kung hindi kita mahal bakit nga ba ganito? kung hindi ito pag-ibig bakit tila magulo?
kung ang tunay na ligaya sa pag-ibig makikita bakit bawat araw ay mapait? bakit tuwing ngingiti ay masakit?
kung ang puso nga ay di nakadarama bakit bawat pagpintig ay siya ring pagluha? kung ang utak kayang diktahan ang puso bakit ang pag-ibig ko alay pa din sayo?
bakit nga ba sa tamang oras ngunit sa maling pagkakataon? bakit nga ba sa tamang tao ngunit sa maling panahon?
kung hindi kita iniibig bakit kay sakit ng nadarama? kung hindi kita mahal bakit ako nasasaktan?
kung kaya kitang kalimutan paano nga ba gagawin? kung kaya kang talikuran tanggap na rin ba ang kamatayan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento