Sabado, Disyembre 17, 2011
Schizo
5:12 AM
3 comments
Puno ang dyip na aming sinakyan.
Onsehan ang pasaherong kasiya
sa magkabilang upuan.
Naiinis ako sa manong drayber dahil pilit parin siyang
nagpapasakay ng mga pasahero kahit na para kaming sardinas sa loob ng kanyang luma at karag-karag na dyipni.
Sa sobrang pagod ng aming ibiniyahe,
nakaidlip ako kasama ang aking bunsong anak.
Hindi biro ang mag-ikot sa buong syudad para lang hanapin ang nawawala kong tatay. Magsisitentay singko na si tatay
at may sakit pa siyang Schizophrenia.
Madalas ko siyang sigawan noon lalo na kapag pinapakain ko siya at paglalaruan lang niya ang pagkain na pinagpaguran ko sa maghapong pagtatrabaho sa opisina.
Huli na nang malaman ko ang sakit ni tatay.
Palala na ito at napakabilis ng kanyang pagbabago.
Isang beses, nakita ko siyang kumakain ng almusal.
Inaya niya akong kumain pero tumanggi ako kasi
ang balak ko ay sa opisina na lang mag almusal.
Nakahanda na ang lahat ng gagamitin kong working papers
at presentation na iprepresent ko sa aking boss.
Lahat ng iyun ay maayos na nakasalansan sa aking bag.
Handa na akong umalis ng bahay nang maalala kong naiwan ko ang aking i.d sa kwarto. Tinawag ko ang aking kasambahay ngunit hindi siya sumagot
kaya nagmamadali akong umakyat.
Nasa bungaran na ako ng aming hagdan pababa
nang maulinigan ko si tatay na nagsasalita.
Mabilis akong pumanaog para alamin kung sino ang bisita.
Nagulat ako nang makita ko si tatay na nakadapa sa sala at
ginuguhitan ang mga presentation papers ko para sa aking boss.
Natakot ako.
Takot hindi para kay tatay kundi para sa akin. Sa aking anak.
Ang una kong naisip kaagad ay lumuwag ang tornilyo ni tatay.
Galit ako nang mga oras na 'yun. Hindi kami kahit kailan naging close kaya madali para sa akin
ang sigaw-sigawan siya.
Ang katwiran ko noon,
"HINDI naman SIYA ang NAGPALAKI at
NAGPAARAL sa akin."
Maraming mga pangyayari ang hindi ko malilimutan.
Mga nakakahiyang pangyayari kung paano ko sigawan at minsan ay saktan si tatay. Kahit isinet ko na sa aking sarili na dapat intindihin siya ay may mga pagkakataon paring HINDI ko siya MAINTINDIHAN.
Sabi nga ng aking matalik na kaibigan na SAKSI kung paano
kami pinabayaan at inabandona noon ni tatay, nang ibahay niya ang kanyang kalaguyo, "MASWERTE pa ang tatay mo dahil kinupkop mo siya."
MAHAL na MAHAL ko si tatay. SABIK ako sa kanya.
Lagi akong naghihimanhinasyon na kapiling namin siya at masaya ang buong pamilya.
Napatawad ko na si tatay noon pa. Pero aaminin ko,
may kirot parin sa pagkatao ko kapag naaalala ko ang
mga maling nagawa niya noo.
Ang huli kong "galit" kay tatay bago siya mawala ay nang
iniwan ko siyang nanonood ng T.V kasama ang aking anak na babae.
Matino si tatay nang mga oras na 'yun. Kilala niya ako.
Kilala niya ang apo niya. Kinausap ko si inday na bantayan sina tatay at ang bata dahil kasalukuyan kong tinatapos ang report ko.
Nasa konsentrasyon ako sa paggawa nang marinig ko
ang pagpalahaw ng aking anak. Nagmamadali akong nagtungo sa sala at nagilalas ako nang makita ko si
tatay na pinapalo ng remote control ng TV ang aking anak.
Sumisigaw siya na inagaw raw ng anak ko ang dede na para sa kanya. Mabilis kong kinuha ang aking anak.
Sa galit at bigla ko sa nakita,
pinalo ko si tatay sa ulo ng walis tambo
at nagsisigaw ako ng "LUMAYAS KA! LAYAS!"
