Sabado, Enero 5, 2013

sa dami ng mapagdadaanan mo. . hindi mo iisipin na kakayanin mo yun lahat. . nanjan yung tipong di ka makakain kasi wala kang pera. . oh di ka makapasok kasi walang pamasahe. . oh di ka makatingin sa teacher mo kasi di ka gumawa ng assignment na 3 weeks ng pinagawa sayo. . aba kung gano ka na katanda ngayon ganung katagal ka ng nagsusurvive! biruin mo sa dami ng bagyo at lindol at hightide at redtide nabuhay ka pa. . astig db?. .kaya lang. . sabi nga nila. . di naman yung sa pisikal ang mahirap makalimutan. . minsan yung di nakikita ng mata oh yung di naririnig ng tenga yun yung masakit.
kunyari. . nakita mo yung crush mo. . may kaholding hands. . kahit wala naman talaga kayong commitment isusumpa mo xa ng buong puso. . at kung marunong ka lan g mang kulam malamang kinulam mo na yung kasama ng crush mo! imagine . . crush lang yun. . eh pano yung mahal mo?. . yung mga telesrye effect na eksena kagaya ng. . pumunta ka sa haus ng karelasyon mo pero may kasama xang iba. . oh yung biglang nanlamig yung karelasyon mo kasi nagka-inlovan na pla sila ng besppren mo. . pwedeng nasira ang relasyon mo sa 6 yrs mong jowa dahil sa taong mas panget sayo. .mmmm. . at madami pang iba! kesyo di magkaintindihan. . di na masaya. . walang tym. . walang gold. . walang utak. . wala na kasing love. at ang ending mo?? AYAN! AYAN MISMO! nakatulala ka at bigla na lang luluha. . yung tipong kakanta ka sa videoke pro tumutulo na yung sipon mo kakaiyak. . dahil nga may pinagdadaanan ka. .
naku. . may mga taong nasunugan. .naholdapp. . nabankrup. .nadulas,nabungi at nabosohan. .pro chill lang. .ikaw na namatayan. . namatayan ng puso. . chill lang din. . madami pang dadating. . mas magiging masakit pa. . kaya dapat kayanin mo yan. .
kung ngayon di k makasabay sa agos ng puso. . baka bukas malunod ka na lang bigla. . hindi ko sinabing magiging madali ang pagtanggap. . mahirap . pero isipin mo na laging may susunod pa. . may mas ok pa. . at para sayo. . san mo gusto? SHOT TAYO! :)
(Contributor/Writer: Balong Marquez @https://www.facebook.com/mfegi)

0 (mga) komento: