Dearest The Harbinger Diary,
Hi there! :) Probably you are thinking now why the hell I send you this letter. Of all blog sites that claiming they are the right people who can solve or somehow give a remedy to someone's heart problem bakit sa'yo pa ako nagsulat? Kahit ako di ko rin alam. :) Siguro dahil I just felt na someone from your group can understand and genuinely sympathize with me . Nakakatawa. When I first saw your blog and being asked by a common friend to like its FB Fan Page I could not help myself to visit it and read some morbid stories. Yes. Morbid. Funny right?! A morbid someone like me chooses to be advised by a morbid someone/s like you. :) But kidding aside, I believe you can help me with this sort of dilemma that I have. Here's the story.
Last three weeks my auntie from Quezon asked me to go with her kasi graduation sa college ng isa sa mga pinsan ko. Hindi ako tumanggi kasi bakasyon ko na rin naman (I was on leave that time from work. Btw, I am a call center agent.) Matagal na panahon ko na ring huling nakita ang mga pinsan ko sa Quezon. Nasabi ko nga sa auntie ko na baka hindi ko na sila mamukhaan or equally hindi rin nila ako makilala dahil sa tagal namin hindi nagkakasama. Would you believe na ang mga pinsan ko ay hindi ko friends sa Facebook?! At wala ni isa man sa amin na magattempt na i-add ang isa't isa. Siguro dahil hindi naman talaga kami close kahit noon pa. Naalala ko noong mga bata pa lang kami, kaya lang ako nakakasama sa laro nila dahil wala kaming choice! It was either pinilit sila ng auntie ko na kalaruin ako or pinilit ako ng tatay ko na makihalubilo sa kanila. Mayroon akong limang pinsan at lahat sila ay close sa isa't isa. AKO LANG ANG WALANG KA-CLOSE dahil tingin ko sa kanila ay mga maldita at suplado. Naiisip ko nga bakit kaya ayaw nila sa akin eh hindi naman masama ang ugali ko.
Noong magpasya ang parents ko na sa Manila na kami titira sobrang naging masaya ako dahil naisip ko sa wakas magkakaroon na ako ng masasabi kong circle of friends. Pero hindi ganun ang nangyari. Lumaki akong mag-isa at mas pinipiling maging-isa sa lahat ng bagay. Nang makatapos ako ng College sa kursong Medical Representative sa kilalang unibersidad mas pinili kong maging call center agent dahil mataas ang sweldo. Sa linya ng trabaho ko, kami yung mas kilala bilang bat-workers. Kasi nga naman gising na gising kami sa gabi at tulog kami sa umaga. Hindi ko mabilang kung ilang lalaki ang dumaan sa buhay ko PERO wala pa akong naging OFFICIAL BOY FRIEND. Dahil marahil sa kakahanap ko ng Mr. Right Man para sa akin 'ayun naging BIGO ako. Ang hinahanap ko kasi 'yung tipong boyfriend mo na, bestfriend mo pa. Sa totoo lang, hindi rin ako nagkaroon ng bestfriend kahit nung college. Kaya siguro sabik ako sa matino at seryosong kaibigan. 'Yung tipong hindi ako iiwan. Kaya 'yun ang pamantayan ko sa magiging bf ko.
Pero nag-iba mula nang makilala ko si Archie. Isa rin siyang call center agent. Lasing na lasing ako isang gabi mula sa birthday ng ka-officemate ko (Napilitan lang akong sumama kasi katrabaho ko.) Nang pumasok ako sa C.R para sumuka. Nagulat ako nang may lalaking nagbukas ng cubicle kung saan ako naroon. Walang kaabog-abog ay sinampal ko siya ng malakas. Nabigla na lang ako nang siilin niya ako kaagad ng halik. Hindi na ako nakapumiglas dahil hilong hilo ako dala ng kalasingan at marahil nagustuhan ko rin naman. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako kinabukasan na nakahiga sa kamang hindi pamilyar sa akin at wala na akong saplot.
Doon nagsimula ang relasyon namin ni Archie. Noong una hindi ko masabing relasyon talaga na purong pagmamahal ang umiikot sa amin dahil nagiging magkasama lang kami kapag kailangan namin ang init ng isa't isa. Hanggang sa maramdaman ko na lang na MAHAL ko na ang MOKONG! Pero nakakalungkot dahil wala akong alam na kahit na katiting na detalya tungkol sa PRIVATE LIFE niya. Ganoon din siya sa akin. Hindi ko nga alam tlaga kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Dahil natatakot akong magtanong. Lalo pa't nalaman ko na 3 weeks na akong nagdadalang-tao. OPO. NABUNTIS ako.
Sinabi ko sa sarili ko na ipagtatapat ko kay Archie pagkabalik na pagkabalik ko galing Quezon. Sinubukan kong sabihin sa kanya dalawang araw bago ang byahe ko pero naramdaman ko kaagad na parang wala siyang interest na makinig kaya hindi ko na lang ipinagtapat hanggang ang gabi na nilaan ko ng pagtatapat sa kanya ay nauwi na naman sa sex.