Nagmamadaling lumabas ng bahay si tatay at bakas sa mukha niya ang takot.
Napasinghap ako sa GULAT nang may isang matandang lalaki ang nagpunas sa sapatos ko. Mahaba-haba rin pala ang idlip ko at may luha sa gilid ng aking mga mata.
Nakaluhod ang matanda sa paanan ko at nakatungo sa akin.
Naalala ko si tatay at nahiling ko na sana makita ko na siya.
At mapatawad niya ako.
Binigyan ko ang matanda ng 50.00 pesos.
Bumakas sa mukha niya ang sobrang tuwa.
Nakababa na kami ng aking anak sa Quiapo,
nagbabakasakaling makita roon si tatay na palaboy-laboy.
Nasa gilid kami ng simbahan nang may isang katandaang lalaki ang humila ng aking bag. Mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko magawang habulin ang snatcher dahil baka mawala
ko naman ang aking anak.
Namukhaan ko ang matanda.
Siya ang matandang nagpunas ng sapatos ko sa dyip
at binigyan ng pera.
Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari.
LALO na nang mahilo ako at magsisigaw na
inagaw ng lalaki ang aking LARUAN.
Naglulupasay ako sa Quiapo at isinisigaw ang
Pangalan ng aking TATAY.
Pangalan ng aking ANAK at
Pangalan ng aking Matalik na KAIBIGAN.
Lahat ng tao ay sa akin
NAKATINGIN.
Bakas ang AWA at TAKOT
sa kanilang mukha.
AWA at TAKOT sa AKIN.
EH kasi BAKTA
1:50 AM
3 comments
"Bilis!"
Habol ko ang aking hininga habang patuloy sa pagtakbo.
"Teka naman. Parang hinahabol naman tayo ng kidnaper!" Bulaslas KO pagkahinto na tila lawit na ang dila sa pagod.
"Sus! sige ka kung nakita tayo ni Mang Elmo paniguradong
dadapa ka na naman at may latay 'yang p'wet mo ng sinturon." wika NIYA.
Napangiti AKO.
Tama nga naman SIYA.
Minsan talaga nakakatuwa na kasama SIYA kasi kahit
mali-mali 'tong kaibigan KO na 'to, maaasahan din.
"Paano na ngayon? Saan tayo pupuwesto?"
"Hmmm. Di na tayo pede run. Kasi panigurado nandun na si tatay MO."
"Kaya nga..." Nag-isip muna AKO bago nagpatuloy. "ah! dun sa silong! Tama! Doon tayo sa silong ni Ka Berting!"
Napasimangot na naman Siya bago sumagot sa kaibigan.
"Doon na naman! Ang init-init doon! 'tsaka hindi naman ako makarampa ng maayos doon eh."
"Eh saan mo gusto? Hindi naman pwede na dun tayo sa balkonahe ni nene."
"Sabagay. kasi noong last time NATIN doon. Inaway lang NIYA tayo."
"Kaya nga eh. Kaya 'wag kang choosy. Doon na. okay?"
Nagkasundo KAMI.
Mainit.
Madilim.
Maalingasan.
Malupa.
Marumi.
Sumalampak AKO ng upo sa lupa. Mabuti na lang at hindi
umulan kagabi. Dahil kung nagkataon, paniguradong maputik ngayon.
"AY nako. Hindi ka na naman nag-iisip." maarte NIYANG sabi.
"Oh, bakit na naman?" Takang tanong ko.
"Tingnan mo nga 'yang inupuan mo, MARUMI. MALUPA.
Hindi mo man lang ginamit 'yang magasin sa BAG!" may inis niyang tugon.
Mabilis kong binuksan ang lumang Bayong ni nanay.
Inilabas ang lumang magasin na napulot ko sa basurahan.
"Sayang naman kasi kung ipangsasapin lang ito." May panghihinayang kong sabi.
Lumabi lang SIYA at hindi na nagsalita.
Umupo siya sa tapat ko.
Sa LUPA na kanina'y sinasabi niyang MARUMI.
Tumitig siya sa akin.
Hinawakan ang aking kamay.
