit sa kilikili niya ang bilaong ginagamit niya sa pagsala ng ginto sa batis.
Matagal na si nanay sa ganung uri ng trabaho.
Ilang beses na rin siyang niyakad ng mga
kapit-bahay namin na sumama na lang sa kanila na magtrabaho sa isang malaking kumpanya ng
mga minero (mining company) pero tumanggi siya.
Katwiran niya, nakakasurvive naman kami sa araw-araw
at hindi niya kailangang mangamuhan pa.

Tatlo na lang kami nina kuya at mama sa bahay
ng tiyahin ko. Si tiya ay may tindahan ng gulay sa kabihasnan at duon na siya nagpipirmi.
Si tatay ay maaga kaming iniwan.

Maaga siyang lumisan dahil sa isang aksidente.
Ang trabaho ni tatay ay kahalintulad ng kay nanay.
Ang pinagkaiba lang ay, kailangan ni tatay sumisid sa isang balon gamit lang ang isang maliit na hose at compressor para hingahan niya. Hindi alam ng mga kasamahan ni tatay na natanggal ang hose na nakakabit sa makinang nagsu-supply ng hangin. Sabi ng mga kasamahan ni tatay nagtaka na lang sila na hindi na umahon ang aking ama kaya napagdesisyunan nilang sisirin na ito.

Parang gumuho ang mundo ni Nanay nang malaman niya ang nangyari kay tatay. Hindi alam ni nanay kung papaano niya kami bubuhayin. Ako'y grade 6 pa lang at si kuya naman ay may sakit sa puso kaya kalimitan lagi lang siya nasa bahay dahil bawal na bawal sa kanya ang mapagod.

Buti na lang at kahit papaano'y nakabawi kami sa trahedya.
Walang ibang alam na pagkakitaan si nanay kundi ang paggiginto. Ayaw naman niyang mamasukan pa sa tiyahin ko dahil hindi na 'yun papayag. Manunumbat na naman iyun na libre na nga kami ng bahay pakain pa kaming lahat.

"Nasaan ang kuya mo bunso?" tanong ni nanay nang iabot niya sa akin ang bilao. "Nasa likod-bahay po at nagdo-drawing." 

Walang ibang pinaglilibangan si kuya kundi ang pagguguhit. Kahit uling at lumang karton lang ang gamit ni kuya'y napakahusay niya sa pagguhit. Ang sabi nga niya noon kay tatay at nanay gusto niyang mag-aral ng pagguguhit sa kolehiyo, binigyan ni tatay ng ngalan ang kurso iyun na "Payn Harts".

Nagpunta kami ni nanay sa likod-bahay at nakita namin si kuya na nasa kosentrasyon ng pagguhit. Napakaganda ng mga halaman na binigyan niya ng buhay at kulay sa karton.
Makulimlim na nang mga oras na iyun. Maya-maya pa'y pumatak na ang ulan. Mabilis kaming nagtakbuhan papasok sa bahay. Ang bigat ng bawat patak. Ramdam ko ang pressure ng ulan na para bang excited ang bawat isa na halikan ang lupa.

"May bagyo ngayon. At kailangan natin maghanda."
Tanging nasabi ni nanay habang inaayos niya ang mga gulay para sa pagluluto. Inutusan ako ni nanay na bumili ng kandila sa tindahan para kung sakali na magbrown-out ay mayroon kaming magagamit.

Binigyan ako ni nanay ng dos at gamit ang kanyang bilao ay rumagasa ako sa ulan. Nadaanan ko ang ilanmg kapit-bahay na abala sa pagsusugal sa isang binubungan na bakuran. Pagtapat ko sa tindahan, sinalubong ako kaagad ng nakasimangot na mukha ni Aling Berta.

"Walang utang ngayon! sabihin mo sa nanay mo 'yung bigas na kinuha nia, kailangan na niyang bayaran pambalik puhunan." 

Ngumiti na lang ako at sinabing sasabihin ko sabay abot sa pera at kinuha ang kandila. Habang naglalakad, napa-isip ako at naawa sa kalagayaan namin. Napakanegatibo naman lagi ng isip ni aling Berta akala niya lagi kaming mangungutang.

Mag-aalas otso na ng gabi, nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog, nang maulinigan kong umuungol si kuya sa tabi ko. Napabalikwas ako ng gising nang makita kong  sinusumpong siya ng sakit niya. Dali-dali kong ginising si nanay at natatarantang hinanap ang gamot ni kuya.

