This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Biyernes, Disyembre 23, 2011

Titulo


"Jessie, Lumabas ka na!!!
Huwag mo nang pahirapan pa si marge. "

Lasang lasa ko ang pait ng luha habang
yakap-yakap ang aking mama.

Kasalukuyan kaming nasa likod ng isang basurahan
malapit sa lumang bodega kung saan kami galing.

Naghalo na ang luha ko't pawis at hindi ko na
alam kong ano roon ang aking nalasahan.

Si mama ay impit din ang pag-iyak habang
takip-takip ang sariling bibig.

Pinipigilan namin ang bawat isa na mag-ingay o
gumawa ni munting kaluskos para hindi
mabingit sa kamatayan ang aming mga sarili.

Mula sa kung saan ay dinig na dinig namin ang

BUO at MAKATINDIG BALAHIBONG boses ni Tiyo Anselmo.

"Huwag na kayong magpakapagod pa! Huwag niyo nang pahirapan pa ang iyong sarili. After all, doon din ang bagsak ninyo."

Humigpit ang pagkakayakap ko kay mama dahil sa takot sa aking tiyo.

Si mama ay nakahandusay sa putikan at nanlilimahid na ang kanyang sugatang paa.
Hindi ko mapigilan ang lalong maiyak sa tuwing maaalala ang mga pangyayari kanila lang.

Dumating si Tiyo kasama ang aking papa galing sa trabaho.
Kapwa sila nagtatrabaho sa pabrika ng aking lolo.

Si tiyo ay anak sa una ni Lolo Isaac at hindi linggid sa lahat na hindi ito kinagigiliwan ng ama. Samantalang si papa ay laging bukambibig ni lolo at paboritong ipagmalaki sa lahat ng mga kaibigan nito.

Nang pumanaw si Lolo kataka-taka ang pagiging mabait ni tiyo kay papa. Na dati-rati'y kulang na lang ay gilitan niya ng leeg ang aking ama sa tuwing magtatalo sila tungkol sa maliliit na bagay.

Dahil mas bata si papa kaya siya ang parating nagpapaubaya kay tiyo.

Sa kanilang dalawang magkapatid, mas kinagigiliwan din ng mga kasamahan sa trabaho si papa kaysa kay tiyo kaya't laging maiinitin ang ulo nito.

Minsan nga'y sa sobrang lasing ni tiyo na kainuman ang isa sa kanilang kasamahan ay bigla na lang niyang binugbog ang huli sa dahilang palagiang pagbabanggit ng pangalan ni papa.

May tatlong linggo na nang pumanaw si lolo at may tatlong linggo na rin ang pagpapakita ng kakatwang kilos ni Tiyo.

Sa tuwina, lagi na siyang masayahin at palabati sa aming pamilya. Palagi na rin siyang bumibisita sa bahay at kung minsa'y doon na rin naghahapunan at nakikipagkwentuhan.

Ang aking mga magulang ay galak na galak sa pagbabagong nakikita nila kay Tiyo. Ngunit ako, mula noon mapa hanggang sa araw na ito ay iisa parin ang paniniwala ko: MASAMANG TAO si TIYO.

Nakuha ni papa ang titulo ng pabrika at ilang bank accounts sa kabisera bilang lehitimong tagapagmana ni lolo. Datapwat may nakuha rin si tiyo, hindi pa rin ito sasapat sa maluho niyang buhay. 

Naiisip ko noon na kung naiinggit si tiyo sa minana ni papa, eh bakit kailangan niya pang maging mabait sa amin? gayong maaari na namang niyang icontest ang last will ni lolo?

Nasabi ko kay mama isang beses na tingin ko'y pagkukunwari lang ang pakitang-bait ni tiyo sa amin.

Galit na galit si mama noon sa akin at sinabihan niya akong masama ang husgahan at pagbintangan ang ibang tao lalo pa't kadugo.

Sa edad kong labing dalawa, masasabi kong matalino ako at bihasa sa pagkilatis ng tao. Maaaring imposible dahil sa mura kong edad ngunit tingin ko'y gift ko iyon.

Pero mula nang pagalitan ako ni mama tungkol sa tingin ko sa aking tiyo at pinilit ko i-appreciate ang pagiging mabait niya sa amin lalo na kay papa.

Noong una'y katanggap-tanggap ngunit nang magdadalawang linggo na, nabuo na ang noo'y kutob pa lang nang maulinigan ko si tiyo na may kausap sa kanyang cellphone.

Buong-buo ang malaking boses ni tiyo at dinig na dinig ko ang plano niyang nakawin ang mga pamana ni lolo sa amin.

Mabilisan kong ipinaalam iyon sa aking mga magulang. Noong una'y nagalit si papa at si mama'y hindi makapaniwala ngunit dahil ako mismo ang nakasaksi at nakarinig kaya't kalaunan ay pinaniwalaan na rin nila.

Kinabukasan, umuwi si papa na may pasa at sugat sa kaliwang mata. Natatarantang ginamot ni mama ang pasa at sugat na iyon.

Nalaman namin na nagpambuno pala sina papa at tiyo sa pabrika nang kumprontahin ni papa ang aking nagpapanggap na tiyuhin.

Simula nang araw na iyon, hindi ko na nasilayan pang muli si tiyo anselmo. May kung anong kasiyahan ang idinulot niyon sa akin.