Ramdam ko ang GASPANG ng kanyang palad.
"Oh, bakit?" Takang tanong ko.
Umiwas siya ng tingin.
Gumawi ang tingin niya sa grupo ng ilang kabataan na tanaw mula sa silong.
Sa GRUPONG iyon, walang nakakaalam na DITO KAMI kalimitan naglalaro.
Ang silong ay karaniwang tambakan ng lumang kahon
at kahoy na panggatong ni Ka Berting.
"Ang saya nila no." Tila may inggit sa boses niya nang sabihin niya iyon.
Ngumiti na lang ako para kahit paano'y gumaan ang lungkot niya.
"MASAYA rin naman TAYO diba?!" Tanging naisagot ko.
Sinadya kong hindi UMOO dahil para sa AKIN
hindi naman sila TOTOOng MASAYA.
Dahil para sa AKIN, kailanman HINDI sila NAGING MASAYA.
"Oo naman! Masaya Tayo. MASAYA ako na ikaw ang KALARO at KASAMA ko,"
Napangiti ako. Dahil akala ko'y hindi na SIYA masaya na KASAMA AKO.
"O' sige na iaayos mo na 'yang gagamitin natin." pag-iiba ko ng topic.
Siya na mismo ang nagbukas ng bayong at isinaayos ang AMING mga laruan.
Inilagay niya sa gilid ang sapatos na mayroong 3pulgadang taas na takong.
"O' bakit itinabi mo 'yan?"
"Hindi naman natin ito magagamit. Paniguradong MAUUNTOG tayo."
Napatingin ako sa SAHIG na nagsisilbing KISAMI ng silong.
Silong na Nagsisilbing LUGAR na MALAYA para sa AMIN.
Pero HINDI pala TALAGA MALAYA.
Dahil kahit dito sa SILONG na PINANINIWALAAN
naming MALAYANG LUGAR ay HINDI rin PALA.
LUGAR na kailanman
HINDI magiging MALAYA...
para sa AKIN.
para sa KANYA.
para sa AMIN.
Wala sa intensyon kong pumatak ang aking LUHA.
Naramdaman ko na lang ang KAMAY NIYA na pinunasan ang aking pisngi.
Pisngi na naging SAKSI sa hindi pagkakapantay ng MUNDO.
Mundo KO.
Mundo NIYA.
Mundo NAMIN.
Mundo NATIN.
"Oh. Umiyak ka na naman. Tahan na. Ganito talaga ang BUHAY NATIN."
Muli akong tumingin sa kanya.
Maya-maya ay NGUMITI.
"SALAMAT ha. SALAMAT at NANDITO KA.
SALAMAT dahil KAIBIGAN KITA."
Niyakap niya ako.
MAINIT.
MAHIGPIT.
mayroong PAGMAMAHAL.
mayroong LAYA.
Nasa ganoon kaming SITWASYON
nang biglang SUMILIP si Ka Berting...
"YAKAP mo na naman ang SARILI mo. BATANG BAKLA!"
Martes, Disyembre 13, 2011
PANTASYA
12:47 AM
No comments
"Napakaganda. Napakaseksi."Ito ang mga nasabi ko kay Edmund habang pinagmamasdan ang magandang kurba ni Ysa at ang bawat pag-indayog ng kanyang balakang.
Pinilit kong huminahon dahil paniguradong susumpungin na naman ako ng sakit ko.
Napamura si Edmund sabay tapik sa balikat ko.
"Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Ysa?!
Kahit sinong lalaki ay MAGLALAWAY sa kanya.
Kung hindi nga lang MASAMA ang mang-RAPE, ni-RAPE ko na 'yan eh."
Napatawa ako.
Kabilang si Edmund sa mga nag-iilusyon sa napakagandang babae.
Sa doseng binata sa dorm namin, labing isa ang naghangad na ligawan sya.
'Ni isa walang PUMASA sa mataas na STANDARDS ng seksing bebot.
"Nagtataka ako sayo 'tol. Bakit hindi mo niligawan si Ysa, kung nagagandahan at naseseksihan ka sa kanya?" Sabay buga ng usok a mula sa hinithit na sigarilyo.
Hindi ko nagawang sumagot kaagad.
Masaya kong tinitigan si Ysa habang sumasakay sa taksing
pinara niya sa tapat ng dormitoryo nila.
"Hoy, 'tol. Nakikinig ka ba?!" Pag-ulit niya.
Lumunok ako bago tumugon.
"Gusto ko kasing mas KILALANIN pa siya. Gusto ko
;yung tipong HINDI MINAMADALI ang LAHAT.
NANINIWALA kasi ako sa kasabihang TRUE LOVE WAITS."
Tumawa si Edmund at tumayo sa harap ko.
"OGAG! Hindi na uso 'yan. KALOKOHAN! Ang sabihin mo
BAKLA KA TALAGA. at TOTOO ang mga sinasabi ng
BARKADA kung bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend! "
Napalunok ulit ako.
Muling hindi kaagad nakasagot
Lalo na nang KUMINDATsi Edmund sa akin.
Walang hindi sasang-ayon sa akin na GWAPO si
Edmund at maganda ang KATAWAN.
Hindi na rin mabilang kung ilang babae na ba ang napaIYAK niya at naiKAMA.
Hindi ko namalayan ang mga pangyayari
nagulat na lang ako nang magkalapit na ang mga
mukha namin at ang labi niya'y may LANDI sa pagngiti.
Palapit siya nang Palapit.
Maya-maya'y BUMUGA siya ng usok sa mukha ko at sabay sabing,
"BAKLA KA NGA. BAKLA"
Naiwan ako mag-isa.
Hindi ko magawang mapangiti sa mga nangyari
at ang tanging nasambit ko ay, "NICE."
NICE, hindi dahil gusto ko ang mga nangyari. Kundi'y dahil
ito ang naaayon na sa gusto kong mangyari.
Para sa akin MAGKAIBA iyon.
Mag-aalas dose na nang makaramdam ako ng gutom.
Bumaba ako sa sala patungong kusina.
Hindi ko inaasahan na madadatnan ko ang aming kahera
na may kausap sa telepono.
"Sus. Lahat na ata ng boarders mo ay nanakawan na ng panti at bra!
Dapat sa manyakis na gumagawa niyan ay ikulong at putulan ng ari
bago pa makapang-rape yang mga 'yan." May inis sa boses ng matandang dalaga.
"Nako. kahit ako'y hindi nakaligtas sa manyakol na'yun. Aba 'ey tatlong panti ko na ang nawawala at dalawang bra." patuloy pa nito
Pinipigilan ko ang aking sarili na matawa at mandiri.
Sa tanda ba naman ni Aling Anita'y may nagnanasa pa rito.
Nanginig ang ulo ko at nagsusumigaw ang isip ko ng salitang "YUCK!"
Pabalik na ako ng kuwarto nang makitya kong bukas ang
pinto nina Edmund at room mate nitong si Russel.
Naalala ko na wala ang huli dahil umuwi ito ng probinsya.
Dahan-dahan akong sumilip sa bukas na pintuan at kahit
may kadiliman ay naaaninag ko si Edmund na may ginagawang MILAGRO.
Nakatakip ang kanyang mukha ng isang maikling saplot.
Hindi niya namalayan ang pagpasok ko.
Pinagmasdan ko siya at pinakinggan ang bawat
UNGOL na namutawi mula sa kanya.
Alam kong pawis na pawis siya at nasa pokus kaya sinamantala ko ang pagkakataon.
Nasa aking kuwarto na ako nang marinig ko ang galit na boses ni Aling Nita.
"Hayoooop ka!
Ipapakulong kita!
Manyakis ka!"
Nang lumabas na ako ng kuwarto ay hawak na si Edmund ng baranggay tanod.
Walang pagtataka akong lumapit sa mga ka-doormates ko.
"Sira-ulo ka. Ikaw pala ang manyakis at taga-nakaw ng mga panti.
Pati kami muntik nang mapagbintangan. "
Magsasalita pa sana si Edmund nang isang malakas na suntok
ang tumama sa nguso niya galing sa kasamahan namin sa dormitory.
Galit na galit ang mga kababaihan sa lugar namin.
Galit na galit ang lahat lalo na ang aming kahera.