Napakalakas ng ulan ng oras na iyun.
Halos isayaw ng hangin ang bahay ni tiya.
Hindi namin marinig ang bawat isa dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

Napaiyak na ako nang makita kong hirap na hirap na si kuya na sapo-sapo ang kanyang dibdib.
Si nanay ay tumakbo palabas ng bahay.
Narinig ko si nanay na sumisigaw ng "Tulong."
Kinakatok niya ang bawat bahay at wala ni isa man lang ang nagbukas.

Hindi ko alam ang aking gagawin.
Napayakap na lang ako kay kuya.

Naramdaman kong hindi na siya nanginginig.
Naramdaman kong kumalma na siya habang yakap ko.

Maya-maya pa'y humahangos na dumating si nanay.
Luhaan at sinabing wala siyang mahingian ng tulong.
Ngumiti ako kay nanay at sinabing "Nay,Okay na si kuya!"

Nakita ko ang paglamlam ng mukha ni nanay
at nakita ko rin kung paano siya pumalahaw ng iyak nang
lapitan niya kami ni kuya.

Namatay si kuya habang yakap ko.
Napaiyak akong muli dahil hindi ko alam na wala na pala siyag buhay nang oras na iyun.

Yakap-yakap ni nanay si kuya, nang marinig ko ang
malakas na ingay mula sa kung saan. sumilip ako sa uwang ng aming bintana at nagilalas ako sa nakita ko.

Nakita ko kung paano lamunin ng putik ang ilang bahay mula sa amin. Nataranta ako na sumisigaw na sinabing "Bumabaha, 'Nay!"

Hindi gumagalaw si nanay at parang wala sa sarili na yakap-yakap parin si kuya. Nilapitan ko siya at niyug-yog.
Ngunit walang reaksyon.

Napakabilis ng mga pangyayari.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin ko si Nanay at si kuya.

Niyakap ko sila ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit at puno ng pagmamahal habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Ngayon nga'y nasa kalsada ako at hawak
ang bilao ni nanay. Nagtataka kung bakit maraming sundalo. Nakita ko ang isang nakauniporme na akay-akay
si Nanay. Nilapitan ko siya at naiiyak akong nagsalita "Kuya, Nanay ko siya." Niyakap ko si nanay na wala ng buhay at putikan ang buong katawan.

Hindi ko siya mayakap.
Hindi rin ako narinig ng sundalo.

Nagilalas ako ng makita ko ang sarili kong katawan
na buhat-buhat ng isa pang sundalo.

Inihiga niya ang aking katawan sa kalsada kasama ang aking Nanay at si Kuya. Kabilang rin ang aming mga kapit-bahay.

Kaming lahat ay wala ng buhay.

Nagsusumigaw ako ng "Hindi." at patuloy sa pag-iyak.
Nakita ko sa kabilang kalsada si Nanay at Kuya na kumakaway sa akin. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa kanila at muling niyakap sila ng mahigpit.


(Iniaalay ng The Harbinger ang kwentong ito sa mga nasawi sa pagragasa ng bagyong Sendong. Nawa'y tulad ng mga tauhan dito'y makamit nila ang katiwasayan sa piling ng maykapal.)


Sabado, Disyembre 17, 2011

Schizo


Puno ang dyip na aming sinakyan.
Onsehan ang pasaherong kasiya
sa magkabilang upuan.

Naiinis ako sa manong drayber dahil pilit parin siyang
nagpapasakay ng mga pasahero kahit na para kaming sardinas sa loob ng kanyang luma at karag-karag na dyipni.
 
Sa sobrang pagod ng aming ibiniyahe,
nakaidlip ako kasama ang aking bunsong anak.
Hindi biro ang mag-ikot sa buong syudad para lang hanapin ang nawawala kong tatay. Magsisitentay singko na si tatay 
at may sakit pa siyang Schizophrenia.

Madalas ko siyang sigawan noon lalo na kapag pinapakain ko siya at paglalaruan lang niya ang pagkain na pinagpaguran ko sa maghapong pagtatrabaho sa opisina.

Huli na nang malaman ko ang sakit ni tatay.
Palala na ito at napakabilis ng kanyang pagbabago.

Isang beses, nakita ko siyang kumakain ng almusal.
Inaya niya akong kumain pero tumanggi ako kasi
ang balak ko ay sa opisina na lang mag almusal.
Nakahanda na ang lahat ng gagamitin kong working papers
at presentation na iprepresent ko sa aking boss.
Lahat ng iyun ay maayos na nakasalansan sa aking bag.

