This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Lunes, Disyembre 12, 2011

LIMANG (5) PARAAN UPANG MAPATAWAD ANG DATING MATALIK NA KAIBIGAN



BABALA: Kapag Sinunod ang mga ito'y HUWAG
                       akong SISIHIN sa magiging resulta dahil  
                       HINDI KO SINABING ISABUHAY ito.
  
1. IWASANG KAININ O INUMIN ANG MGA NAKASANAYANG PAGKAIN NA DATI AY PINAGSASALUHAN NINYONG MAGKAIBIGAN.

Paliwanag:
 Dahil sa patuloy mong pagtangkilik sa mga pagkaing ito, maaalala mo lang 'yung mga panahon na kasama mo siya. Mabibigyan ka lang nito ng NEGTIBONG pakiramdaman dahil   kung BITTER ka pa rin MAS MAAALALA mo ang mga dahilan kung bakit kayo nagkagalit kaysa sa mga panahong masaya kayong magkasama.

2.HUWAG KAUSAPIN ANG MGA TAONG MAY KAUGNAYAN SA INYONG DALAWA.

Paliwanag: 
Kung ipagpapatuloy ang pakikipagkaibigan o pakikipag-UGNAYAN sa mga taong may kinalaman sa inyo'y paniguradong MAGAGALIT ka lang sa mga masasabi niya sa'yo na MULA sa "DATI" mong "BESTFRIEND".

Halimbawa:
 SIYA: Oh, kumusta ka naman? Ang tagal kitang
hindi nakakwentuhan ah!
IKAW: Naku, pasensya ka na. Naging sobrang busy
lang kasi sunud-sunod ang mga projects sa school eh.
SIYA: OWS?! Hindi nga? Parang hindi naman!
Ang sabi ni (PANGALAN NG DATI MONG BESTFRIEND) paraan mo ng PAGSISINUNGALING 'yan para matago ang tunay mong dahilan.
IKAW: (Hindi ka makakapagsalita dahil sa inis. mapapakagat labi ka na lang at magmumura na sarado ang bibig.)  

3.HUWAG PUNTAHAN ANG MGA LUGAR NA DATI'Y KINAGIGILIWAN NINYONG DALAWA.

Paliwanag:
 Sa palagiang pagpunta sa mga lugar na kinagiliwan ninyo noon, ay ang paggunita sa mga pangyayaring paniguradong KAIINISAN mo NGAYON. Dahil sa lugar na iyun, ay nakabuo kayo ng magagandang alaala sa isa't isa at sa PAGBABALIK-TANAW na ito'y paniguradong papasok sa isipan mo na IKAW ang BIKTIMA sa mga HUWAD niyang PAKITANG-BAIT sa'yo kaya't lalo ka lang MAIINIS.

4.ITIGIL ANG PAGGAWA NG MGA NAKASANAYANG GAWAIN NOONG KASAMA PA ANG IYONG "bff".

Paliwanag:
 Ang mga gawain o aktibidad na nakasanayang mong gawin kapiling ang
"DATI" mong kaibigan ay magbubusod lamang sayo ng
PIGHATI: PISIKAL at EMOSYONAL.

 Halimbawa:
 Nakasanayan ninyo (w/ former bff) ang magmeryenda sa isang bakery na nasa kabilang kanto. Kung ipagpapatuloy ang pagpunta roon, sa eksaktong araw at oras na iyung kinagawian ay PANIGURADONG isa-isang manunumbalik ang mga alaala habang ikaw ay naglalakad patawid sa kabilang kanto. Habang naglalakad paniguradong maiinis ka habang nakatingin sa kawalan. 
Habang dinadamdam ang kalungkutan na bunsod ng PAGHUDAS niya sa'yo ay MAWAWALAN KA NG POKUS at MALAMANG sa MALAMANG ikaw ay MABUBUNDOL ng isang MOTORSIKLONG tatlo ang sakay na pawang walang mga helmet.

Ang PINAKAHULI at MADALI sa LAHAT ay:
5.HUMILING NG ISANG SULAT PAUMANHIN SA IYONG KAIBIGAN.

Paliwanag: 
Masasabing hindi madali para sa kaninoman na humingi ng patawad lalo na sa pamamagitan ng BERBAL na pagpapaliwanag.