NAPANGITI AKO :)
Tahimik akong pumasok sa aking kuwarto,
Nagtungo sa banyo bitbit ang aking KAHON at
MASAYANG inamoy-amoy ang laman niyon.
Mga LAMAN na PANIGURADONG hinahanap na
ng mga MAY-ARI nito.
Mga may-ARING
MAGAGANDA,
SEKSI AT
MABABANGO.
Lunes, Disyembre 12, 2011
LIMANG (5) PARAAN UPANG MAPATAWAD ANG DATING MATALIK NA KAIBIGAN
5:44 AM
2 comments
BABALA: Kapag Sinunod ang mga ito'y HUWAG
akong SISIHIN sa magiging resulta dahil
HINDI KO SINABING ISABUHAY ito.
HINDI KO SINABING ISABUHAY ito.
1. IWASANG KAININ O INUMIN ANG MGA NAKASANAYANG PAGKAIN NA DATI AY PINAGSASALUHAN NINYONG MAGKAIBIGAN.
Paliwanag:
Dahil sa patuloy mong pagtangkilik sa mga pagkaing ito, maaalala mo lang 'yung mga panahon na kasama mo siya. Mabibigyan ka lang nito ng NEGTIBONG pakiramdaman dahil kung BITTER ka pa rin MAS MAAALALA mo ang mga dahilan kung bakit kayo nagkagalit kaysa sa mga panahong masaya kayong magkasama.
2.HUWAG KAUSAPIN ANG MGA TAONG MAY KAUGNAYAN SA INYONG DALAWA.
Paliwanag:
Kung ipagpapatuloy ang pakikipagkaibigan o pakikipag-UGNAYAN sa mga taong may kinalaman sa inyo'y paniguradong MAGAGALIT ka lang sa mga masasabi niya sa'yo na MULA sa "DATI" mong "BESTFRIEND".
Halimbawa:
SIYA: Oh, kumusta ka naman? Ang tagal kitang
hindi nakakwentuhan ah!
IKAW: Naku, pasensya ka na. Naging sobrang busy
lang kasi sunud-sunod ang mga projects sa school eh.
SIYA: OWS?! Hindi nga? Parang hindi naman!
Ang sabi ni (PANGALAN NG DATI MONG BESTFRIEND) paraan mo ng PAGSISINUNGALING 'yan para matago ang tunay mong dahilan.
IKAW: (Hindi ka makakapagsalita dahil sa inis. mapapakagat labi ka na lang at magmumura na sarado ang bibig.)
3.HUWAG PUNTAHAN ANG MGA LUGAR NA DATI'Y KINAGIGILIWAN NINYONG DALAWA.
Paliwanag:
Sa palagiang pagpunta sa mga lugar na kinagiliwan ninyo noon, ay ang paggunita sa mga pangyayaring paniguradong KAIINISAN mo NGAYON. Dahil sa lugar na iyun, ay nakabuo kayo ng magagandang alaala sa isa't isa at sa PAGBABALIK-TANAW na ito'y paniguradong papasok sa isipan mo na IKAW ang BIKTIMA sa mga HUWAD niyang PAKITANG-BAIT sa'yo kaya't lalo ka lang MAIINIS.
4.ITIGIL ANG PAGGAWA NG MGA NAKASANAYANG GAWAIN NOONG KASAMA PA ANG IYONG "bff".
Paliwanag:
Ang mga gawain o aktibidad na nakasanayang mong gawin kapiling ang
"DATI" mong kaibigan ay magbubusod lamang sayo ng
PIGHATI: PISIKAL at EMOSYONAL.
Halimbawa:
Nakasanayan ninyo (w/ former bff) ang magmeryenda sa isang bakery na nasa kabilang kanto. Kung ipagpapatuloy ang pagpunta roon, sa eksaktong araw at oras na iyung kinagawian ay PANIGURADONG isa-isang manunumbalik ang mga alaala habang ikaw ay naglalakad patawid sa kabilang kanto. Habang naglalakad paniguradong maiinis ka habang nakatingin sa kawalan.