Akala ko'y kahit kailan ay hindi ko na siya makikita.
Dahil aminado akong mapahanggang ngayon ay takot na takot pa rin ako sa itsura niya.

Malayong malayo ang itsura ni tiyo sa aking papa na mestizo at gwapo. Samantalang si Tiyo ay maitim, mataba at napakatangkad. Iisipin mo nga na isa siya sa mga "wrestler" sa paborito kong palabas na WRESTLE MANIA at maiikumpara siya kay undertaker.

Akala ko'y sa pagtanda ko na ang muli naming pagkikita ni tiyo. Pero nagkamali ako.

Ginabi si papa ng uwi galing sa trabaho. Ito ang kaunaunahan niyang uwi ng alas otso y medya.
Malaki ang bahay na tinitirhan namin, malaki ang bakuran at Malayo kami sa mga kalapit-bahay.

Bigay iyon ni lolo sa aking papa nang mag-asawa na ito.
Isa ito sa ikina-iinggitan ni tiyo noon.

Pagod na pagod si papa nang umupo sa sofa.
Mabilis kong kinuha ang kanyang tsinelas at si ate Miranda na aming kasambahay ay pinaghanda siya ng hapunan.

Masaya kaming nakipagkwentuhan kay papa nang biglang magtatahol ang aso namin. Nagtaka ako kung bakit bigla rin itong tumigil.

Natapos si papa sa pagkain na may ngiti sa labi. Si mama ay niyakad na akong pumanhik sa kwarto para matulog.
Akma na kaming aakyat sa hagdanan nang biglang bumukas ang pinto namin at kumabog ang dibdib ko nang makita ko si tiyo na may duguang karit na hawak.

Kasalukuyang pabalik si Ate Miranda sa sala mula sa kusina nang magilalas siya sa nakita.


Mabilis ang naging mga pangyayari. 


Iwinasiwas ni tiyo Anselmo ang karit na dala-dala at parang baliw na binati pa kami ng "Magandang Gabi."


Nagtatatarang si Ate Miranda at hindi niya alam ang gagawin lalo na nang mabilis siyang nahablot sa buhok ni tiyo.


Hindi kami nakakilos lahat pati si papa na natigalgal rin.


Nagulat kaming muli nang ang karit na dala ni tiyo ay pinangtagpas niya ng leeg ng aming kasambahay.


Mabilis na nagsusumigaw si papa sa amin ni mama ng,
"Akyat! Akyat! Umakyat kayo sa kwartO!"


Halos magkandapa-dapa ako sa taranta at takot nang oras na 'yon.
Mula sa bungad ng hagdan dinig na dinig namin ni mama ang pag-usisa ni tiyo sa mga titulo ng minana ni papa.


Galit na galit din si papa at sinabing hinding hindi niya iyon ibibigay sa kanya.

Ngumingisi si tiyo Anselmo sabay wasiwas ng karit sa kamay ni papa.

Nagsusumigaw na ako at si mama'y iyak ng iyak.
Mabilis kaming pumasok sa kwarto nina mama at kinandado ang pinto.


Iniangat ni mama ang carpet ng sahig at mula roon ay may isang kaha na nakabaon sa mismong sahig nito.


Nilabas ni mama lahat ng mga importanteng papeles at inilagay niya sa baywang ko gamit ang isang packing tape.


"Huwag mong ibibigay 'yan kahit anong mangyari sa atin!" umiiyak na sabi ni mama.
Marami pa siyang sinasabi ngunit wari'y hindi ko na maintidihan dahil sa kaba at takot.


Nagulat kaming muli nag pagsisipain ni tiyo ang pinto ng kwarto at nang bumukas ito, hawak na ni tiyo anselmo ang ulo ni papa.


Halos mawalan ng ulirat si mama kakatarang gayun din ako.


Tama. Hindi nga ako nagkamali na SALBAHE ang aking tiyo noon pa man.


"Marge, ibigay mo na ang mga kailangan ko! Hindi mo ba mahal ang anak mo? At gusto mong makita mismo sa harapan mo kung paano ko siya patayin?"


Matigas si mama at minura niya pa ang demonyo naming bisita.


Lahat ng mahawakan ni mama ay ibinato niya.


Nagulat na lang ako nang nakalapit si tiyo sa amin at
hawak na ang buhok ni mama.



Parang baliw na inamoy-amoy ni tiyo si mama.


Nakakatakot.


Si tiyo ay parang  isang karakter na psyho-killer sa mga dvd na napapanood ko.
Ni hindi  sumagi sa isip ko na mararanas ko ang mga ito.


"Alam mo Marge, isa pa sa ikina-iinggit ko sa kapatid ko ay ikaw. Dapat sa akin ka na lang sumama eh. Dapat ngayon masaya na tayo! " May pait sa boses niya.


"Hinding hindi ako sa sama sayo! Hayop!" Galit na sabi ni mama sabay tadyak patalikod sa pundilyo ni tiyo.


Nakita ko kung paano sapuin ng lalaki ang kanyang ari at nagmumura.

Mabilis kaming tumakbo palabas ni mama.


Nasa bakuran na kami nang nakapagtatakang nahabol kami ni tiyo.

Para sa akin ng mga oras na iyon iba ang kanyang lakas at liksi.