Handa na akong umalis ng bahay nang maalala kong naiwan ko ang aking i.d sa kwarto. Tinawag ko ang aking kasambahay ngunit hindi siya sumagot
kaya nagmamadali akong umakyat.

Nasa bungaran na ako ng aming hagdan pababa
nang maulinigan ko si tatay na nagsasalita.
Mabilis akong pumanaog para alamin kung sino ang bisita.
Nagulat ako nang makita ko si tatay na nakadapa sa sala at
ginuguhitan ang mga presentation papers ko para sa aking boss.

Natakot ako.
Takot hindi para kay tatay kundi para sa akin. Sa aking anak.

Ang una kong naisip kaagad ay lumuwag ang tornilyo ni tatay.
Galit ako nang mga oras na 'yun. Hindi kami kahit kailan naging close kaya madali para sa akin
ang sigaw-sigawan siya.

Ang katwiran ko noon,

"HINDI naman SIYA ang NAGPALAKI at
NAGPAARAL sa akin."

Maraming mga pangyayari ang hindi ko malilimutan.
Mga nakakahiyang pangyayari kung paano ko sigawan at minsan ay saktan si tatay. Kahit isinet ko na sa aking sarili na dapat intindihin siya ay may mga pagkakataon paring HINDI ko siya MAINTINDIHAN.

Sabi nga ng aking matalik na kaibigan na SAKSI kung paano
kami pinabayaan at inabandona noon ni tatay, nang ibahay niya ang kanyang kalaguyo, "MASWERTE pa ang tatay mo dahil kinupkop mo siya."

MAHAL na MAHAL ko si tatay. SABIK ako sa kanya.
Lagi akong naghihimanhinasyon na kapiling namin siya at masaya ang buong pamilya.

Napatawad ko na si tatay noon pa. Pero aaminin ko,
may kirot parin sa pagkatao ko kapag naaalala ko ang
mga maling nagawa niya noo.

Ang huli kong "galit" kay tatay bago siya mawala ay nang
iniwan ko siyang nanonood ng T.V kasama ang aking anak na babae.

Matino si tatay nang mga oras na 'yun. Kilala niya ako.
Kilala niya ang apo niya. Kinausap ko si inday na bantayan sina tatay at ang bata dahil kasalukuyan kong tinatapos ang report ko.

Nasa konsentrasyon ako sa paggawa nang marinig ko
ang pagpalahaw ng aking anak. Nagmamadali akong nagtungo sa sala at nagilalas ako nang makita ko si
tatay na pinapalo ng remote control ng TV ang aking anak.
Sumisigaw siya na inagaw raw ng anak ko ang dede na para sa kanya. Mabilis kong kinuha ang aking anak. 
Galit na galit ako na pati ang kasambahay ko ay pinalayas ko.

Sa galit at bigla ko sa nakita,
pinalo ko si tatay sa ulo ng walis tambo
at nagsisigaw ako ng "LUMAYAS KA! LAYAS!"
Nagmamadaling lumabas ng bahay si tatay at bakas sa mukha niya ang takot.

Napasinghap ako sa GULAT nang may isang matandang lalaki ang nagpunas sa sapatos ko. Mahaba-haba rin pala ang idlip ko at may luha sa gilid ng aking mga mata.

Nakaluhod ang matanda sa paanan ko at nakatungo sa akin.
Naalala ko si tatay at nahiling ko na sana makita ko na siya.
At mapatawad niya ako.

Binigyan ko ang matanda ng 50.00 pesos.
Bumakas sa mukha niya ang sobrang tuwa.

Nakababa na kami ng aking anak sa Quiapo,
nagbabakasakaling makita roon si tatay na palaboy-laboy.

Nasa gilid kami ng simbahan nang may isang katandaang lalaki ang humila ng aking bag. Mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko magawang habulin ang snatcher dahil baka mawala
ko naman ang aking anak.

Namukhaan ko ang matanda.
Siya ang matandang nagpunas ng sapatos ko sa dyip
at binigyan ng pera.

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari.

LALO na nang mahilo ako at magsisigaw na
inagaw ng lalaki ang aking LARUAN.

Naglulupasay ako sa Quiapo at isinisigaw ang

Pangalan ng aking TATAY.
Pangalan ng aking ANAK at
Pangalan ng aking Matalik na KAIBIGAN.

Lahat ng tao ay sa akin
NAKATINGIN.

Bakas ang AWA at TAKOT
sa kanilang mukha.

AWA at TAKOT sa AKIN.