(Kahit sino) ay maaaring mabigatan sa pagsasagawa nito dahil ito'y pag-amin na siya nga ang tunay na nagkasala sa inyong dalawa. At bilang biktima GUGUSTUHIN mong MAGPALIWANAG at HUMINGI siya ng PATAWAG ng
MAY "EFFORT".
BUONG-BUO.
WALANG LABIS at
WALANG KULANG.
WALANG PANG-EECHOS at
DIREKTA: PUNTO sa PUNTO.

Dahil dito,   MAG-DEMAND ka ng LIHAM-PAUMANHIN sa kanya.
NGUNIT, DAPAT GAWIN PAMANTAYAN ANG MGA SUMUSUNOD:

A. ANG LIHAM AY DAPAT ISINULAT SA PAMAMAGITAN NG ISANG LAPIS.
OO. TAMA. LAPIS. LAPIS NA KASING LAKI AT TABA NG ISANG PVC NA TUBO: yung kulay ORANGE.

B. ANG LIHAM AY DAPAT NA ISINULAT SA LOOB NG ISANG BODEGA.
TAMA. ISANG BODEGANG SARADO. MADILIM AT MADAGA.

C. ANG LIHAM AY DAPAT MAY BAHID NG KANYANG LUHA NA NATUYO SA PAPEL. DAPAT MADALING MAKITA ITO AT MAANINAG.

D. ANG LIHAM AY DAPAT LABING LIMANG (15) PAHINA (15PAGES)
AT DAPAT "BACK-TO-BACK".

at panghuli

E. ANG LIHAM AY DAPAT PAGKASYAHIN SA ISANG SELYONG KASING LAKI NG KAHON NG POSPORO. 

note: ANG LAHAT NG PAMANTAYAN AY DAPAT ISINAGAWA SA IYONG HARAPAN UPANG MAPATUNAYAN ANG KANYANG SENSIRIDAD.

PAGSUSUMA: Ako ay nananalangin at umaasa na sa pamamagitan ng aking ibinahagi ay MAGKAKABATI kayo at hindi na niya hahangaring muli kayong mag-away. :)

 

 (kinikilala ng The Harbinger Diary ang GOOGLE bilang SOURCE ng mga imahe.)


 




Linggo, Disyembre 11, 2011

KALIBRE


Napabalikwas ako sa kama nang maulinigan ko
ang isang ingay na nagmula sa kabilang kwarto.
Hindi ako kaagad lumabas.
May pangamba ako sa aking sarili.

Mag-aapat na oras na akong nakatingala sa kisame.
Inaapuhap ko ang mga katanungan gumugulo sa aking isipan.

Ilang linggo na mula nang kami ay patuloy na
makatanggap ng mga DEATH THREATS mula kung saan.
Walang makapagsabi kung kanino nanggaling ang mga iyun.
Pero may HULA si Dad na galing ang mga 'yun
sa mga NASAGASAAN niya sa kanyang TRABAHO.

Kinakatakutang "five-star" HENERAL ng MILITARY si Dad.
Kaya pati sa bahay ay umiiral ang batas militar.

Magmula sa aming mga TRAINED DOGS, mga KASAMBAHAY,
at mga TAUHAN sa bahay ay kinikilala si Dad bilang may pinakamatas
na boses sa aming angkan.

Kung ano ang kanyang sinabi o iutos ay nararapat lamang SUNDIN.
WALANG BATAS na MABABALI at dapat LAHAT ay parang
TUTA na susunod sa kanyang mga TRICKS na IPINAPAGAWA.

Wala nmn akong masamang maikukumento kay Dad.
NAPAKABUTI niyang TIYUHIN sa AKIN.
Ni minsan hindi niya ako pinakitaan ng MASAMANG GAWI.
LAHAT ng minimithi kong bagay ay kanyang ipinagkakaloob.
Minsan nga, nagtataka ako kung bakit siya INIWAN ng kanyang ASAWA.
At kung BAKIT hindi na siya muli pang nagasawa.

Labindalawang taon na mula ng mamatay
ang aking TUNAY na AMA.
Bunso si Tatay sa limang magkakapatid.
At sa lahat sa kanila'y si Dad ang sinuwerte at nakapagtapos.

Simula nang ako'y iwan ni Tatay kasama ang aking kapatid na bunsong lalaki,
na noon ay mag lilimang taon pa lang, ay kinupkop na kami ni Dad
sa malamansyon niyang tirahan.

Binihisan.
Pinag-aral.
Pinalaki
at binigyan
 PAG-ASA at
BUHAY kami ni Dad.