Namumula ang kanyang mga mata.


Natalisod si mama sa nakausling bato at naabutan kami ni tiyo.

Mabilis na itinusok ni tiyo ang karik sa paanan ni mama.


Kinain ng kadiliman ang hiyaw ni mama.


Hindi ko alam ang gagawin kung paano isasagip si mama.


Itinaas ko ang damit ko at ipinakita kay tiyo ang mga papeles na hinahanap niya na nakadikit sa aking tiyan at mabilis akong nagtatakbo sa talahiban.


Alam kong hinahabol niya ako. At alam ko rin na tama ang nagawa ko para masagip si mama. 

kahit pa lagyan ako ng piring sa mata kaya kong makipaghabulan sa kuneho sa aming talahiban.


Matalino kong idinapa ang aking sarili sa damo at ipinangtakip ang mga tuyo't nito sa aking sarili.


Galit na galit si tiyo sa akin at nagsisigaw. Pigil ko ang hininga't iyak nang tumayo sa aking tapat si tiyo. Hindi niya alam kung saan pupunta nagtaka na lang ako nang tumakbo siya pabalik ng bahay.


Mabilis kong binalikan si mama at nakarating kami sa aming lumang bodega.
Doon namin humihingal na niyakap ang isa-isa.


Naghalo ang luha, pawis at dugo sa aming dalawa.


Nasa ganoon kaming sitwasyon nang marinig namin ang boses ni tiyo na papalapit sa aming kinatataguan.

Sinabihan ako ni mama na tumakbo na ako at iwan siya.
Humingi raw ako ng tulong dahil hindi na niya kaya.
Kitang kita ko ang hirap sa kanyang mukha lalo pa't
tuluy-tuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang paa.


Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pwersa't lakas ko nang mga oras na iyon.
pinaupo ko si mama sa lumang karton at mabilis na hinila papunta sa lumang basurahan.


Ngayon nga'y yakap ko rito si mama.


Natawag ko ang lahat ng santo nang tabigin ni tiyo ang basurahan at tumambad sa amin ang duguan niyang karit.


Nagsisigaw ako nang tuluyang
tagpasin ang ulo ni mama.

Mura ako nang mura ngunit panay ngisi lang ng malademonyo kong tiyuhin.


Halos mapatid ang ugat ko sa leeg kakasigaw dahil sa takot at galit.


Itinaas ni tiyo ang karit at animo kuminang ang blade nito sa sinag ng buwan.


Akmang pababa na ito sa aking leeg nang biglang sampalin ako ni tiyo.


"Hoy, pamangkin! Ano bang nagyayari sayo?
Kanina ka pa ungol nang ungol at iyak nang iyak."


Napabalikwas ako ng kama at nagsisigaw sa kanya ng,
"UMALIS KA! UMALIS KA!"


Masamang bangungot lang pala ang lahat.


Ngunit mananatiling panaginip lang ba ito?

Gayung totoo ang ilang pangyayari rito at magdadalawang linggo na si tiyo na bumibisita sa amin.

Magdadalawang linggo na ang pagpapakita niya ng kabaitan na dati namang hindi.


Ano sa tingin mo?



Miyerkules, Disyembre 21, 2011

SALAMIN


Walang kakurap-kurap si Sheena
habang nakatitig sa
MAGANDA at KAAKIT-AKIT na repleksyon,
sa harap ng isang antigong salamin.

Minana pa niya ang salamin na iyon mula sa kanyang pumanaw na Lola.
Mahal na mahal siya ng lola Criselda niya
kaya't sa kanya pinamana 'yun
kaysa sa kanyang masasakitin
na ate Marrietta.

Malimit nitong sabihin na kung dumating ang panahon
na pumanaw na ito'y sa kanya na ang salamin.

Lumaki sila sa kalinga ng kanilang lola matapos na iwan sila ng inang OFW na hindi na bumalik pagkalipas ng tatlong taon.

Ni wala man lang pasabi, tawag o simpleng text silang nareceive mula rito.

Nagulat na lang silang lahat nang malaman nilang nag-asawa na ito ng isang
foreigner at tuluyan na silang inabandona.

Ang kanilang tatay na si Mang Cardio ay MABIGAT ang KAMAY at LOOB sa kanilang magkapatid.
Naalala niya pa noon kung paano siya hagupitin
ng sinturon sa tuwing nagkakamali siya.
Marahil dahil ang ibig nito ay anak na lalaki.

Masasabi niyang MASAMA ang kanyang ama.

OO.

MASAMA.

MASAMANG MASAMA.

Masama dahil makailang ulit na silang pagsamantalahan nito. Makailang ulit na niyang makita kung paano nito BOSOHAN ang mahina niyang ate na mag
lalabing-anim na taon pa lang noon.

Makailang ulit na siyang napapasigaw sa gulat sa tuwing mabubungaran itong Lasing at paminsan-minsa'y hinihiklat ang kulot niyang buhok.

Sa tuwing may ginagawang kabulastugan ang kanilang ama,
wala silang ibang pinagsusumbungan kundi ang kanilang Lola.

Ngunit sa labis na pagmamahal ng matanda sa kanyang nag-iisang anak,

Nilulunok na lang nito ang kasalbahihan ng lalaki.

Tanda pa niya, nang sumapit siya sa pagkadalaga,
Pumasok sa silid nila ang kanyang ama na lango
sa alak at droga.

Ang kanyang ate ay
tulog na tulog sa tabi niya.

Narinig na lang niya ang impit na pag-iyak nito.

Wala siyang magawa kundi ang

Manghilakbot. 
Mapaluha.
Magdasal.
Magmura.
Magsumpa.
Manggigil.
Mainis.
Manumbat at
Manakwil.

Lahat ng iyon ay pikit-mata niyang nagagawa.

Kung kumibot siya'y suntok sa sikmura ang
aabutin niya sa kanyang ama o kung mamalasin pa'y
tutusukin nito ng dulo ng patalim ang leeg niya.

Sa tuwing gagawin iyon ng ama niya'y
sa salamin na lamang siya napapatitig.

Sa salamin na nakaharap sa kanyang kinahihigaan.
Doon kitang kita niya ang pagkubkob ng
MALADEMONYO niyang AMA
sa kaawa-awang ate niya.

Doon sa salamin kung saan naging saksi ng
pagyurak ng pagkatao nila ng taong dapat
na magsisilbing tagapagtanggol nila.

Isang beses sa ganoong sitwasyon sila napasukan
ng kanilang lola.

Hindi natinag ang kanyang bangag na ama
kahit nangisay na sa sahig ang matanda.

Nagsusumigaw na siya nang makita
niyang inatake ito sa puso at mawalan ng hininga.

Ang kanyang demonyong ama ay
hindi tumigil sa pagyurak nito sa kanyang ate.

Hindi niya alam ang gagawin.

Puno ng GALIT at HINAGPIS ang PUSO niya.

Galit
sa kanyang INA.
sa kanyang AMA
sa kanyang LOLA at
sa kanyang SARILI dahil wala siyang magawa.

Dapat noon pa'y may nagawa na siyang paraan
para napigilan ito.

Dapat noon pa'y natabas na
ang sungay nito at hindi na sila
naging biktima.

Nakita niya ang kanyang kawawang ate
na humihingi ng tulong sa kanya.

Nandilim ang kanyang paningin at
mabilis na lumabas ng kwarto.

Hindi na maririnig ang pagtangis mula sa kanya.

Pagbalik niya'y ibinuhos niya
ang isang timbang tubig mula sa
kanilang banyo.

Hinila niya ang kanyang ate paalis ng kama.

Galit na galit ang ama niya
ngunit wala na itong nagawa pa
nang isaksak niya ang sirang kurdon
ng kuryente at nasisiyahang pinanood
ang pangingisay nito.

Tatlong taon na mula noon.

Tatlong taon na mula nang itago nila
ang krimen na kanyang nagawa.

Tatlong taon na nang ilibing nila ng
kanyang ate ang kanyang lola at tatay
sa kanilang bakuran.

Tatlong taon nang nagbubunyi ang kanilang
kalapit-bahay dahil wala na ang kaniyang
amang halang ang kaluluwa.

Pinalabas nilang umuwi ito ng probinsya
kasama ang matanda at doon na muling
nag-asawa at pumirmi.

Mula noon, nakailang ulit
na silang tumanggap ng boarders.

Boarders na pawang mga lalaki lamang.

Boarders na makailang ulit nang papalit-palit
at MISTERYOSONG nawawala.
Ngayon nga'y nakatitig siya sa
magandang pigura ng kanyang katawan.

Nasisiyahan siyang sipatin ang
sariling repleksyon.

Mula sa salamin ay kitang kita niya
ang pag-aasam sa mata ng bagong boarder
nilang si Mike na nakatayo sa harapan ng
kanilang kwarto.

Mag-iisang linggo pa lang si mike
sa kanilang puder.
Giliw na giliw ang kanyang ate
sa gwapong binata.
Pero nakapag-usap na sila
at sa kanya ngayon ito.

Kunwari ay hindi niya nakikita
na binobosohan siya ng lalaki
mula sa kanyang salamin.

Isa-isa niyang hinubad ang kanyang
saplot hanggang sa wala ng matira.

Hindi na nakapigil pa ang
lalaki at sinunggaban na
siya nito.

Hindi siya nagpakita ng galit
o ng kahit na katiting na pagtanggi
nito.

Sinibasib siya ng halik at inihiga
sa kanyang malambot na kama.

Kama na dati'y pinagsasaluhan nila ng kanyang ate.

Habang nagpapasasa ang lalaki sa kanyang
karikitan. Kitang kita niya ang repleksyon
nito sa kanyang salamin.

Salamin na saksi sa lahat
ng malademonyong gawain ng kanyang ama.

Salamin na saksi sa pagpapalaya
niya sa kanyang ate at kanyang sarili
mula rito.

Nasa mainit na silang tagpo
Nang ipalit niya ang sarili
sa pwesto ng lalaki at siya
ang umibabaw rito.

Pikit matang naliligayahan si Mike at
mula sa kung saan ay binuhusan niya
ito ng tubig at mabilis na isinaksak ang
kurdon ng kuryente.

Pumasok ang kanyang ate at
Masayang pinanonood nila
ni Marietta ang lalaking
tulad ng kanilang ama.

Lalaking hayok sa laman.

Nangingiti niyang tinignan ang
sariling repleksyon sa salamin.