Habang dinadamdam ang kalungkutan na bunsod ng PAGHUDAS niya sa'yo ay MAWAWALAN KA NG POKUS at MALAMANG sa MALAMANG ikaw ay MABUBUNDOL ng isang MOTORSIKLONG tatlo ang sakay na pawang walang mga helmet.
Ang PINAKAHULI at MADALI sa LAHAT ay:
5.HUMILING NG ISANG SULAT PAUMANHIN SA IYONG KAIBIGAN.
Paliwanag:
Masasabing hindi madali para sa kaninoman na humingi ng patawad lalo na sa pamamagitan ng BERBAL na pagpapaliwanag.
(Kahit sino) ay maaaring mabigatan sa pagsasagawa nito dahil ito'y pag-amin na siya nga ang tunay na nagkasala sa inyong dalawa. At bilang biktima GUGUSTUHIN mong MAGPALIWANAG at HUMINGI siya ng PATAWAG ng
MAY "EFFORT".
BUONG-BUO.
WALANG LABIS at
WALANG KULANG.
WALANG PANG-EECHOS at
DIREKTA: PUNTO sa PUNTO.
Dahil dito, MAG-DEMAND ka ng LIHAM-PAUMANHIN sa kanya.
NGUNIT, DAPAT GAWIN PAMANTAYAN ANG MGA SUMUSUNOD:
A. ANG LIHAM AY DAPAT ISINULAT SA PAMAMAGITAN NG ISANG LAPIS.
OO. TAMA. LAPIS. LAPIS NA KASING LAKI AT TABA NG ISANG PVC NA TUBO: yung kulay ORANGE.
B. ANG LIHAM AY DAPAT NA ISINULAT SA LOOB NG ISANG BODEGA.
TAMA. ISANG BODEGANG SARADO. MADILIM AT MADAGA.
C. ANG LIHAM AY DAPAT MAY BAHID NG KANYANG LUHA NA NATUYO SA PAPEL. DAPAT MADALING MAKITA ITO AT MAANINAG.
D. ANG LIHAM AY DAPAT LABING LIMANG (15) PAHINA (15PAGES)
AT DAPAT "BACK-TO-BACK".
at panghuli
E. ANG LIHAM AY DAPAT PAGKASYAHIN SA ISANG SELYONG KASING LAKI NG KAHON NG POSPORO.
note: ANG LAHAT NG PAMANTAYAN AY DAPAT ISINAGAWA SA IYONG HARAPAN UPANG MAPATUNAYAN ANG KANYANG SENSIRIDAD.
PAGSUSUMA: Ako ay nananalangin at umaasa na sa pamamagitan ng aking ibinahagi ay MAGKAKABATI kayo at hindi na niya hahangaring muli kayong mag-away. :)
(kinikilala ng The Harbinger Diary ang GOOGLE bilang SOURCE ng mga imahe.)
Linggo, Disyembre 11, 2011
KALIBRE
Napabalikwas ako sa kama nang maulinigan ko
ang isang ingay na nagmula sa kabilang kwarto.
Hindi ako kaagad lumabas.
May pangamba ako sa aking sarili.
Mag-aapat na oras na akong nakatingala sa kisame.
Inaapuhap ko ang mga katanungan gumugulo sa aking isipan.
Ilang linggo na mula nang kami ay patuloy na
makatanggap ng mga DEATH THREATS mula kung saan.
Walang makapagsabi kung kanino nanggaling ang mga iyun.
Pero may HULA si Dad na galing ang mga 'yun
sa mga NASAGASAAN niya sa kanyang TRABAHO.
Kinakatakutang "five-star" HENERAL ng MILITARY si Dad.
Kaya pati sa bahay ay umiiral ang batas militar.
Magmula sa aming mga TRAINED DOGS, mga KASAMBAHAY,
at mga TAUHAN sa bahay ay kinikilala si Dad bilang may pinakamatas
na boses sa aming angkan.
Kung ano ang kanyang sinabi o iutos ay nararapat lamang SUNDIN.
WALANG BATAS na MABABALI at dapat LAHAT ay parang
TUTA na susunod sa kanyang mga TRICKS na IPINAPAGAWA.
Wala nmn akong masamang maikukumento kay Dad.
NAPAKABUTI niyang TIYUHIN sa AKIN.
Ni minsan hindi niya ako pinakitaan ng MASAMANG GAWI.
LAHAT ng minimithi kong bagay ay kanyang ipinagkakaloob.
Minsan nga, nagtataka ako kung bakit siya INIWAN ng kanyang ASAWA.
At kung BAKIT hindi na siya muli pang nagasawa.
Labindalawang taon na mula ng mamatay
ang aking TUNAY na AMA.
Bunso si Tatay sa limang magkakapatid.
At sa lahat sa kanila'y si Dad ang sinuwerte at nakapagtapos.
Simula nang ako'y iwan ni Tatay kasama ang aking kapatid na bunsong lalaki,
na noon ay mag lilimang taon pa lang, ay kinupkop na kami ni Dad
sa malamansyon niyang tirahan.
Binihisan.
Pinag-aral.
Pinalaki
at binigyan
PAG-ASA at
BUHAY kami ni Dad.
Walang oras na hindi siya nakasuporta sa aming mga kagustuhan
Partikular na sa akin.
Ako ang paborito niya sa lahat ng kanyang mga ALAGA.
Marahil dahil MALAKING BULAS ako at MATALINO.
MARAHIL dahil MASUNURIN ako at MAGALANG
at marahil dahil LAHAT ng GUSTUHIN niya'y GINAGAWA ko.
Kanina nga'y inutusan niya akong tawagin ang aking kapatid
at pinapasok ako ng aking kwarto.
Nagtaka ako kung ano na namang kalokohan ang ginawa ni Steve
kung bakit pinatawag na naman siya ni Dad.
Bihira siyang kumustahin ni Dad noon, pero ngayon nga'y napapadalas iyon
Nagsimula iyun nang minsang may makaaway si
Steve sa school na kanyang pinapasukan.
Galit na Galit si Dad nang araw na 'yun.
Lahat kami ay nagtataka sa pagbabago ng ugali ni
Steve. Lagi na siyang bugnutin at palasigaw.
Inisip na lang namin na ganun talaga pag nagbibinata na.
Kahit ako noon ay ganun rin naman.
TEKA!
PUTSA!
Nagitla ako sa aking naiisip.
Kung PAREHAS si Steve ng
Pinagdadaanan ko noon.
Maaaring BIKTIMA na rin siya!
BIKTIMA ng MalaDEMONYONG
Gawain ng tinaguriang masamang
ALAGAD ng BATAS.
Ngayon ay naiintidihan ko na kung bakit
nagkakaganito si STEVE!
Kung bakit tuwing umaga'y ayaw niya
akong kasabay sa kotse papasok sa unibersidad.
Kung bakit lagi siyang nagpapamadaling ARAW sa pag-uwi.
At kung bakit isang gabi'y pinasok niya ako
sa kwarto at malungkot na nagsabing,
"KUYA. Ipagtanggol mo ako kapag
may lumapastangan sa AKIN."
'di ko siya pinansin noon.
Ngayo'y ALAM ko na kung BAKIT!
MABILIS akong
lumabas ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni Dad.
MABUTI at hindi ko nadatnan si dad.
Mabilis kong tinungo ang kanyang tokador
at kinuha ang isang kalibre .45
Mabilis ang aking mga hakbang.
Hindi maaring malaman ninoman
ang pangyayaring ito.
At hindi ko na hahayaang pang maranasan ni Steve
ang impyernong buhay...
Binuksan ko ang kwarto ni Steve.
At kinapa ang switch ng ilaw.
Kasabay ng pagbulaga ng liwanag ay
ang putok ng baril sa aming "Dad"
na nakaibabaw sa aking mahal na kapatid na si Steve.
Biyernes, Disyembre 9, 2011
SPECTRUM
2:50 AM
No comments
narinig ko ang ugong ng aking mamahaling F150 sa garahe.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdan.
Kinakabahan akong pumasok sa loob ng aking kwarto
at mabilis na kinuha ang aking mga saplot na nagkalat sa kung saan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naranasan
ang kaba at takot na baka mahuli ako na nasa
isang mainit na tagpo kasama ang AKING MANLILIGAW.
isang mainit na tagpo kasama ang AKING MANLILIGAW.