Walang oras na hindi siya nakasuporta sa aming mga kagustuhan
Partikular na sa akin.

Ako ang paborito niya sa lahat ng kanyang mga ALAGA.
Marahil dahil MALAKING BULAS ako at MATALINO.
MARAHIL dahil MASUNURIN ako at MAGALANG
at marahil dahil LAHAT ng GUSTUHIN niya'y GINAGAWA ko.

Kanina nga'y inutusan niya akong tawagin ang aking kapatid
at pinapasok ako ng aking kwarto.

Nagtaka ako kung ano na namang kalokohan ang ginawa ni Steve
kung bakit pinatawag na naman siya ni Dad.
Bihira siyang kumustahin ni Dad noon, pero ngayon nga'y napapadalas iyon

Nagsimula iyun nang minsang may makaaway si
Steve sa school na kanyang pinapasukan.
Galit na Galit si Dad nang araw na 'yun.

Lahat kami ay nagtataka sa pagbabago ng ugali ni
Steve. Lagi na siyang bugnutin at palasigaw.
Inisip na lang namin  na ganun talaga pag nagbibinata na.
Kahit ako noon ay ganun rin naman.

TEKA!
PUTSA!

Nagitla ako sa aking naiisip.

Kung PAREHAS si Steve ng
Pinagdadaanan ko noon.

Maaaring BIKTIMA na rin siya!

BIKTIMA ng MalaDEMONYONG
Gawain ng tinaguriang masamang
ALAGAD ng BATAS.

Ngayon ay naiintidihan ko na kung bakit
nagkakaganito si STEVE!

Kung bakit tuwing umaga'y ayaw niya
akong kasabay sa kotse papasok sa unibersidad.
Kung bakit lagi siyang nagpapamadaling ARAW sa pag-uwi.
At kung bakit isang gabi'y pinasok niya ako
sa kwarto at malungkot na nagsabing,

"KUYA. Ipagtanggol mo ako kapag
may lumapastangan sa AKIN."

'di ko siya pinansin noon.
Ngayo'y ALAM ko na kung BAKIT!

MABILIS akong
lumabas ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni Dad.

MABUTI at hindi ko nadatnan si dad.
Mabilis kong tinungo ang kanyang tokador
at kinuha ang isang kalibre .45

Mabilis ang aking mga hakbang.
Hindi maaring malaman ninoman
ang pangyayaring ito.

At hindi ko na hahayaang pang maranasan ni Steve
ang impyernong buhay...


Binuksan ko ang kwarto ni Steve.
At kinapa ang switch ng ilaw.

Kasabay ng pagbulaga ng liwanag ay
ang putok ng baril sa aming "Dad"
na nakaibabaw sa aking mahal na kapatid na si Steve.

Biyernes, Disyembre 9, 2011

SPECTRUM



Habang kumukuha ako ng gatas sa ref,
narinig ko ang ugong ng aking mamahaling F150 sa garahe.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdan.

Kinakabahan akong pumasok sa loob ng aking kwarto
at mabilis na kinuha ang aking mga saplot na nagkalat sa kung saan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naranasan
ang kaba at takot na baka mahuli ako na nasa
isang mainit na tagpo kasama ang AKING MANLILIGAW.


Narinig ko ang yabag sa labas ng aking kwarto.
Mabilis akong pumailalim sa kama at napagmasdan ko ang elegante't
mamahaling sapatos ng aking kasambahay.

Maya-maya pa'y binuksan niya ang aking aparador gamit ang isang susi.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang naghubad at isinuot ang aking mga damit.
Kabilang na rito ang aking mga mamahaling alahas na bigay ng
AKING MAHAL NA NOBYO.

Nakita ko kung paano siya sumalampak ng upo sa aking imported na
couch, na dala ko pa mula sa isang vacation trip sa Italy.
Nanggagalaiti ako lalo na nang aking masilayan kung paano niya
isinuot ang aking paboritong signature stilleto na regalo ng
AKING MAHAL na IROG.

Pigil na pigil ko ang sarili na huwag maghisterya.
Kimkim-kimkim ko ang galit na nararamdaman.

Pero alam ko na dapat hindi ako magpadala sa emosyon. 
Mahirap na baka makagulo pa sa mga pinaplano namin ng aking
TAPAT at MAPAGMAHAL na KASINTAHAN.

Ramdam ko ang puyos at inis sa aking mga nasaksihan.
Lalo akong nanggalaiti nang makita ko ang aking mahal na
ASAWA na lumabas sa banyo at niyakap ng
aking TALIPANDAS na KASAMBAHAY.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na lumabas mula sa ilalim ng kama
at hubad na humarap sa kanila.

Hindi ako nakapagsalita ...

Nakaramdam ako ng isang MALAKAS na SAMPAL sa MUKHA,
MARAHAS na SABUNOT sa aking BUHOK at
PANG-UUYAM sa aking PAGKATAO:

"Walanghiya ka. Walang Utang na loob. Pati asawa ko kinalantari mo."

FUGITIVE



My best friend Mateo calls me to see him after my class discussion. It is unusual for both of us to talk after our respective classes. He has been teaching in a public High School for a year now whereas, I am just a new member of the faculty in a private institution exclusive for boys.  Mateo and I come from the same teaching institution and both newly-grad when we enter the academe. 

            For a week now, I am bothered why he resigns and transfers to a new school. I remember the times that he always takes pride in bragging his good position and salary from his previous school.

            We both agree to see each other in Plaza Quezon. Although it’s a bit far from my school, I still go because there’s something drives me to meet him. I reach the place around 6:25 pm. While walking with a cap and sunglass, I manage to talk to him on the phone and veil myself. 
I sense the nervous in his voice. I insist to know the reason but he is consistent in saying that he needs to personally see me. 

            There are a lot of people in the park. Few of them look at me curiously. I move down the cap to somehow hide my face from view because I am not use to it for some time.

            As I reach the plaza, I decide to walk at the side of the nearby trees which separates me to the bulk of people. My eyes roll from left to right, as if it were involuntary muscles. I am sure that I am becoming nearer to Mateo. As my sweat in the face roll down in my cheeks, I remember that I’ve never been in this place for sometime after the incident. Yes, after that unforgettable incident I refrain from going to crowded place like this one to get away from the suspicious eyes of the few.

I accidentally bump a man after crossing 3 or 4 trees in a row. He looks straight at me. I feel the tension and abruptly look down and put a handkerchief on my mouth. This would somehow hide my entire face to him. 

            I immediately see Mateo near the President Quezon statue. I know there’s something wrong with him for being nervous. He never says a word when we look each other. Then after a while, 3 law enforcers in their uniforms approach me and put me a handcuff.

“You are under arrest. You have the right to remain silent because everything you say would be used against you.”

I am so shocked to the turn of event. I don’t expect this thing to happen. I never have a hit that he will betray me. Betray our friendship. Oh yes, our intimate friendship.

“I am sorry. I can’t hide the truth anymore. Since I moved from other school and refuse to stand as a witness against you, I’ve been eaten up by my conscience. My life has never been the same again after you abused and accidentally kill your student.”

I am speech less. I just put my hand in my face to cover it like I used to do.

MONA LISA SMILE


NGINITIAN niya ako.
NAPAKATAMIS na ngiti.
Ngiting tila'y NAG-UUDYOK sa kahit kanino na tugunin ito.

Isa siya sa maituturing na MAHUSAY sa klase-
WALANG DUDA , kung bakit siya nakakakuha ng
MATAAS na GRADO sa lahat ng asignatura.

Masasabi kong may kaGANDAhang pisikal siyang taglay na wala ang iba.
Ang kayumangging balat ang nagbibigay dan upang MAIHANAY siya
sa ibang antas ng kagandahan- EXOTIC BEAUTY, ika nga ng iba.

Mahusay rin siyang makisama.
Datapwa't may ilan na siyang hindi nakasundo sa klase at lantarang nakakasaguta'y
HINDI NAGBAGO ang pagtingin ko sa kanya.

BUKAS ako sa PAGSASABI na kabilang ako sa mga HUMAHANGA sa kanya.
KABILANG ako sa mga kaibigan niyang may positibong paghanga.

Isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa mga PANGIT na KOMENTO patungkol sa kanya.

Isa ako sa mga taong nagsasabing napaka-SINCERE, TAPAT at TOTOO niyang KAIBIGAN.

.Pero, DATI na iyun.
Dahil sa paglipas ng PANAHON,
Unti-unti ko siyang nakilala.
Ang TAONG AKALA ko ay KILALA ko na AY HINDI pa PALA.

Sa mga panahon na nakasama ko siya,
nakita ko kung PAANO siya nagta-TRANSFORM.

TAMA, TRANSFORMATION!
NAG BABAGONG ANYO- HINDI LITERAL
 na panlabas na kaanyuan.
Katangiang mas malalim pa roon.

TINALO pa niya si GREGOR SAMSA na pangunahing tauhan sa novella ni KAFKA na METAMORPHOSIS.

Hindi ko inaasahan na ang kanya palang NGITI na  ipinamamahagi sa karaihan
ay isa lamang PEKENG pakitang BAIT sa amin.


Nakita ko kung paano niya ako NGITIAN.
NAPAKATAMIS ngunit nakita ko rin kung paano siya SUMIMANGOT,
Nag MAKE-FACE at Nagsalita pagkaTALIKOD niya.

Noong una'y akala ko'y hindi lang maganda ang MOOD niya.
Kaya't pinagwalang bahala ko iyun.
Ngunit ng lumaon ay napatunayan ko na ito'y
SANGKAP na ng kanyang PERSONALIDAD.

MONALISA SMILE, iyan ang tamang pagpapangalan
sa kanyang NGITI. Ngiti na kay gandang pagmasdan.
Ngunit ito rin ay puno ng HIWAGA at PAGKUKUNWARI.

PAGKUKUNWARIng IGIGIYA ang sinoman sa paniniwalang
napakaTOTOO ng kanyang pagpapahiwatig.

Ang kanyang NGITI ay tila may kalakasang MAGPAIKOT ng iba.





NGITI na tila PINALASTER na ng PANAHON. 
Na kailanman, na kung may dumating pa sa kanyang BAGONG kaibigan
ay HINDI na MABABAGO 'yun.

SAPAGKAT ang MONA LISA SMILE niyang TAGLAY,
 ay tila IGINUHIT ng isang MAHUSAY sa PAGBABALAT-KAYONG PINTOR
na NGUMINGISI at NAGSASABING,

"GANYAN, TAMA 'YAN.
PANIWALAIN MO SILANG GUSTO AT
KINAGIGILIWAN MO SILA."


 (kinikilala ng akosimc@blogspot.com ang Google
bilang pangunahing SOURCE ng mga imahe.)

Huwebes, Disyembre 8, 2011

Meet & Greet with EROS S. ATALIA

Napakarami kong natutunan mula sa bago kong paboritong
MANUNULAT na si Eros S. Atalia.

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay EROS, 
na isang mahusay na manunulat
At KILALANG PALANCA AWARDEE?

At SINASABI ng ilan na SIYA ang TUNAY na BOB ONG.

Datapwat ito'y kanyang itinatanggi, hindi pa rin maialis ang PAGDUDUDA ng ilan sapagkat PAREHO sila ng ESTILO ng  PAGSUSULAT.

Sa TINATAMASA niyang KATANYAGAN ngayon, nanatili parin siyang mapagkumbaba :D
Dahil dito... Idol na Idol ko na siya :)

Kaya't kahit na umattend na ako ng BOOK LAUNCHING niya para sa  bago niyang aklat sa Unibersidad ng Santo Tomas, Umattend pa rin ako sa ikalawang pagkakataon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas kung saan nagkaroon siya ng WORKSHOP at SEMINAR tungkol sa pagsusulat ng mga DAGLI o Micro Fiction o mas kilalang FLASH FICTION.

Habang nakikinig sa kanyang "TALK", hindi ko mapigilan ang humanga sa husay niya sa literatura :)

Ilan sa mga SIKAT niyang LIKHA ay ang mga sumusunod:
 










NB. LIGO na U, LAPIT na ME  ay naisapelikula at isinali sa Cinemalay 2011. Ito nagkamit ng parangal at naging daan para maging BEST ACTOR si EDGAR ALLAN GUZMAN.



 DAHIL sa pagkakataon makasama ko si IDOL :) hindi na ako nag-atubiling bumili ng bago niyang aklat na paniguradong TATABO na naman sa mga BOOKSTOREs.

Title: WAG LANG DI MAKARAOS
 pirma Ni Idol: Kay MC, para kanino ka nagpaparaos :D 

... napangiti na lang ako :* hehe.




Miyerkules, Disyembre 7, 2011




Ang The Harbinger ay lipon ng mga kwentong orihinal mula sa mga pinagsama-samang UNLIMAHINASYON ng mga manunulat. No part of ANY story may be reproduced, COPY-PASTE or used in any form and method without permission from the author and/or from the administrator.

All the characters in ANY STORY in this blog have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and has relation to anyone having the same name or names.They are not even distantly inspired by any individual known to the author and all incidents
are merely invention.