Bago kami bumiyahe ng auntie ko pa- Quezon nakarecieved ako ng text kay Archie at halos gusto kong lumundag sa sobrang tuwa! Nang mabasa ko na MAHAL niya raw AKO! at aayusin daw namin ang aming relasyon pag-uwi niya galing probinsya. Nagtextback ako sa kanya agad-agad. Sinabi ko na MAHAL na MAHAL ko rin siya! at sinabing pauwi rin ako ng probinsya ko. Hindi siya nagreply kaagad kaya tinawagan ko siya. Hindi na nagriring ang cellphone niya. Naisaloob ko baka Lowbat.
Nang mmakarating kami ng Quezon hindi ako nakaramdam ng excitement na makita ang mg pinsan ko. Bitter nga siguro ako dahil sa tuwing iisipin ko sila'y naaalala ko ang mga pagmamaramot nila sa akin noong mga bata pa kami. Alam kong mali pero masisisi mo ba ako?
Tuwang-tuwa ang isa kong auntie (Ang auntie na kasama ko ay panganay na kapatid ng tatay ko, ang aunting sumalubong sa amin ay ang kanilang bunsong kapatid.) nang makita ako. Matagal narin kaming hindi nagkita. Huling pagkikita namin ay sa libing pa ng tatay ko mga tatlong taon na ang nakaraan.
Marami ang handa nang araw na 'yun dahil inaasahang marami ang magiging bisita nila. Tama ako. Hindi nga kami nagkakilalanan ng mga pinsan ko. Nang ipakilala kami tango lang ang naging tugon namin sa isa't isa. Ni wala ngang bumeso sa akin. Nagtaka ako kung bakit apat pa lang ang nakita at na-meet ko. Iniisip ko siguro'y nagasawa na si Estoy. Hindi ako tinantanan ng curiosity ko kaya tinanong ko ang auntie ko.
"Wala nasa Manila narin nagpirmi! Nako, maloko yaong batang 'yon! Maraming naging girlfriend pero walang tinagalan."
Tinanong ko pa siya kung hindi ba uuwi dahil graduation ng kapatid niya. Sinabi ni auntie na uuwi nga raw pero hindi niya alam kung anong oras makakarating. Natuwa ako kay auntie lalo na nang ipakita niya sa akin ang photo album ng pamilya nila. Wala sa loob ko na nabitawan ko ang baso at nabasag sa sahig. 'Ni hindi ko rin naramdaman ang bubog na tumalsik sa paanan ko. Nagulat ang lahat nang nasa sala pero ako parang wala parin sa sarili na tinitigan ang mga litrato.
Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko lalo na nang kumpirmahin ni auntie na si Estoy ay si Archie Mendoza. Oo. Si Archie na ama ng dinadala ko ngayon. Si Archie na Kaunaunahang lalaking lubos kong minahal ay si Estoy na pinsan ko.
Dali-Dali akong lumabas sa bahay ng auntie ko at nagsabi sa kanila na may emergency kong tawag sa trabaho. Bumalik ako kaagad ng Manila nang oras na 'yun. Ngayon nga'y magiisang linggo na akong kinokontak ni Archie. Hinahanap sa mga katrabaho ko. Sa lahat ng mga common acquaintances namin. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang totoo.
Ano po ang dapat kong gawin? Sana po mabigyan niyo ako ng advice na makakatulong sa akin. Paki-publish niyo rin po ang letter ko na ito sa inyong blog para SANA dito na lang malaman ni Archie ang katotohanan. Dahil takot akong magsabi sa pamilya ko. Takot akong itakwil. Takot akong ipagtabuyan. At takong akong personal na na talikuran ni Archie. Ang kaisa-isa lalaking minahal ko.
Pakikontak po ako sa number na ito 0926@$#$%#& o sa email address na ginamit ko. Maraming salamat The Harbinger Diary. Godbless and More power!
Sincerely,
Ria Cruz
1 (mga) komento:
Bilang Archie : Kung disesyon ko ang masusunod mas gusto ko na Tanggapin ang katotohanan then kausapin ang buong Family . Wala naman kaming puwang ng Girl eh
Alam kong kasalanan yun pero papanindigan ko na lang
Tapos sa lahat ng Rumors o echosero at echosera diyan papaliwanag ko kung ano nangyari para wala silang masabi .
First Love ko yun eh at mahal ko
Kung maisip man nilang ipalaglag mas magiging makasalan kami . Diba!?
Acceptance is one of the things one individual must undergoes kesa naman sa maging loner yung Girl Forever :)
Sa sarili kong kwento : Muntikan na ako mag ka GF ng Cousin ko nung nangligaw ako kinabukasan dapat sasagutin niya na ako . That Night nakwento ako ng Cousin ko sa Lola niya ka ( 2nd Cousin ko siya sa pagkakaalam ko )then doon niya na rin nalaman na Cousin ko siya . Ilang araw siya di nagparamdam kaya nalungkot ako tapos nag Message siya sakin sa FB na Cousin ko nga siya at with Sorry =)) Kaya OK na ako .
I Hope na makatulong kay Ria Cruz to :)
Mag-post ng isang Komento