At may pagngising nasambit niya,
"Ate, maglagay ka na ulit
ng karatula sa Gate."


Martes, Disyembre 20, 2011

CONCHITA


Ako si Conchita.

Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.
PERO may BESTFRIEND AKO: si Conchita!

Siya ay
Walong taong gulang.

Mabait.
Mapagbigay.
Masunurin.
Maganda.

ULILANG LUBOS:
  • Walang Nanay.
  • Walang Tatay.
  • Walang Kapatid.
  • Walang Pamilya.
LUMAKI SA BAHAY-AMPUNAN: 
  • Walang Kaibigan.
  • Walang Kalaro.
  • Walang Katuwaan.
  • Walang Kaiyakan.

Kung tatanungin mo ako kung ano ang buhay,

May pagmamalaki kong sasabihin
sa'yo na ang buhay ay MASAYA.

MASAYA!

MASAYA PARA SA MGA TAONG BINIGYAN NG:
  • Tuwid na Buhok
  • Maputing Balat
  • Matangos na Ilong
  • Singkit na Mata
  • Mapulang Labi
  • KALARO
  • KAIBIGAN
  • PAMILYA
Kung lahat ng iyon,

Lahat na Mayroon ka,

Ay Mayroon din ako,
Siguro MASASABI ko rin na TOTOONG MASAYA ang BUHAY KO.

Pero hindi kailanman magiging PANTAY ang Buhay para sa
LAHAT! 'yan ang natutunan ko sa halos dalawang pares na
Mag-asawang Nag ampon sa akin.

Lahat sila BIGO.

BIGO sila na MAGING MASAYA AKO.

Simple lang naman ako na bata e'

ANG GUSTO ko LANG:

MAHALIN
MAHALIN at 
MAHALIN

'yun lang!
Pero LAHAT sila
Mas MAHAL nila ang una nilang anak!

Hindi ko kailanman maisip ang logic kung BAKIT pa nila
ako kailangang AMPUNIN!

Gayung may ANAK na sila.

'yung unang mag-asawa na sina Mommy Clare at Daddy Jun
Walang naging ANAK pero hindi nila ako napasaya.

Si Daddy Jun kapag inihahatid ako sa school iniiwan lang
niya ako ng walang KISS!

Pero si Mommy laging may kiss!

Nakakainis!

Isang beses dumating si Daddy Jun galing sa opis.
May dala siyang Cake dahil anibersaryo nila ni Mommy.
Pero wala pa si mommy.
Umupo siya sa sofa.

Pagod.

Dahil gusto kong makapuntos kay Daddy.
Kinuha ko ang tsinelas niya sa ilalim ng
hagdan at inilapag sa tapat niya.

Hindi siya ngumiti.
Ako na ang nagkusang nagtanggal ng
sapatos niyang balat at medyas.

Imbes na matuwa si Daddy,
GALIT na GALIT siya.

Niyakap ko siya pero itinaboy niya ako.

TAMA AKO!

KUNWARI lang na gusto niya ako noong
una naming pagkikita sa AMPUNAN!

Napilitan lang siya kay Mommy dahil
Gustong gusto niya ako.

Napaisip tuloy ako,
Bakit lagi nalang na ang mga DADDY
ko ang ayaw sa akin.

Dahil ba:
  • Kulot
  • Maitim
  • Makapal ang Labi
  • Malaki ang Mata at
  • Malaki ang Noo ko?
Dahil ba hindi ako MAGANDA?
Pero bakit sina MOMMY, LAHAT sila GUSTO ako?

Pero GUSTO ko ang mga DADDY ko!

MAHAL na MAHAL ko sila!

Si Daddy Ben,

SIMPLE.
MABAIT.
MAPAGBIGAY.
MAALALAHANIN.
PALANGITI.

Pero hindi niya rin ako MAHAL.

Biyernes noon, umuwi si Daddy Ben na lasing.
Si Mommy ay tulog na tulog sa kwarto nila.

Nakita ko si Daddy Ben na pasuray-suray na pumapanhik ng hagdan.
Nasa ikalawang baitang palang siya nang bumagsak siya.

Dahil mahal ko si Daddy Ben kaya mabilis ko siyang inalalayan.
Tinulungan ko siyang mapa-upo ng maayos at kumuha ng basang bimpo.

Simula noon, natuto na ako sa mga gawain ng matatanda
'yan ang natutunan ko sa bahay-ampunan. Kailangang maging
independent kami para magustuhan kami ng mga mag-aampon.

Kaya alam ko kung ano ang dapat kong gawin.

Pero Nagulat ako nang nanlaki ang mga mata ni Daddy Ben at
Galit na Galit sa akin!

Hindi ko siya maintindihan!

Lahat sila hindi ko maintindihan.

Naisip ko maaaring natakot si Daddy Ben dahil
lasing siya at nagulat na ako ang kaharap niya.

AKO na:

PANGIT at
MAITIM!

Pero
MABAIT ako!
MASUNURIN!
MAGALANG! at
MAPAGMAHAL!

Pero AYAW nila sa akin.

DAHIL ayaw nila sa akin kaya TAMA bang
ibinalik ako ng mga MOMMY ko dito sa ampunan?

Tama ba na paasahin ako ulit?

E' diba mas kailangan nila ako gayung
Mag-isa na lang sila sa buhay nila?

Gayung iniwan na sila ng mga DADDY ko?

Mas kailangan nila ako pero pinili nilang iwan ako.

NAKAKATAWA!

NAKAKAAWA sila!

Tama lang na iniwan sila ng mga Daddy ko!

Tama lang na hindi na sila nagsasama!

Dahil ang mga MOMMY ko ay

MAPUPUTI!
MATATANGOS ang ILONG!
MAGAGANDA!

at dahil HINDI FAIR ang MUNDO kaya TAMA lang na IWAN din sila.

Naalala ko tuloy kung paano ko pinatulog sina Daddy!

HAHAHAHA!

TAMA!

HAHAHAHA!

NAKATULOG sila sa aking maliit na KARAYOM.

Hindi naman kasi magkakaganun kung MINAHAL nila ako!!!

Si Daddy JUN, nang matanggal ko ang sapatos niya
at subukang tanggalin ang pantalon niya galit na galit kaagad!

Si Daddy Ben, nang pinupunasan ko siya at hinubad ang kanyang
uniporme galit na galit din siya!

GALIT na GALIT sila nang
pagHAHALIKAN ko sila!

DAPAT nga MATUWA sila sa akin!
DAHIL mahal na mahal ko sila!
DAPAT ako ang piliin nila kaysa sa mga MOMMY ko!

DAHIL AKO si CONCHITA.

AKO na magdadalawang Oras nang
Naghihintay na maiuwi ng
bagong aampon
sa akin.

Bagong Mag-asawa
Bagong Daddy!
Bagong Mahal ko!


Sana THIS TIME hindi na ako ibabalik sa AMPUNAN!

Lunes, Disyembre 19, 2011

Bilao


Nagtataka ako kung bakit napakaraming sasakyan
ng mga sundalo malapit sa aming lugar.
Ang bawat isa ay putikan at nagmamadali na magsibabaan.

Pangarap ko noon ang magsundalo.
Pangarap na hanggang ngayon ay minimithi ko.

Dinaanan lang ako ng mga sundalo,
natakot tuloy ako bigla para kina nanay at
kuya na nasa bahay. Naisip ko baka may inkwentro na naman.

Inkwentro na malimit mangyari dito sa amin sa Iligan.

Inalala ko kung ano ang nangyari kanina at bakit nandito ako ngayon sa tabi ng kalsada...

Mabilis kong nilapitan si Nanay nang makita ko siyang may bitbit na mga gulay at nakaipit sa kilikili niya ang bilaong ginagamit niya sa pagsala ng ginto sa batis.
Matagal na si nanay sa ganung uri ng trabaho.
Ilang beses na rin siyang niyakad ng mga
kapit-bahay namin na sumama na lang sa kanila na magtrabaho sa isang malaking kumpanya ng
mga minero (mining company) pero tumanggi siya.
Katwiran niya, nakakasurvive naman kami sa araw-araw
at hindi niya kailangang mangamuhan pa.

Tatlo na lang kami nina kuya at mama sa bahay
ng tiyahin ko. Si tiya ay may tindahan ng gulay sa kabihasnan at duon na siya nagpipirmi.
Si tatay ay maaga kaming iniwan.

Maaga siyang lumisan dahil sa isang aksidente.
Ang trabaho ni tatay ay kahalintulad ng kay nanay.
Ang pinagkaiba lang ay, kailangan ni tatay sumisid sa isang balon gamit lang ang isang maliit na hose at compressor para hingahan niya. Hindi alam ng mga kasamahan ni tatay na natanggal ang hose na nakakabit sa makinang nagsu-supply ng hangin. Sabi ng mga kasamahan ni tatay nagtaka na lang sila na hindi na umahon ang aking ama kaya napagdesisyunan nilang sisirin na ito.

Parang gumuho ang mundo ni Nanay nang malaman niya ang nangyari kay tatay. Hindi alam ni nanay kung papaano niya kami bubuhayin. Ako'y grade 6 pa lang at si kuya naman ay may sakit sa puso kaya kalimitan lagi lang siya nasa bahay dahil bawal na bawal sa kanya ang mapagod.

Buti na lang at kahit papaano'y nakabawi kami sa trahedya.
Walang ibang alam na pagkakitaan si nanay kundi ang paggiginto. Ayaw naman niyang mamasukan pa sa tiyahin ko dahil hindi na 'yun papayag. Manunumbat na naman iyun na libre na nga kami ng bahay pakain pa kaming lahat.

"Nasaan ang kuya mo bunso?" tanong ni nanay nang iabot niya sa akin ang bilao. "Nasa likod-bahay po at nagdo-drawing." 

Walang ibang pinaglilibangan si kuya kundi ang pagguguhit. Kahit uling at lumang karton lang ang gamit ni kuya'y napakahusay niya sa pagguhit. Ang sabi nga niya noon kay tatay at nanay gusto niyang mag-aral ng pagguguhit sa kolehiyo, binigyan ni tatay ng ngalan ang kurso iyun na "Payn Harts".

Nagpunta kami ni nanay sa likod-bahay at nakita namin si kuya na nasa kosentrasyon ng pagguhit. Napakaganda ng mga halaman na binigyan niya ng buhay at kulay sa karton.
Makulimlim na nang mga oras na iyun. Maya-maya pa'y pumatak na ang ulan. Mabilis kaming nagtakbuhan papasok sa bahay. Ang bigat ng bawat patak. Ramdam ko ang pressure ng ulan na para bang excited ang bawat isa na halikan ang lupa.

