NGINITIAN niya ako.
NAPAKATAMIS na ngiti.
Ngiting tila'y NAG-UUDYOK sa kahit kanino na tugunin ito.
Isa siya sa maituturing na MAHUSAY sa klase-
WALANG DUDA , kung bakit siya nakakakuha ng
MATAAS na GRADO sa lahat ng asignatura.
Masasabi kong may kaGANDAhang pisikal siyang taglay na wala ang iba.
Ang kayumangging balat ang nagbibigay dan upang MAIHANAY siya
sa ibang antas ng kagandahan- EXOTIC BEAUTY, ika nga ng iba.
Mahusay rin siyang makisama.
Datapwa't may ilan na siyang hindi nakasundo sa klase at lantarang nakakasaguta'y
HINDI NAGBAGO ang pagtingin ko sa kanya.
BUKAS ako sa PAGSASABI na kabilang ako sa mga HUMAHANGA sa kanya.
KABILANG ako sa mga kaibigan niyang may positibong paghanga.
Isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa mga PANGIT na KOMENTO patungkol sa kanya.
Isa ako sa mga taong nagsasabing napaka-SINCERE, TAPAT at TOTOO niyang KAIBIGAN.
.Pero, DATI na iyun.
Dahil sa paglipas ng PANAHON,
Unti-unti ko siyang nakilala.
Ang TAONG AKALA ko ay KILALA ko na AY HINDI pa PALA.
Sa mga panahon na nakasama ko siya,
nakita ko kung PAANO siya nagta-TRANSFORM.
TAMA, TRANSFORMATION!
NAG BABAGONG ANYO- HINDI LITERAL
na panlabas na kaanyuan.
Katangiang mas malalim pa roon.
TINALO pa niya si GREGOR SAMSA na pangunahing tauhan sa novella ni KAFKA na METAMORPHOSIS.
Hindi ko inaasahan na ang kanya palang NGITI na ipinamamahagi sa karaihan
ay isa lamang PEKENG pakitang BAIT sa amin.
Nakita ko kung paano niya ako NGITIAN.
NAPAKATAMIS ngunit nakita ko rin kung paano siya SUMIMANGOT,
Nag MAKE-FACE at Nagsalita pagkaTALIKOD niya.
Noong una'y akala ko'y hindi lang maganda ang MOOD niya.
Kaya't pinagwalang bahala ko iyun.
Ngunit ng lumaon ay napatunayan ko na ito'y
SANGKAP na ng kanyang PERSONALIDAD.
MONALISA SMILE, iyan ang tamang pagpapangalan
sa kanyang NGITI. Ngiti na kay gandang pagmasdan.
Ngunit ito rin ay puno ng HIWAGA at PAGKUKUNWARI.
PAGKUKUNWARIng IGIGIYA ang sinoman sa paniniwalang
napakaTOTOO ng kanyang pagpapahiwatig.
Ang kanyang NGITI ay tila may kalakasang MAGPAIKOT ng iba.
NGITI na tila PINALASTER na ng PANAHON.
Na kailanman, na kung may dumating pa sa kanyang BAGONG kaibigan
ay HINDI na MABABAGO 'yun.
SAPAGKAT ang MONA LISA SMILE niyang TAGLAY,
ay tila IGINUHIT ng isang MAHUSAY sa PAGBABALAT-KAYONG PINTOR
na NGUMINGISI at NAGSASABING,
"GANYAN, TAMA 'YAN.
PANIWALAIN MO SILANG GUSTO AT
KINAGIGILIWAN MO SILA."
(kinikilala ng akosimc@blogspot.com ang Google
bilang pangunahing SOURCE ng mga imahe.)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento