Mula sa kung saan ay dinig na dinig namin ang
BUO at MAKATINDIG BALAHIBONG boses ni Tiyo Anselmo.
Kasalukuyang pabalik si Ate Miranda sa sala mula sa kusina nang magilalas siya sa nakita.
Mabilis ang naging mga pangyayari.
Iwinasiwas ni tiyo Anselmo ang karit na dala-dala at parang baliw na binati pa kami ng "Magandang Gabi."
Nagtatatarang si Ate Miranda at hindi niya alam ang gagawin lalo na nang mabilis siyang nahablot sa buhok ni tiyo.
Hindi kami nakakilos lahat pati si papa na natigalgal rin.
Nagulat kaming muli nang ang karit na dala ni tiyo ay pinangtagpas niya ng leeg ng aming kasambahay.
Mabilis na nagsusumigaw si papa sa amin ni mama ng,
"Akyat! Akyat! Umakyat kayo sa kwartO!"
Halos magkandapa-dapa ako sa taranta at takot nang oras na 'yon.
Mula sa bungad ng hagdan dinig na dinig namin ni mama ang pag-usisa ni tiyo sa mga titulo ng minana ni papa.
Galit na galit din si papa at sinabing hinding hindi niya iyon ibibigay sa kanya.
Ngumingisi si tiyo Anselmo sabay wasiwas ng karit sa kamay ni papa.
Nagsusumigaw na ako at si mama'y iyak ng iyak.
Mabilis kaming pumasok sa kwarto nina mama at kinandado ang pinto.
Iniangat ni mama ang carpet ng sahig at mula roon ay may isang kaha na nakabaon sa mismong sahig nito.
Nilabas ni mama lahat ng mga importanteng papeles at inilagay niya sa baywang ko gamit ang isang packing tape.
Nagulat kaming muli nag pagsisipain ni tiyo ang pinto ng kwarto at nang bumukas ito, hawak na ni tiyo anselmo ang ulo ni papa.
Halos mawalan ng ulirat si mama kakatarang gayun din ako.
Tama. Hindi nga ako nagkamali na SALBAHE ang aking tiyo noon pa man.
Matigas si mama at minura niya pa ang demonyo naming bisita.
Lahat ng mahawakan ni mama ay ibinato niya.
Nagulat na lang ako nang nakalapit si tiyo sa amin at
hawak na ang buhok ni mama.
Parang baliw na inamoy-amoy ni tiyo si mama.
Si tiyo ay parang isang karakter na psyho-killer sa mga dvd na napapanood ko.
Ni hindi sumagi sa isip ko na mararanas ko ang mga ito.
"Alam mo Marge, isa pa sa ikina-iinggit ko sa kapatid ko ay ikaw. Dapat sa akin ka na lang sumama eh. Dapat ngayon masaya na tayo! " May pait sa boses niya.
"Hinding hindi ako sa sama sayo! Hayop!" Galit na sabi ni mama sabay tadyak patalikod sa pundilyo ni tiyo.
Nakita ko kung paano sapuin ng lalaki ang kanyang ari at nagmumura.
Mabilis kaming tumakbo palabas ni mama.
Nasa bakuran na kami nang nakapagtatakang nahabol kami ni tiyo.
Para sa akin ng mga oras na iyon iba ang kanyang lakas at liksi.
Natalisod si mama sa nakausling bato at naabutan kami ni tiyo.
Kinain ng kadiliman ang hiyaw ni mama.
Hindi ko alam ang gagawin kung paano isasagip si mama.
Itinaas ko ang damit ko at ipinakita kay tiyo ang mga papeles na hinahanap niya na nakadikit sa aking tiyan at mabilis akong nagtatakbo sa talahiban.
Alam kong hinahabol niya ako. At alam ko rin na tama ang nagawa ko para masagip si mama.
kahit pa lagyan ako ng piring sa mata kaya kong makipaghabulan sa kuneho sa aming talahiban.
Matalino kong idinapa ang aking sarili sa damo at ipinangtakip ang mga tuyo't nito sa aking sarili.
Galit na galit si tiyo sa akin at nagsisigaw. Pigil ko ang hininga't iyak nang tumayo sa aking tapat si tiyo. Hindi niya alam kung saan pupunta nagtaka na lang ako nang tumakbo siya pabalik ng bahay.
Mabilis kong binalikan si mama at nakarating kami sa aming lumang bodega.
Doon namin humihingal na niyakap ang isa-isa.
Naghalo ang luha, pawis at dugo sa aming dalawa.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang marinig namin ang boses ni tiyo na papalapit sa aming kinatataguan.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pwersa't lakas ko nang mga oras na iyon.
pinaupo ko si mama sa lumang karton at mabilis na hinila papunta sa lumang basurahan.
Ngayon nga'y yakap ko rito si mama.
Natawag ko ang lahat ng santo nang tabigin ni tiyo ang basurahan at tumambad sa amin ang duguan niyang karit.
Halos mapatid ang ugat ko sa leeg kakasigaw dahil sa takot at galit.
Itinaas ni tiyo ang karit at animo kuminang ang blade nito sa sinag ng buwan.
Akmang pababa na ito sa aking leeg nang biglang sampalin ako ni tiyo.
Napabalikwas ako ng kama at nagsisigaw sa kanya ng,
"UMALIS KA! UMALIS KA!"
Ngunit mananatiling panaginip lang ba ito?
Gayung totoo ang ilang pangyayari rito at magdadalawang linggo na si tiyo na bumibisita sa amin.