Narinig ko ang yabag sa labas ng aking kwarto.
Mabilis akong pumailalim sa kama at napagmasdan ko ang elegante't
mamahaling sapatos ng aking kasambahay.
Maya-maya pa'y binuksan niya ang aking aparador gamit ang isang susi.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang naghubad at isinuot ang aking mga damit.
Kabilang na rito ang aking mga mamahaling alahas na bigay ng
AKING MAHAL NA NOBYO.
AKING MAHAL NA NOBYO.
Nakita ko kung paano siya sumalampak ng upo sa aking imported na
couch, na dala ko pa mula sa isang vacation trip sa Italy.
Nanggagalaiti ako lalo na nang aking masilayan kung paano niya
isinuot ang aking paboritong signature stilleto na regalo ng
AKING MAHAL na IROG.
Pigil na pigil ko ang sarili na huwag maghisterya.
Kimkim-kimkim ko ang galit na nararamdaman.
Pero alam ko na dapat hindi ako magpadala sa emosyon.
Mahirap na baka makagulo pa sa mga pinaplano namin ng aking
TAPAT at MAPAGMAHAL na KASINTAHAN.
Ramdam ko ang puyos at inis sa aking mga nasaksihan.
Lalo akong nanggalaiti nang makita ko ang aking mahal na
ASAWA na lumabas sa banyo at niyakap ng
aking TALIPANDAS na KASAMBAHAY.
ASAWA na lumabas sa banyo at niyakap ng
aking TALIPANDAS na KASAMBAHAY.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na lumabas mula sa ilalim ng kama
at hubad na humarap sa kanila.
Hindi ako nakapagsalita ...
Nakaramdam ako ng isang MALAKAS na SAMPAL sa MUKHA,
MARAHAS na SABUNOT sa aking BUHOK at
PANG-UUYAM sa aking PAGKATAO:
"Walanghiya ka. Walang Utang na loob. Pati asawa ko kinalantari mo."
FUGITIVE
My best friend Mateo calls me to see him after my class discussion. It is unusual for both of us to talk after our respective classes. He has been teaching in a public High School for a year now whereas, I am just a new member of the faculty in a private institution exclusive for boys. Mateo and I come from the same teaching institution and both newly-grad when we enter the academe.
For a week now, I am bothered why he resigns and transfers to a new school. I remember the times that he always takes pride in bragging his good position and salary from his previous school.
We both agree to see each other in Plaza Quezon. Although it’s a bit far from my school, I still go because there’s something drives me to meet him. I reach the place around 6:25 pm. While walking with a cap and sunglass, I manage to talk to him on the phone and veil myself.
I sense the nervous in his voice. I insist to know the reason but he is consistent in saying that he needs to personally see me.
There are a lot of people in the park. Few of them look at me curiously. I move down the cap to somehow hide my face from view because I am not use to it for some time.
As I reach the plaza, I decide to walk at the side of the nearby trees which separates me to the bulk of people. My eyes roll from left to right, as if it were involuntary muscles. I am sure that I am becoming nearer to Mateo. As my sweat in the face roll down in my cheeks, I remember that I’ve never been in this place for sometime after the incident. Yes, after that unforgettable incident I refrain from going to crowded place like this one to get away from the suspicious eyes of the few.
I accidentally bump a man after crossing 3 or 4 trees in a row. He looks straight at me. I feel the tension and abruptly look down and put a handkerchief on my mouth. This would somehow hide my entire face to him.
I immediately see Mateo near the President Quezon statue. I know there’s something wrong with him for being nervous. He never says a word when we look each other. Then after a while, 3 law enforcers in their uniforms approach me and put me a handcuff.
“You are under arrest. You have the right to remain silent because everything you say would be used against you.”
I am so shocked to the turn of event. I don’t expect this thing to happen. I never have a hit that he will betray me. Betray our friendship. Oh yes, our intimate friendship.
“I am sorry. I can’t hide the truth anymore. Since I moved from other school and refuse to stand as a witness against you, I’ve been eaten up by my conscience. My life has never been the same again after you abused and accidentally kill your student.”
I am speech less. I just put my hand in my face to cover it like I used to do.


