"May bagyo ngayon. At kailangan natin maghanda."
Tanging nasabi ni nanay habang inaayos niya ang mga gulay para sa pagluluto. Inutusan ako ni nanay na bumili ng kandila sa tindahan para kung sakali na magbrown-out ay mayroon kaming magagamit.

Binigyan ako ni nanay ng dos at gamit ang kanyang bilao ay rumagasa ako sa ulan. Nadaanan ko ang ilanmg kapit-bahay na abala sa pagsusugal sa isang binubungan na bakuran. Pagtapat ko sa tindahan, sinalubong ako kaagad ng nakasimangot na mukha ni Aling Berta.

"Walang utang ngayon! sabihin mo sa nanay mo 'yung bigas na kinuha nia, kailangan na niyang bayaran pambalik puhunan." 

Ngumiti na lang ako at sinabing sasabihin ko sabay abot sa pera at kinuha ang kandila. Habang naglalakad, napa-isip ako at naawa sa kalagayaan namin. Napakanegatibo naman lagi ng isip ni aling Berta akala niya lagi kaming mangungutang.

Mag-aalas otso na ng gabi, nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog, nang maulinigan kong umuungol si kuya sa tabi ko. Napabalikwas ako ng gising nang makita kong  sinusumpong siya ng sakit niya. Dali-dali kong ginising si nanay at natatarantang hinanap ang gamot ni kuya.

Napakalakas ng ulan ng oras na iyun.
Halos isayaw ng hangin ang bahay ni tiya.
Hindi namin marinig ang bawat isa dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

Napaiyak na ako nang makita kong hirap na hirap na si kuya na sapo-sapo ang kanyang dibdib.
Si nanay ay tumakbo palabas ng bahay.
Narinig ko si nanay na sumisigaw ng "Tulong."
Kinakatok niya ang bawat bahay at wala ni isa man lang ang nagbukas.

Hindi ko alam ang aking gagawin.
Napayakap na lang ako kay kuya.

Naramdaman kong hindi na siya nanginginig.
Naramdaman kong kumalma na siya habang yakap ko.

Maya-maya pa'y humahangos na dumating si nanay.
Luhaan at sinabing wala siyang mahingian ng tulong.
Ngumiti ako kay nanay at sinabing "Nay,Okay na si kuya!"

Nakita ko ang paglamlam ng mukha ni nanay
at nakita ko rin kung paano siya pumalahaw ng iyak nang
lapitan niya kami ni kuya.

Namatay si kuya habang yakap ko.
Napaiyak akong muli dahil hindi ko alam na wala na pala siyag buhay nang oras na iyun.

Yakap-yakap ni nanay si kuya, nang marinig ko ang
malakas na ingay mula sa kung saan. sumilip ako sa uwang ng aming bintana at nagilalas ako sa nakita ko.

Nakita ko kung paano lamunin ng putik ang ilang bahay mula sa amin. Nataranta ako na sumisigaw na sinabing "Bumabaha, 'Nay!"

Hindi gumagalaw si nanay at parang wala sa sarili na yakap-yakap parin si kuya. Nilapitan ko siya at niyug-yog.
Ngunit walang reaksyon.

Napakabilis ng mga pangyayari.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin ko si Nanay at si kuya.

Niyakap ko sila ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit at puno ng pagmamahal habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Ngayon nga'y nasa kalsada ako at hawak
ang bilao ni nanay. Nagtataka kung bakit maraming sundalo. Nakita ko ang isang nakauniporme na akay-akay
si Nanay. Nilapitan ko siya at naiiyak akong nagsalita "Kuya, Nanay ko siya." Niyakap ko si nanay na wala ng buhay at putikan ang buong katawan.

Hindi ko siya mayakap.
Hindi rin ako narinig ng sundalo.

Nagilalas ako ng makita ko ang sarili kong katawan
na buhat-buhat ng isa pang sundalo.

Inihiga niya ang aking katawan sa kalsada kasama ang aking Nanay at si Kuya. Kabilang rin ang aming mga kapit-bahay.

Kaming lahat ay wala ng buhay.

Nagsusumigaw ako ng "Hindi." at patuloy sa pag-iyak.
Nakita ko sa kabilang kalsada si Nanay at Kuya na kumakaway sa akin. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa kanila at muling niyakap sila ng mahigpit.


(Iniaalay ng The Harbinger ang kwentong ito sa mga nasawi sa pagragasa ng bagyong Sendong. Nawa'y tulad ng mga tauhan dito'y makamit nila ang katiwasayan sa piling ng maykapal.)


Sabado, Disyembre 17, 2011

Schizo


Puno ang dyip na aming sinakyan.
Onsehan ang pasaherong kasiya
sa magkabilang upuan.

Naiinis ako sa manong drayber dahil pilit parin siyang
nagpapasakay ng mga pasahero kahit na para kaming sardinas sa loob ng kanyang luma at karag-karag na dyipni.
 
Sa sobrang pagod ng aming ibiniyahe,
nakaidlip ako kasama ang aking bunsong anak.
Hindi biro ang mag-ikot sa buong syudad para lang hanapin ang nawawala kong tatay. Magsisitentay singko na si tatay 
at may sakit pa siyang Schizophrenia.