EH kasi BAKTA


"Bilis!"
Habol ko ang aking hininga habang patuloy sa pagtakbo.
"Teka naman. Parang hinahabol naman tayo ng kidnaper!" Bulaslas KO pagkahinto na tila lawit na ang dila sa pagod.
"Sus! sige ka kung nakita tayo ni Mang Elmo paniguradong
dadapa ka na naman at may latay 'yang p'wet mo ng sinturon." wika NIYA.

Napangiti AKO.
Tama nga naman SIYA.
Minsan talaga nakakatuwa na kasama SIYA kasi kahit
mali-mali 'tong kaibigan KO na 'to, maaasahan din.

"Paano na ngayon? Saan tayo pupuwesto?"
"Hmmm. Di na tayo pede run. Kasi panigurado nandun na si tatay MO."
"Kaya nga..." Nag-isip muna AKO bago nagpatuloy. "ah! dun sa silong! Tama! Doon tayo sa silong ni Ka Berting!"

Napasimangot na naman Siya bago sumagot sa kaibigan.
"Doon na naman! Ang init-init doon! 'tsaka hindi naman ako makarampa ng maayos doon eh."
"Eh saan mo gusto? Hindi naman pwede na dun tayo sa balkonahe ni nene."
"Sabagay. kasi noong last time NATIN doon. Inaway lang NIYA tayo."
"Kaya nga eh. Kaya 'wag kang choosy. Doon na. okay?"

Nagkasundo KAMI.

Mainit.
Madilim.
Maalingasan.
Malupa.
Marumi.

Sumalampak AKO ng upo sa lupa. Mabuti na lang at hindi
umulan kagabi. Dahil kung nagkataon, paniguradong maputik ngayon.

"AY nako. Hindi ka na naman nag-iisip." maarte NIYANG sabi.
"Oh, bakit na naman?" Takang tanong ko.
"Tingnan mo nga 'yang inupuan mo, MARUMI. MALUPA.
Hindi mo man lang ginamit 'yang magasin sa BAG!" may inis niyang tugon.
Mabilis kong binuksan ang lumang Bayong ni nanay.
Inilabas ang lumang magasin na napulot ko sa basurahan.

"Sayang naman kasi kung ipangsasapin lang ito." May panghihinayang kong sabi.

Lumabi lang SIYA at hindi na nagsalita.

Umupo siya sa tapat ko.
Sa LUPA na kanina'y sinasabi niyang MARUMI.

Tumitig siya sa akin.
Hinawakan ang aking kamay.
Ramdam ko ang GASPANG ng kanyang palad.

"Oh, bakit?" Takang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin.
Gumawi ang tingin niya sa grupo ng ilang kabataan na tanaw mula sa silong.
Sa GRUPONG iyon, walang nakakaalam na DITO KAMI kalimitan naglalaro.

Ang silong ay karaniwang tambakan ng lumang kahon
at kahoy na panggatong ni Ka Berting.

"Ang saya nila no." Tila may inggit sa boses niya nang sabihin niya iyon.
Ngumiti na lang ako para kahit paano'y gumaan ang lungkot niya.
 "MASAYA rin naman TAYO diba?!" Tanging naisagot ko.
Sinadya kong hindi UMOO dahil para sa AKIN 
hindi naman sila TOTOOng MASAYA.
Dahil para sa AKIN, kailanman HINDI sila NAGING MASAYA.

"Oo naman! Masaya Tayo. MASAYA ako na ikaw ang KALARO at KASAMA ko,"
Napangiti ako. Dahil akala ko'y hindi na SIYA masaya na KASAMA AKO

"O' sige na iaayos mo na 'yang gagamitin natin." pag-iiba ko ng topic.
Siya na mismo ang nagbukas ng bayong at isinaayos ang AMING mga laruan.
Inilagay niya sa gilid ang sapatos na mayroong 3pulgadang taas na takong.

"O' bakit itinabi mo 'yan?"
"Hindi naman natin ito magagamit. Paniguradong MAUUNTOG tayo."

Napatingin ako sa SAHIG na nagsisilbing KISAMI ng silong.
Silong na Nagsisilbing LUGAR na MALAYA para sa AMIN.
Pero HINDI pala TALAGA MALAYA.

Dahil kahit dito sa SILONG na PINANINIWALAAN
naming MALAYANG LUGAR ay HINDI rin PALA.
LUGAR na kailanman
HINDI magiging MALAYA...

para sa AKIN.
para sa KANYA.
para sa AMIN.

Wala sa intensyon kong pumatak ang aking LUHA.
Naramdaman ko na lang ang KAMAY NIYA na pinunasan ang aking pisngi.
Pisngi na naging SAKSI sa hindi pagkakapantay ng MUNDO.

