Martes, Disyembre 20, 2011

CONCHITA


Ako si Conchita.

Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.
PERO may BESTFRIEND AKO: si Conchita!

Siya ay
Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.

Kung tatanungin mo ako kung ano ang buhay,

May pagmamalaki kong sasabihin
sa'yo na ang buhay ay MASAYA.

MASAYA!

MASAYA PARA SA MGA TAONG BINIGYAN NG:
  • Tuwid na Buhok
  • Maputing Balat
  • Matangos na Ilong
  • Singkit na Mata
  • Mapulang Labi
  • KALARO
  • KAIBIGAN
  • PAMILYA
Kung lahat ng iyon,

Lahat na Mayroon ka,

Ay Mayroon din ako,
Siguro MASASABI ko rin na TOTOONG MASAYA ang BUHAY KO.

Pero hindi kailanman magiging PANTAY ang Buhay para sa
LAHAT! 'yan ang natutunan ko sa halos dalawang pares na
Mag-asawang Nag ampon sa akin.

Lahat sila BIGO.

BIGO sila na MAGING MASAYA AKO.

Simple lang naman ako na bata e'

ANG GUSTO ko LANG:

MAHALIN
MAHALIN at 
MAHALIN

'yun lang!
Pero LAHAT sila
Mas MAHAL nila ang una nilang anak!

Hindi ko kailanman maisip ang logic kung BAKIT pa nila
ako kailangang AMPUNIN!

Gayung may ANAK na sila.

'yung unang mag-asawa na sina Mommy Clare at Daddy Jun
Walang naging ANAK pero hindi nila ako napasaya.

Si Daddy Jun kapag inihahatid ako sa school iniiwan lang
niya ako ng walang KISS!

Pero si Mommy laging may kiss!

Nakakainis!

Isang beses dumating si Daddy Jun galing sa opis.
May dala siyang Cake dahil anibersaryo nila ni Mommy.
Pero wala pa si mommy.
Umupo siya sa sofa.

Pagod.

Dahil gusto kong makapuntos kay Daddy.
Kinuha ko ang tsinelas niya sa ilalim ng
hagdan at inilapag sa tapat niya.

Hindi siya ngumiti.
Ako na ang nagkusang nagtanggal ng
sapatos niyang balat at medyas.

Imbes na matuwa si Daddy,
GALIT na GALIT siya.

Niyakap ko siya pero itinaboy niya ako.

TAMA AKO!

KUNWARI lang na gusto niya ako noong
una naming pagkikita sa AMPUNAN!

Napilitan lang siya kay Mommy dahil
Gustong gusto niya ako.

Napaisip tuloy ako,
Bakit lagi nalang na ang mga DADDY
ko ang ayaw sa akin.

Dahil ba:
  • Kulot
  • Maitim
  • Makapal ang Labi
  • Malaki ang Mata at
  • Malaki ang Noo ko?
Dahil ba hindi ako MAGANDA?
Pero bakit sina MOMMY, LAHAT sila GUSTO ako?

Pero GUSTO ko ang mga DADDY ko!

MAHAL na MAHAL ko sila!

Si Daddy Ben,

SIMPLE.
MABAIT.
MAPAGBIGAY.
MAALALAHANIN.
PALANGITI.

Pero hindi niya rin ako MAHAL.

Biyernes noon, umuwi si Daddy Ben na lasing.
Si Mommy ay tulog na tulog sa kwarto nila.

Nakita ko si Daddy Ben na pasuray-suray na pumapanhik ng hagdan.
Nasa ikalawang baitang palang siya nang bumagsak siya.

Dahil mahal ko si Daddy Ben kaya mabilis ko siyang inalalayan.
Tinulungan ko siyang mapa-upo ng maayos at kumuha ng basang bimpo.

Simula noon, natuto na ako sa mga gawain ng matatanda
'yan ang natutunan ko sa bahay-ampunan. Kailangang maging
independent kami para magustuhan kami ng mga mag-aampon.

Kaya alam ko kung ano ang dapat kong gawin.

Pero Nagulat ako nang nanlaki ang mga mata ni Daddy Ben at
Galit na Galit sa akin!

Hindi ko siya maintindihan!

Lahat sila hindi ko maintindihan.

Naisip ko maaaring natakot si Daddy Ben dahil
lasing siya at nagulat na ako ang kaharap niya.

AKO na:

PANGIT at
MAITIM!

Pero
MABAIT ako!
MASUNURIN!
MAGALANG! at
MAPAGMAHAL!

Pero AYAW nila sa akin.

DAHIL ayaw nila sa akin kaya TAMA bang
ibinalik ako ng mga MOMMY ko dito sa ampunan?

Tama ba na paasahin ako ulit?

E' diba mas kailangan nila ako gayung
Mag-isa na lang sila sa buhay nila?

Gayung iniwan na sila ng mga DADDY ko?

Mas kailangan nila ako pero pinili nilang iwan ako.

NAKAKATAWA!

NAKAKAAWA sila!

Tama lang na iniwan sila ng mga Daddy ko!

Tama lang na hindi na sila nagsasama!

Dahil ang mga MOMMY ko ay

MAPUPUTI!
MATATANGOS ang ILONG!
MAGAGANDA!

at dahil HINDI FAIR ang MUNDO kaya TAMA lang na IWAN din sila.

Naalala ko tuloy kung paano ko pinatulog sina Daddy!

HAHAHAHA!

TAMA!

HAHAHAHA!

NAKATULOG sila sa aking maliit na KARAYOM.

Hindi naman kasi magkakaganun kung MINAHAL nila ako!!!

Si Daddy JUN, nang matanggal ko ang sapatos niya
at subukang tanggalin ang pantalon niya galit na galit kaagad!

Si Daddy Ben, nang pinupunasan ko siya at hinubad ang kanyang
uniporme galit na galit din siya!

GALIT na GALIT sila nang
pagHAHALIKAN ko sila!

DAPAT nga MATUWA sila sa akin!
DAHIL mahal na mahal ko sila!
DAPAT ako ang piliin nila kaysa sa mga MOMMY ko!

DAHIL AKO si CONCHITA.

AKO na magdadalawang Oras nang
Naghihintay na maiuwi ng
bagong aampon
sa akin.

Bagong Mag-asawa
Bagong Daddy!
Bagong Mahal ko!


Sana THIS TIME hindi na ako ibabalik sa AMPUNAN!

6 (mga) komento:

Unknown ayon kay ...

Anq Tunay na Ganda ay Makikita sa Kalooban nq isanq tao ..
Hindi man naten nakuha anq mqa katanqian na ninanaisa naten pero meron tayonq Ganda na di Taqlay nq Iba ...
At anq Kagandahan na iyon anq maqsisilbi upanq makita naten anq Tunay natinq "PAMILYA"

The Harbinger Diary ayon kay ...

"Wow!" maraming salamat sa iyong komento :D ikinasisiya ng The Harbinger na nabasa mo ang Conchita :D salamat!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

NDALA AQ SA CONCHITA.HAYSST.KBWISET NA BATA PERO NKAKAAWA!MINSAN TALAGA MUNDO RIN ANG MAY KSALANN KUNG BAKIT NAGIGING MASAMA ANG TAO EHH DB POW?!

The Harbinger Diary ayon kay ...

.salamat naenjoy mo ang story ni conchita :D at salamat at nagkaroon ka ng Epiphany :D

john poul ayon kay ...

hehe.. ang saya tlga paulit- ulit basahin ng conchita natatakot pa din aq sa itsura nya XD

Mat ayon kay ...

maraming salamat. feel free na basahin ng paulit ulit. hehehe. enjoy po. :))