Madalas ko siyang sigawan noon lalo na kapag pinapakain ko siya at paglalaruan lang niya ang pagkain na pinagpaguran ko sa maghapong pagtatrabaho sa opisina.

Huli na nang malaman ko ang sakit ni tatay.
Palala na ito at napakabilis ng kanyang pagbabago.

Isang beses, nakita ko siyang kumakain ng almusal.
Inaya niya akong kumain pero tumanggi ako kasi
ang balak ko ay sa opisina na lang mag almusal.
Nakahanda na ang lahat ng gagamitin kong working papers
at presentation na iprepresent ko sa aking boss.
Lahat ng iyun ay maayos na nakasalansan sa aking bag.

Handa na akong umalis ng bahay nang maalala kong naiwan ko ang aking i.d sa kwarto. Tinawag ko ang aking kasambahay ngunit hindi siya sumagot
kaya nagmamadali akong umakyat.

Nasa bungaran na ako ng aming hagdan pababa
nang maulinigan ko si tatay na nagsasalita.
Mabilis akong pumanaog para alamin kung sino ang bisita.
Nagulat ako nang makita ko si tatay na nakadapa sa sala at
ginuguhitan ang mga presentation papers ko para sa aking boss.

Natakot ako.
Takot hindi para kay tatay kundi para sa akin. Sa aking anak.

Ang una kong naisip kaagad ay lumuwag ang tornilyo ni tatay.
Galit ako nang mga oras na 'yun. Hindi kami kahit kailan naging close kaya madali para sa akin
ang sigaw-sigawan siya.

Ang katwiran ko noon,

"HINDI naman SIYA ang NAGPALAKI at
NAGPAARAL sa akin."

Maraming mga pangyayari ang hindi ko malilimutan.
Mga nakakahiyang pangyayari kung paano ko sigawan at minsan ay saktan si tatay. Kahit isinet ko na sa aking sarili na dapat intindihin siya ay may mga pagkakataon paring HINDI ko siya MAINTINDIHAN.

Sabi nga ng aking matalik na kaibigan na SAKSI kung paano
kami pinabayaan at inabandona noon ni tatay, nang ibahay niya ang kanyang kalaguyo, "MASWERTE pa ang tatay mo dahil kinupkop mo siya."

MAHAL na MAHAL ko si tatay. SABIK ako sa kanya.
Lagi akong naghihimanhinasyon na kapiling namin siya at masaya ang buong pamilya.

Napatawad ko na si tatay noon pa. Pero aaminin ko,
may kirot parin sa pagkatao ko kapag naaalala ko ang
mga maling nagawa niya noo.

Ang huli kong "galit" kay tatay bago siya mawala ay nang
iniwan ko siyang nanonood ng T.V kasama ang aking anak na babae.

Matino si tatay nang mga oras na 'yun. Kilala niya ako.
Kilala niya ang apo niya. Kinausap ko si inday na bantayan sina tatay at ang bata dahil kasalukuyan kong tinatapos ang report ko.

Nasa konsentrasyon ako sa paggawa nang marinig ko
ang pagpalahaw ng aking anak. Nagmamadali akong nagtungo sa sala at nagilalas ako nang makita ko si
tatay na pinapalo ng remote control ng TV ang aking anak.
Sumisigaw siya na inagaw raw ng anak ko ang dede na para sa kanya. Mabilis kong kinuha ang aking anak. 
Galit na galit ako na pati ang kasambahay ko ay pinalayas ko.

Sa galit at bigla ko sa nakita,
pinalo ko si tatay sa ulo ng walis tambo
at nagsisigaw ako ng "LUMAYAS KA! LAYAS!"
Nagmamadaling lumabas ng bahay si tatay at bakas sa mukha niya ang takot.

Napasinghap ako sa GULAT nang may isang matandang lalaki ang nagpunas sa sapatos ko. Mahaba-haba rin pala ang idlip ko at may luha sa gilid ng aking mga mata.

Nakaluhod ang matanda sa paanan ko at nakatungo sa akin.
Naalala ko si tatay at nahiling ko na sana makita ko na siya.
At mapatawad niya ako.

Binigyan ko ang matanda ng 50.00 pesos.
Bumakas sa mukha niya ang sobrang tuwa.

Nakababa na kami ng aking anak sa Quiapo,
nagbabakasakaling makita roon si tatay na palaboy-laboy.

Nasa gilid kami ng simbahan nang may isang katandaang lalaki ang humila ng aking bag. Mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko magawang habulin ang snatcher dahil baka mawala
ko naman ang aking anak.

Namukhaan ko ang matanda.
Siya ang matandang nagpunas ng sapatos ko sa dyip
at binigyan ng pera.

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari.

LALO na nang mahilo ako at magsisigaw na
inagaw ng lalaki ang aking LARUAN.

Naglulupasay ako sa Quiapo at isinisigaw ang

Pangalan ng aking TATAY.
Pangalan ng aking ANAK at
Pangalan ng aking Matalik na KAIBIGAN.

Lahat ng tao ay sa akin
NAKATINGIN.

Bakas ang AWA at TAKOT
sa kanilang mukha.

AWA at TAKOT sa AKIN.