Mundo KO.
Mundo NIYA.
Mundo NAMIN.
Mundo NATIN.


"Oh. Umiyak ka na naman. Tahan na. Ganito talaga ang BUHAY NATIN."
Muli akong tumingin sa kanya.
Maya-maya ay NGUMITI.
"SALAMAT ha. SALAMAT at NANDITO KA.
SALAMAT dahil KAIBIGAN KITA."


Niyakap niya ako.
MAINIT.
MAHIGPIT.
mayroong PAGMAMAHAL.
mayroong LAYA.

Nasa ganoon kaming SITWASYON
nang biglang SUMILIP si Ka Berting...

"YAKAP mo na naman ang SARILI mo. BATANG BAKLA!" 

Martes, Disyembre 13, 2011

PANTASYA



"Napakaganda. Napakaseksi."
Ito ang mga nasabi ko kay Edmund habang pinagmamasdan ang magandang kurba ni Ysa at ang bawat pag-indayog ng kanyang balakang.


Pinilit kong huminahon dahil paniguradong susumpungin na naman ako ng sakit ko.


Napamura si Edmund sabay tapik sa balikat ko.


"Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Ysa?!
Kahit sinong lalaki ay MAGLALAWAY sa kanya.
Kung hindi nga lang MASAMA ang mang-RAPE, ni-RAPE ko na 'yan eh."


Napatawa ako.


Kabilang si Edmund sa mga nag-iilusyon sa napakagandang babae.
Sa doseng binata sa dorm namin, labing isa ang naghangad na ligawan sya.
'Ni isa walang PUMASA sa mataas na STANDARDS ng seksing bebot.


"Nagtataka ako sayo 'tol. Bakit hindi mo niligawan si Ysa, kung nagagandahan at naseseksihan ka sa kanya?" Sabay buga ng usok a mula sa hinithit na sigarilyo.


Hindi ko nagawang sumagot kaagad.
Masaya kong tinitigan si Ysa habang sumasakay sa taksing
pinara niya sa tapat ng dormitoryo nila.


"Hoy, 'tol. Nakikinig ka ba?!" Pag-ulit niya.


Lumunok ako bago tumugon. 


"Gusto ko kasing mas KILALANIN pa siya. Gusto ko
;yung tipong HINDI MINAMADALI ang LAHAT. 
NANINIWALA kasi ako sa kasabihang TRUE LOVE WAITS."


Tumawa si Edmund at tumayo sa harap ko.


"OGAG! Hindi na uso 'yan. KALOKOHAN! Ang sabihin mo
BAKLA KA TALAGA. at TOTOO ang mga sinasabi ng 
BARKADA kung bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend! "


Napalunok ulit ako.
Muling hindi kaagad nakasagot
Lalo na nang KUMINDATsi Edmund sa akin.


Walang hindi sasang-ayon sa akin na GWAPO si
Edmund at maganda ang KATAWAN.
Hindi na rin mabilang kung ilang babae na ba ang napaIYAK niya at naiKAMA.


Hindi ko namalayan ang mga pangyayari
nagulat na lang ako nang magkalapit na ang mga
mukha namin at ang labi niya'y may LANDI sa pagngiti. 


Palapit siya nang Palapit.


Maya-maya'y BUMUGA siya ng usok sa mukha ko at sabay sabing,


"BAKLA KA NGA. BAKLA"


Naiwan ako mag-isa.
Hindi ko magawang mapangiti sa mga nangyari
at ang tanging nasambit ko ay, "NICE."


NICE, hindi dahil gusto ko ang mga nangyari. Kundi'y dahil
ito ang naaayon na sa gusto kong mangyari. 
Para sa akin MAGKAIBA iyon.


Mag-aalas dose na nang makaramdam ako ng gutom.
Bumaba ako sa sala patungong kusina.
Hindi ko inaasahan na madadatnan ko ang aming kahera
na may kausap sa telepono.


"Sus. Lahat na ata ng boarders mo ay nanakawan na ng panti at bra!
Dapat sa manyakis na gumagawa niyan ay ikulong at putulan ng ari
bago pa makapang-rape yang mga 'yan." May inis sa boses ng matandang dalaga.


"Nako. kahit ako'y hindi nakaligtas sa manyakol na'yun. Aba 'ey tatlong panti ko na ang nawawala at dalawang bra." patuloy pa nito


Pinipigilan ko ang aking sarili na matawa at mandiri.
Sa tanda ba naman ni Aling Anita'y may nagnanasa pa rito.
Nanginig ang ulo ko at nagsusumigaw ang isip ko ng salitang "YUCK!"


Pabalik na ako ng kuwarto nang makitya kong bukas ang
pinto nina Edmund at room mate nitong si Russel.
Naalala ko na wala ang huli dahil umuwi ito ng probinsya.


Dahan-dahan akong sumilip sa bukas na pintuan at kahit
may kadiliman ay naaaninag ko si Edmund na may ginagawang MILAGRO.


Nakatakip ang kanyang mukha ng isang maikling saplot.
Hindi niya namalayan ang pagpasok ko.
Pinagmasdan ko siya at pinakinggan ang bawat
UNGOL na namutawi mula sa kanya.


Alam kong pawis na pawis siya at nasa pokus kaya sinamantala ko ang pagkakataon.


Nasa aking kuwarto na ako  nang marinig ko ang galit na boses ni Aling Nita.


"Hayoooop ka!
Ipapakulong kita!
Manyakis ka!"


Nang lumabas na ako ng kuwarto ay hawak na si Edmund ng baranggay tanod.
Walang pagtataka akong lumapit sa mga ka-doormates ko.


"Sira-ulo ka. Ikaw pala ang manyakis at taga-nakaw ng mga panti.
Pati kami muntik nang mapagbintangan. "


Magsasalita pa sana si Edmund nang isang malakas na suntok
ang tumama sa nguso niya galing sa kasamahan namin sa dormitory.


Galit na galit ang mga kababaihan sa lugar namin.


Galit na galit ang lahat lalo na ang aming kahera.


NAPANGITI AKO :)


Tahimik akong pumasok sa aking kuwarto,
Nagtungo sa banyo bitbit ang aking KAHON at
MASAYANG inamoy-amoy ang laman niyon.


Mga LAMAN na PANIGURADONG hinahanap na
ng mga MAY-ARI nito.


Mga may-ARING
MAGAGANDA,
SEKSI AT
MABABANGO.













Lunes, Disyembre 12, 2011

LIMANG (5) PARAAN UPANG MAPATAWAD ANG DATING MATALIK NA KAIBIGAN



BABALA: Kapag Sinunod ang mga ito'y HUWAG
                       akong SISIHIN sa magiging resulta dahil  
                       HINDI KO SINABING ISABUHAY ito.
  
1. IWASANG KAININ O INUMIN ANG MGA NAKASANAYANG PAGKAIN NA DATI AY PINAGSASALUHAN NINYONG MAGKAIBIGAN.

Paliwanag:
 Dahil sa patuloy mong pagtangkilik sa mga pagkaing ito, maaalala mo lang 'yung mga panahon na kasama mo siya. Mabibigyan ka lang nito ng NEGTIBONG pakiramdaman dahil   kung BITTER ka pa rin MAS MAAALALA mo ang mga dahilan kung bakit kayo nagkagalit kaysa sa mga panahong masaya kayong magkasama.

2.HUWAG KAUSAPIN ANG MGA TAONG MAY KAUGNAYAN SA INYONG DALAWA.

Paliwanag: 
Kung ipagpapatuloy ang pakikipagkaibigan o pakikipag-UGNAYAN sa mga taong may kinalaman sa inyo'y paniguradong MAGAGALIT ka lang sa mga masasabi niya sa'yo na MULA sa "DATI" mong "BESTFRIEND".

Halimbawa:
 SIYA: Oh, kumusta ka naman? Ang tagal kitang
hindi nakakwentuhan ah!
IKAW: Naku, pasensya ka na. Naging sobrang busy
lang kasi sunud-sunod ang mga projects sa school eh.
SIYA: OWS?! Hindi nga? Parang hindi naman!
Ang sabi ni (PANGALAN NG DATI MONG BESTFRIEND) paraan mo ng PAGSISINUNGALING 'yan para matago ang tunay mong dahilan.
IKAW: (Hindi ka makakapagsalita dahil sa inis. mapapakagat labi ka na lang at magmumura na sarado ang bibig.)  

3.HUWAG PUNTAHAN ANG MGA LUGAR NA DATI'Y KINAGIGILIWAN NINYONG DALAWA.

Paliwanag:
 Sa palagiang pagpunta sa mga lugar na kinagiliwan ninyo noon, ay ang paggunita sa mga pangyayaring paniguradong KAIINISAN mo NGAYON. Dahil sa lugar na iyun, ay nakabuo kayo ng magagandang alaala sa isa't isa at sa PAGBABALIK-TANAW na ito'y paniguradong papasok sa isipan mo na IKAW ang BIKTIMA sa mga HUWAD niyang PAKITANG-BAIT sa'yo kaya't lalo ka lang MAIINIS.

4.ITIGIL ANG PAGGAWA NG MGA NAKASANAYANG GAWAIN NOONG KASAMA PA ANG IYONG "bff".

Paliwanag:
 Ang mga gawain o aktibidad na nakasanayang mong gawin kapiling ang
"DATI" mong kaibigan ay magbubusod lamang sayo ng
PIGHATI: PISIKAL at EMOSYONAL.

 Halimbawa:
 Nakasanayan ninyo (w/ former bff) ang magmeryenda sa isang bakery na nasa kabilang kanto. Kung ipagpapatuloy ang pagpunta roon, sa eksaktong araw at oras na iyung kinagawian ay PANIGURADONG isa-isang manunumbalik ang mga alaala habang ikaw ay naglalakad patawid sa kabilang kanto. Habang naglalakad paniguradong maiinis ka habang nakatingin sa kawalan. 
Habang dinadamdam ang kalungkutan na bunsod ng PAGHUDAS niya sa'yo ay MAWAWALAN KA NG POKUS at MALAMANG sa MALAMANG ikaw ay MABUBUNDOL ng isang MOTORSIKLONG tatlo ang sakay na pawang walang mga helmet.

Ang PINAKAHULI at MADALI sa LAHAT ay:
5.HUMILING NG ISANG SULAT PAUMANHIN SA IYONG KAIBIGAN.

Paliwanag: 
Masasabing hindi madali para sa kaninoman na humingi ng patawad lalo na sa pamamagitan ng BERBAL na pagpapaliwanag.

(Kahit sino) ay maaaring mabigatan sa pagsasagawa nito dahil ito'y pag-amin na siya nga ang tunay na nagkasala sa inyong dalawa. At bilang biktima GUGUSTUHIN mong MAGPALIWANAG at HUMINGI siya ng PATAWAG ng
MAY "EFFORT".
BUONG-BUO.
WALANG LABIS at
WALANG KULANG.
WALANG PANG-EECHOS at
DIREKTA: PUNTO sa PUNTO.

Dahil dito,   MAG-DEMAND ka ng LIHAM-PAUMANHIN sa kanya.
NGUNIT, DAPAT GAWIN PAMANTAYAN ANG MGA SUMUSUNOD:

A. ANG LIHAM AY DAPAT ISINULAT SA PAMAMAGITAN NG ISANG LAPIS.
OO. TAMA. LAPIS. LAPIS NA KASING LAKI AT TABA NG ISANG PVC NA TUBO: yung kulay ORANGE.

B. ANG LIHAM AY DAPAT NA ISINULAT SA LOOB NG ISANG BODEGA.
TAMA. ISANG BODEGANG SARADO. MADILIM AT MADAGA.

C. ANG LIHAM AY DAPAT MAY BAHID NG KANYANG LUHA NA NATUYO SA PAPEL. DAPAT MADALING MAKITA ITO AT MAANINAG.

D. ANG LIHAM AY DAPAT LABING LIMANG (15) PAHINA (15PAGES)
AT DAPAT "BACK-TO-BACK".

at panghuli

E. ANG LIHAM AY DAPAT PAGKASYAHIN SA ISANG SELYONG KASING LAKI NG KAHON NG POSPORO. 

note: ANG LAHAT NG PAMANTAYAN AY DAPAT ISINAGAWA SA IYONG HARAPAN UPANG MAPATUNAYAN ANG KANYANG SENSIRIDAD.

PAGSUSUMA: Ako ay nananalangin at umaasa na sa pamamagitan ng aking ibinahagi ay MAGKAKABATI kayo at hindi na niya hahangaring muli kayong mag-away. :)

 

 (kinikilala ng The Harbinger Diary ang GOOGLE bilang SOURCE ng mga imahe.)


 




Linggo, Disyembre 11, 2011

KALIBRE


Napabalikwas ako sa kama nang maulinigan ko
ang isang ingay na nagmula sa kabilang kwarto.
Hindi ako kaagad lumabas.
May pangamba ako sa aking sarili.

Mag-aapat na oras na akong nakatingala sa kisame.
Inaapuhap ko ang mga katanungan gumugulo sa aking isipan.

Ilang linggo na mula nang kami ay patuloy na
makatanggap ng mga DEATH THREATS mula kung saan.
Walang makapagsabi kung kanino nanggaling ang mga iyun.
Pero may HULA si Dad na galing ang mga 'yun
sa mga NASAGASAAN niya sa kanyang TRABAHO.

Kinakatakutang "five-star" HENERAL ng MILITARY si Dad.
Kaya pati sa bahay ay umiiral ang batas militar.

Magmula sa aming mga TRAINED DOGS, mga KASAMBAHAY,
at mga TAUHAN sa bahay ay kinikilala si Dad bilang may pinakamatas
na boses sa aming angkan.

Kung ano ang kanyang sinabi o iutos ay nararapat lamang SUNDIN.
WALANG BATAS na MABABALI at dapat LAHAT ay parang
TUTA na susunod sa kanyang mga TRICKS na IPINAPAGAWA.

Wala nmn akong masamang maikukumento kay Dad.
NAPAKABUTI niyang TIYUHIN sa AKIN.
Ni minsan hindi niya ako pinakitaan ng MASAMANG GAWI.
LAHAT ng minimithi kong bagay ay kanyang ipinagkakaloob.
Minsan nga, nagtataka ako kung bakit siya INIWAN ng kanyang ASAWA.
At kung BAKIT hindi na siya muli pang nagasawa.

Labindalawang taon na mula ng mamatay
ang aking TUNAY na AMA.
Bunso si Tatay sa limang magkakapatid.
At sa lahat sa kanila'y si Dad ang sinuwerte at nakapagtapos.

Simula nang ako'y iwan ni Tatay kasama ang aking kapatid na bunsong lalaki,
na noon ay mag lilimang taon pa lang, ay kinupkop na kami ni Dad
sa malamansyon niyang tirahan.

Binihisan.
Pinag-aral.
Pinalaki
at binigyan
 PAG-ASA at
BUHAY kami ni Dad.

Walang oras na hindi siya nakasuporta sa aming mga kagustuhan
Partikular na sa akin.

Ako ang paborito niya sa lahat ng kanyang mga ALAGA.
Marahil dahil MALAKING BULAS ako at MATALINO.
MARAHIL dahil MASUNURIN ako at MAGALANG
at marahil dahil LAHAT ng GUSTUHIN niya'y GINAGAWA ko.

Kanina nga'y inutusan niya akong tawagin ang aking kapatid
at pinapasok ako ng aking kwarto.

Nagtaka ako kung ano na namang kalokohan ang ginawa ni Steve
kung bakit pinatawag na naman siya ni Dad.
Bihira siyang kumustahin ni Dad noon, pero ngayon nga'y napapadalas iyon

Nagsimula iyun nang minsang may makaaway si
Steve sa school na kanyang pinapasukan.
Galit na Galit si Dad nang araw na 'yun.

Lahat kami ay nagtataka sa pagbabago ng ugali ni
Steve. Lagi na siyang bugnutin at palasigaw.
Inisip na lang namin  na ganun talaga pag nagbibinata na.
Kahit ako noon ay ganun rin naman.

TEKA!
PUTSA!

Nagitla ako sa aking naiisip.

Kung PAREHAS si Steve ng
Pinagdadaanan ko noon.

Maaaring BIKTIMA na rin siya!

BIKTIMA ng MalaDEMONYONG
Gawain ng tinaguriang masamang
ALAGAD ng BATAS.

Ngayon ay naiintidihan ko na kung bakit
nagkakaganito si STEVE!

Kung bakit tuwing umaga'y ayaw niya
akong kasabay sa kotse papasok sa unibersidad.
Kung bakit lagi siyang nagpapamadaling ARAW sa pag-uwi.
At kung bakit isang gabi'y pinasok niya ako
sa kwarto at malungkot na nagsabing,

"KUYA. Ipagtanggol mo ako kapag
may lumapastangan sa AKIN."

'di ko siya pinansin noon.
Ngayo'y ALAM ko na kung BAKIT!

MABILIS akong
lumabas ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni Dad.

MABUTI at hindi ko nadatnan si dad.
Mabilis kong tinungo ang kanyang tokador
at kinuha ang isang kalibre .45

Mabilis ang aking mga hakbang.
Hindi maaring malaman ninoman
ang pangyayaring ito.

At hindi ko na hahayaang pang maranasan ni Steve
ang impyernong buhay...


Binuksan ko ang kwarto ni Steve.
At kinapa ang switch ng ilaw.

Kasabay ng pagbulaga ng liwanag ay
ang putok ng baril sa aming "Dad"
na nakaibabaw sa aking mahal na kapatid na si Steve.